Nightmare
"Mag iingat ka doon ha. Lagi tayo magcocommunicate."
"Akala ko pa naman, more gala na tayo since balik ka na dito sa Manila."
"Oo nga. Tapos aalis ka naman ngayon. Pag uwi mo na lang kami ng snow ha."
Natatawa talaga ako sa kadramahan ng mga kaibigan ko.
"Sira! September ngayon. Autumn pa lang doon. Bandang October pa pwede magsnow pero kapag December daw talaga doon na makapal." Sagot ko naman.
"Ah basta. Pasalubong pag uwi mo. Isang buwan ka lang diba?"
I hope I can stay longer. Maybe mapapayag ni tita Marife na magtagal ako doon. My tita said dadalhin daw niya ako sa isang national park so we can see the northern lights. Visible na daw kasi kahit September pa lang. Kailangan lang namin ng magandang lugar.
We had a long flight. Akala ko magkakaroon ako ng maganda at mahabang tulog sa flight pero hindi. Paulit ulit lang sa utak ko yung kanina. What a small world! Pinsan pala ni ate Ria si Clark?! At childhood friends pa sila ni Belle?!
Ibang klase din naman talaga maglaro ang tadhana. Nakatulog lang ako sa dalawang huling oras ng biyahe. Simula ng umuwi ako sa Manila hanggang ngayon, wala pa din akong maayos na tulog at mahigit isang linggo na iyon.
Lumapag ang eroplano sa Edmonton International Airport ng mga bandang 5pm. Mabuti na lang at hapon ang lapag namin at may oras pa akong magsettle bago ako matulog mamaya. I'll ask for a tea that can help me sleep better.
"Goodness! I'm happy you're all here. Except kay Zeus syempre."
Sinalubong kami ng yakap ni tita Marife. Ganun din ang mga pinsan kong sina kuya Calix at Astro. Kasing edad lang ni kuya Zeke si kuya Calix at matanda naman ako ng dalawang taon kay Astro.
The last time I saw them sobrang ang babata pa namin. I remember, they would always fight with each other for petty reasons like toys, shirts. Now they are all grown-up. We are all grown up.
"Hey couz!" Bati nila sa amin. Sus, yung handshake nila.
Lagi talaga akong nagtatampo sa kanila noon kapag naghahandshake sila kasi hindi nila ako sinasali tapos magsusumbong ako palagi kina Mommy at umiiyak. Ako lang naman kasi ang babae sa amin. Tapos nung lumaki na kami, napagtanto ko na baka minsan sinasadya na nila kasi trip lang nila akong paiyakin.
"Hey Shantel!"
Umakbay naman ngayon si kuya Calix sa akin tapos ay yumakap.
"Ganda mo na ah. Mukha ka ng tao ngayon." Dugtog pa niya.
"Calix." Saway ni tita Marife na tinawanan ko lang.
"Hi ate Shantel."
"Hello Atlas! You've grown so much." Bati ko.
Kapag walang gustong makipaglaro sa akin dahil big boys na ang mga kuya ko noon, si Atlas talaga ang nakikipaglaro sa akin. Madalas ang laruin ko noon ay dolls. Ako yung kay Barbie at siya naman kay Ken. Tapos nagluluto lutuan kami. Baka kasi mas matanda ako sa kanya kaya wala na siyang choice noon kasi kami ang magkasunod.
"So glad you're here ate." Niyakap ko si Atlas.
"Oh siya, sa bahay na tayo mag usap usap. Naghanda kami ng hapunan doon. Zane, Zeke, kay Calix na kayo sumabay."
Ganun nga ang ginawa namin. Sumakay kami nina Mommy at Daddy sa Terrain ni tita Marife. Sina kuya Zane at kuya Zeke naman sa Ram ni kuya Calix kasama si Atlas.
Gradeschool pa ata ako ng huli akong pumunta ng Canada. Or high school ba iyon? Hindi pa dito nun nakatira sina tita kaya naninibago talaga ako. Sa Pinas bihira kang makakita ng mga sports car sa daan. Dito parang wala lang. Parang halos lahat nasa kalsada.
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...