Twenty Seven - Stars

183 6 8
                                    

Stars

Pwede pala yun ano? Yung lumulundag sa saya yung puso mo pero at the same time, parang sinasaksak sa sobrang sakit.

Bakit napaka hirap magmahal? Ngayon ko na nga lang to naramdaman, ganito pa kakomplikado.

Hinintay ko ang pagdating ni Clark. At ng may kumatok sa pinto ay dali dali akong nagtungo doon. Hindi pa ako nakakapag ayos mula sa pag iyak ko kanina kaya naman huminga ako ng malalim at nagpunas ng luha. Huwag sana niyang mapansin.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto. He's wearing a polo shirt and jeans tapos hawak niya sa kamay niya yung jacket niya.

He is smiling but I knew he's tired. He pulled me in for a hug and a kiss. Mabuti na lang walang tao sa hallway.

"I miss you." He said after we shared a kiss.

"How are you? Kumain ka na ba? Let's go inside?"

Pagkasara ko ng pinto bigla na lang akong niyakap ni Clark ng patalikod. Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

"I'm sorry. I'm sorry you had to go through this mess. But don't worry about them anymore."

"What do you mean?"

"I called off the engagement. There was no proposal to begin with."

Hinarap ko si Clark. Narinig ko na iyon kanina sa TV pero nagulat pa din ako ng marinig yun mismo sa kanya.

"What about your parents? Your mom. What--"

"No baby, they don't get a say to this. This is my life. Ako dapat ang magdedesisyon."

May bumabagabag pa din sa akin. Nag usap lang kami kanina ng Mama at gusto niyang hiwalayan ko si Clark. And now...something is not right.

"What's wrong?"

"Nothing. I'm just really worried."

Hinalikan niya ako sa noo ng mariin at matagal. Ninamnam ko lahat ng iyon. Give me a little more time. I just need a bit.

Magkasama kaming kumain. He seems okay pero hindi pa din talaga ako mapalagay.

"You're tired. Get some rest."

Katatapos lang namin kumain at magligpit. Halos alas onse na ng gabi. Hindi ko man lang namalayang ganito na pala ka'late.

Halos buong gabi pa din akong umiiyak. Ang daming naglalabasang article tungkol kay Clark at Belle.

Kinabukasan, Lunes. Holiday dito kaya wala akong pasok. Medyo late na akong nagising kaysa sa usual kong gising dala ng pagod kagabi. Kaysa magmukmok pa ay pinilit ko ang sarili ko na bumangon sa kama para maligo.

Sa dami ng iniisip ko sa ngayon, pwede na akong malunod. Sana kagaya na lang ang lahat sa dati. Walang problema, walang inaalala. How did it get so complicated? Pagtapos kong maligo ay may kumatok sa pintuan ko.

"Good morning! Breakfast?"

This. I'll surely miss that smile of him. At yung mga panahon na naging temporary PA niya ako. I don't eat breakfast. Hindi ako sanay na mabigat ang tiyan ko sa umaga. Naranasan ko na kasi iyon noon. May exam kami sa Math na siyang first subject namin noon. Laging sinasabi nila Jeya at Lexie na nakakasagot daw sila ng maayos kapag may laman ang tiyan nila. Nakakasagot naman ako sa Math, mataas naman ang grade ko doon pero sinubukan kong kumain bago pumasok sa school ng araw na iyon.

Yun nga lang, sumakit ang tiyan ko. Mabuti na lang ay pinag special exam nila ako. Kaya hindi na ulit talaga ako nag almusal. It's either brunch or lunch lang. But when I became his temporary PA, I've learned to appreciate breakfasts.

Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon