Pool Party
Halos 12 midnight na ako nakauwi kagabi. Iyon na ata ang pinaka late kong uwi sa loob ng mahigit isang linggo.
Mabuti na lang at natulog ako nung hapon kaya hindi ako inantok nung kasama ko sila. Actually mukhang hindi naman talaga dahil sa nalaman ko tungkol kina Titus at Denise.
Hindi pa din ako makapaniwala naghiwalay na sila. Hindi ko alam kung paano si Titus nung mga nakaraang araw dahil recently lang yun eh. Tsaka si Denise. How is she right now? Nagi-guilty ba siya? Nasasaktan ba siya ngayon? Nagsisisi na ba siya?
Hindi ko dapat siya husgahan pero kasi, kaibigan ko si Titus eh. Hindi ko maimagine na pagtaksilan ka ng taong mahal mo. Sana hindi ko danasin yan. Sana mahal niya ako. Sana sapat na ako para sa kanya.
Bumangon ako ng kama. Linggo nga pala ngayon. Pasok ulit bukas. Namiss ko na din sina Oliver. Ano kayang ginawa nila kagabi?
Naghilamos na lang ako at nagmumog bago bumaba para mag breakfast. It's a Sunday and maliligo na lang ako mamayang bago umalis.
Bumaba ako para makapag almusal. It's 8:30am. I had a good night sleep. Naabutan ko si kuya Zane at kuya Zeke na nasa sala.
"Good morning princess!" Bati ni kuya Zeke. He's so sweet talaga.
"Good morning kuya."
Bati ko pabalik. Tinignan ko si kuya Zane. Hala. Hindi ako pinapansin?
"Good morning kuya Zane." Bati ko.
Walang narinig? Problema ni kuya?
"Nagtatampo yan." Biglang sabi ni kuya Zeke
"Huh? Bakit?" Tanong ko.
"Late ka na daw kasi umuwi kagabi."
Tinignan ko si kuya Zane after what kuya Zeke said. Matampuhin si kuya! Lumapit ako at yumakap.
"I'm sorry kuya. We were having fun celebrating tapos I just learned na Titus broke up with his girlfriend a few days ago. Third party, that's why."
Naramdaman ko ang kamay ni kuya sa likod ko. I'm forgiven!
"Okay. Eat your breakfast na."
Tumango ako at kumalas.
"Where's kuya Zeus and the parents?" Tanong ko
"Kuya's still sleeping. Nag simba sina Mommy at Daddy."
Ay. Silang dalawa lang? Hindi kami sinama. Nang masagot na ni kuya Zane ang tanong ko ay pumunta na akong kitchen para mag almusal. Unang kagat pa lang ay nakarinig ako ng yapak.
"Good morning kuya!" Bati ko kay kuya Zeus na bagong gising at magulo pa ang buhok. Parang model ha.
"Good morning."
Bibiruin ko sana si Kuya kaso mukhang hindi maganda ang gising niya.
"Are you okay Kuya? Bakit ang itim ng ilalim ng mata mo? Tsaka ang pula ng mata mo. Puyat ka?" Tanong ko habang binibigyan siya ng bread.
"Paanong hindi ako mapupuyat? Inaway na naman ako ng ate Ria mo. Hindi ko alam anong ginawa ko."
Bakit nga ba ganito ang mga ibang babae? Ganun ba kahirap diretsuhin ang boyfriend? Kailangan ba ipahula mo sa boyfriend mo? Hindi ba pwedeng agad mong sabihin? Hindi ba dapat open communication?
"Hayaan mo na muna siya kuya." Kuya Zane
"Paanong hayaan? Buti sana kung andito lang siya sa Pilipinas. Eh kaso nasa ibang bansa siya. Sanang ganun lang kadali na puntahan siya at iwan ang lahat ng responsibilidad ko dito."
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...