Miss Independent
I woke up around 10am. Sobrang sakit ng ulo ko, parang pinipiga. Kumakalam din ang sikmura ko. Gosh. I woke up at 10? Bago yun ah. Mga ganitong oras noon ay nasa school na ako o kaya naman nag aaral na ako kahit walang pasok.
Tinignan ko ang paligid. Oo nga pala, nandito kami sa guest room nila Lexie. At ang gulo gulo ng kama. Wala sa ayos ang kumot at unan. At kaninong paa ba itong nasa harapan ko?!
Kahit pumipintig ang ulo ko ay bumangon ako at tinignan kung sino itong katabi ko.
What the...! Tulo laway pa tong si Titus! Tapos katabi din niya si Ajax. Konti na lang maghahalikan na sila! Hahahaha. Sarap na sarap sa tulog nila. Sa kaliwa ko naman ay si Lexie. Taray! Lasing na't lahat lahat pero nagawa pa ang skin care routine niya kaninang bago kami matulog.
Teka, ako ba nakapag bura ng make up? Wala na akong matandaan. At nasaan na yung mga iba naming kasama?
Dim pa sa kwarto pero sumisilip na talaga si haring araw dun sa makapal nilang dark, heavy curtain. Apat kami dito sa bed tapos sina Wyatt, Ashton at Jeya ay napunta sa lapag. Sa pagkakatanda ko ay kaming tatlong babae at si Ashton ang humiga sa kama. Natatandaan ko pa nga na naghahanap pa yung tatlo ng kumot at sapin. Yeah, naalala ko na nagtanggal ako ng make up kagabi.
Alam mo yung nahihilo ka na at pagod at inaantok, tapos tatalakan ka ni Lexie about sa hindi pag aalis ng make up bago matulog. I remember tinulungan pa niya ako sa skin care routine niya. Pinagamit niya sa akin yung ginamit niya sa mukha niya.
Ni hindi din kami nakapag palit ng damit. Ano pa bang aasahan mo eh nag tequila kami, hennessy tapos beer pa. After that may pinainom pa sila sa akin na hindi ko alam kung ano yun pero masarap. Will ask them later kung ano yun.
Nagpunta ako ng banyo. Unang tapak ko pa lang sa sahig ay ramdam ko na parang masusuka ako. At the same time nanunuyo ang lalamunan ko. Naghilamos ako ng malamig na tubig. Nagugutom na ako. Hinanap ko sa bag ko ang toothbrush ko at dumiretso ulit sa banyo. Pag balik ko ay tulog pa din sila.
Nag check ako ng phone at nireplyan ko ang mga bumati sa akin mula pa kahapon. Ang dami pero okay lang. Nakita kong may message si kuya Zeus. Tinatanong ako kung anong oras ako uuwi. Ngayon nga pala kami maghahanap ng place ko na tutuluyan. But it's 2 hours away. Anong oras na.
So I texted na bukas na lang. Hangover. Luckily okay lang daw sa kanila. Hay. What did I do to deserve this life?
Nagising yung magkasintahan. Tapos si Lexie nagising na din.
"May breakfast na siguro sa baba. Or lunch. Brunch." Sabi ni Lexie habang yung isang mata ay nakapikit at yung isa ay bukas habang nagse-cellphone.
"Gutom na ako. Kaso paano sila?" Tanong ni Jeya.
"Gisingin natin?" Ashton
"Teka lang. Paanong napunta kayong dalawa sa lapag at yung dalawa naman na ito ang katabi namin?"
Tanong ko sa dalawa. I don't mind naman kung katabi namin sila. Madalas naman kaming nagsasama sa isang kwarto noon pa. Magkakapatid na ang turingan namin at wala naman mangyayari.
"Ewan ko. Ang alam ko lang nung nainitan ako, umalis ako ng kama at sa lapag natulog." Jeya
"Tapos nung naramdaman kong tumayo siya, tumayo din ako. Sinamahan ko siyang matulog sa lapag." Ashton
"Naramdaman siguro nilang wala ng tao sa kama kaya umakyat yung dalawa." Lexie
Siguro nga. Maluwag kasi sa left side ng guest room nila dahil may vanity/desk at closet sa right side. Naramdaman siguro nilang nagsisiksikan sila sa lapag kaya umakyat yung dalawa. Si Wyatt siguro sobrang sarap ng tulog wala na lang paki. Hahahaha!
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...