Drunk
Days went by so fast. Friday na pala ngayon. Meeting na naman mamaya. I have a few proposal and I can't wait to share them to miss Rodriguez. Mamayang hapon pa naman iyon at kailangan ko lang tapusin ang mga paperworks na ito.
Dahil starting Monday, I'll be mr. Monteverde's temporary personal assistant. Ilang araw ko pinag isipan iyon. Ayoko sana dahil si mr. Monteverde iyon. Pero ginusto ko rin dahil si mr. Monteverde iyon.
Ilang weeks lang naman. O baka days, kung makahanap sila agad ng kapalit. Sa palagay ko, in order for me to unlike him, is to be with him. To know him more. Not just as my boss but as a person. Baka sakaling mas lalo ko siyang nakakasama, mas lalo ko siyang makilala. Baka nagwapuhan lang kasi ako. At wala na bukod doon. Wala lang. Then I'll be alright. Baka kapag nakilala ko siya, malaman kong hindi ko naman pala talaga siya gusto.
Nagtataka pa din ako kung bakit ako ang gusto ni sir na pumalit kay mrs. Ramos. Mrs. Ramos is leaving the country in a month. I guess one week is enough para matuto ako. Hindi naman siguro ako tatagal sa ganoong trabaho.
I finished early kaya naman tinulungan ko sina Oliver, Brie at Jayden sa mga gawain nila. I think I'll have lesser paperworks kapag nag start na akong maging personal assistant ni sir. I can't wait to take a break from all of these. Minsan kasi nagpa-pile up na sila.
We were called sa office. Sabay sabay kaming nagpunta. I wasn't nervous dahil magpepresent lang naman ako ng ideas may ma'am Rodriguez with my co-interns.
Akala ko lang yun. Mr. Monteverde is also here. I'm stunned. Halos manigas na ako dito sa pintuan ng office ni ma'am. I thought kami lang ni ma'am at ng mga kasama ko? Akala ko after niya ma-gather lahat ay saka pa lang siya magpapa approve kay mr. Monteverde? Anyways, it's not my company and employees. He can do whatever he wants.
"Good afternoon, interns." Mr. Monteverde
"Good afternoon po." Sabay sabay naming bati.
"Mr. Monteverde will be joining us today so do your best." Ani ma'am.
I was pretty confident pa naman kanina kasi akala para lang kaming friends na magcacatch up. Parang ganun pa din naman. Yun nga lang, parang friends na naghahang out pero may parent na nagbabantay. Hulaan niyo kung sino yung "parent" na iyon.
"Let's hear Oliver first." Sabi ni ma'am na ngayon ay umupo at naghahanda ng magtake down ng notes.
Square ang table namin. Si mr. Monteverde ay nasa kabisera at nasa kaliwa naman niya si ma'am Rodriguez. Sa tabi ni ma'am ay si Brie tapos ay si Jayden. Kaharap ni ma'am si Oliver at kaharap ko naman si Brie.
Ako na ang sumunod pagkatapos ni Oliver. Kalma Shantel. Magpresent ka ng maayos. Huminga ako ng malalim.
"Good afternoon po. Nakaisip ako ng dalawang activities. Una ay ang Mini Chef at ang pangalawa ay gaganapin tuwing magpaPasko sana." Panimula ko.
Naalala ko noong naggrocery ako. Teka ang unang pumasok sa utak ko ay yung tinulungan ako ni Clark sa mga pinamili ko. Hindi yun eh.
Naalala ko yung batang gustong gusto niyang magbake nung cake mix pero wala silang oven sa bahay. I can't help her bake but pwede silang magdecorate. 6-12 years old ang target age ko. Iba't iba ang gagawin nila. Merong cake, meron ding sugar cookies at iba pa.
Pangalawa, Christmas for the old people na nasa shelter. Yung mga lolo at lola natin na hindi na kayang alagaan ng mga anak nila kaya pinasok sila sa mga home for the aged. Hanggang yung every weekend, nagiging once a month, hanggang special occassions na lang at hanggang sa, makalimutan na nila. Nakakalungkot iyon.
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...