Business Meeting
Hapon ng makarating kami sa condo. Maayos naman ang condo. Hindi naman nagpabaya si Oliver. Hinayaan na din niya akong mag ayos ng mga gamit ko sa master's. Siya kasi ang nag occupy ng kabilang kwarto na ginawa kong closet noon.
Marunong din pala siyang magluto kaya naman tuwang tuwa ako.
Tuwing weekend ay naglilinis siya kaya sinabayan ko na din. Pagtapos ay mag grocery kami mamaya. Madalas sa Prime daw siya mag grocery pero naintindihan niya ako kaya sa ibang grocery store kami pupunta.
Nung una, akala ko huhusgahan ako ni Oliver. Na isang intern, kumabit sa taong ipinangako na pala sa iba. Pero parehas kaming walang alam kaya naiintindihan niya ako.
It's already 9 in the evening as of now at pagod na pagod ako sa mga ginawa namin. Mabuti na lang at hindi ko nakita si Clark sa buong araw na to. Mabuti na lang dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanya.
I woke up a bit early and nagyaya si Oliver na mag yoga. Sumama ako and it felt so good.
Pag uwi namin ay nagluto pa si Oliver ng aming lunch na healthy daw. The last time I saw Oliver ay chubby pa ito. Nauuna pa ang tiyan niya kapag naglalakad. Pero ngayon, napansin kong pumayat nga siya.
Pagkatapos ng lunch namin ay nagbihis ako ng pang alis. Pupunta ako sa branch namin para pormal na magpakilala. Naging maayos naman ang pakikitungo nila at magaan silang katrabaho kahit kakakilala ko pa lang sa kanila. Mostly sa mga empleyado ay sa Tagaytay talaga nakatira.
Tatlo kaming taga Manila. Si Mika na isa sa mga supervisor namin galing BGC branch, si Gemma na store manager at ako.
Masyado ata akong masaya na nakalimutan ko na ang oras ng uwi ko. Nagulat na lang ako na nasa branch na si Oliver at hinihintay ako. Akala pa nga nila boyfriend ko si Oliver eh. Ang gwapo gwapo daw kasi. Kung alam niyo lang, gwapo din hanap niya.
Mabilis na dumaan ang weekend ng hindi ko namamalayan. Excited na akong magsimula bukas sa trabaho. So far, hindi pa kami nagkikita ni Clark. Condo at trabaho lang naman ako at mukhang hindi na umuuwi sa condo si Clark dahil confirmed na sa mansyon siya tumutuloy. Pero, nag aalala pa din ako para sa kanya.
I woke up early to prepare. Nag dadalawang isip pa ako kung kailangan ko bang maglagay ng make up pa kahit buong araw naman akong sa opisina lang. Sa huli, nag powder at gumamit ng two tone lipstick. I am wearing a black jeans, white long sleeve, a cream blazer and a pair of cream stilettos.
"Good morning ma'am."
Bati sa akin ng mga empleyado namin. Bumati din ako sa kanila at dumiretso na sa opisina ko.
Madami dami akong aayusin. Pero mostly, mga promos and advertisements. Medyo nag aadjust pa ako dahil kababalik ko lang galing bakasyon. Bago pa yun ay sa...PFC ako galing.
Pero hindi naman ganun katagal ang adjustment ko dahil na'train naman ako ng maayos ng Kuya Zeke at ni Mommy na din. Dalawang linggo pa lang ako dito pero maayos na ang takbo ng negosyo. Nakakabawi na naman kami agad.
Nasa kalagitnaan ako ng pag kain ko ng tumawag si Mommy. Hindi pa ako nakakauwi sa Manila simula ng madestino ako dito sa Tagaytay. So far, wala pa din akong balita kay Clark. Kahit ang PFC tahimik sabi ni Oliver.
"Hey anak. How are you doing there?"
"I'm doing good Mom. The business is doing great. Kayo? Kumusta?"
"We're okay anak. We miss you. Nga pala, can you come home this weekend? Your ate and kuya are inviting us. Dinner daw."
"Okay Mom. Uuwi po ako."
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...