Five - Graduates

277 6 0
                                    

Graduates

Maaga akong nagising sa araw na ito. Graduation nila Ajax at Wyatt ngayon kaya naman agad akong bumangon at nag almusal sa baba. Hindi bale, pwede na akong mag sleep in simula bukas.

"Oh. Napaka aga mo ata ngayon?" Manang

"Graduation po nila Jax eh. Aattend po ako mamaya."

"O siya saglit lang at malapit na maluto yung breakfast."

Tumango ako at hinayaan bumalik ng kusina si Manang.

It's only 6am. Mamaya lang ay bababa na sila. My brothers have work today. Mom will meet a client later and sasamahan siya ni Daddy. So makakapagbreakfast kami together. Good thing because I don't know kung kailan ulit kami makakapag breakfast ng sabay sabay. I'm being sentimental and emotional huh.

"Good morning anak!" Bati ni Daddy. Tumayo ako at bumeso. Ganun din ang ginawa ko kay Mommy.

Naka postura na si Mommy. Handang handa ng makipag meeting. Habang si Daddy ay handang handa ng i-date si Mommy pagtapos ng meeting nila. These guys. Hahaha!

Kahit naman pala magstay ako sa bahay, wala din akong makakasama ni isa sa kanila. Nang matapos ang breakfast ay agad akong pumanhik sa taas para maligo at magbihis. Simpleng white midriff top and black jeans lang ang suot ko. Sasamahan ko lang naman sila kaya no need to dress up at baka mapagkamalan pa akong kasama sa mga graduates. Isa pa, babalik na din naman ako ng Tagaytay mamaya.

Bumaba na ako para hagilapin ang sneakers ko.

"Oh, alis ka na?" Tanong ni kuya Zane sa akin.

"Maya maya kuya." Sagot ko.

"Sino magsusundo sa sayo?" Tanong niya ulit.

"I'll bring my car kuya. Baka after nung lunch namin ay babalik na akong Tagaytay. Ayokong magdrive ng gabi eh."

"Okay. Just be careful okay? Sorry hindi kami makakapag half day but I'll try to go home early."

"It's okay kuya. I understand." Ngumiti ako. Naiintindihan ko naman talaga. Not because parents namin ang nag mamay ari ng mga trabahong pinasukan nila ay pwede na silang umabsent anytime.

Nagmamadaling bumaba sina kuya Zeke at kuya Zeus. Nag uunahan pa, maaliwalas naman ang hagdan. Mukhang male-late na sila.

"Good bye bunso!" Sabay halik ni kuya Zeus sa noo ko.

"Good bye Shantel!" Si kuya Zeke naman ang humalik sa noo ko.

Parehas silang nagmamadali palabas. Late na nga sila. Natawa lang ako.

"Mag iingat ka palagi ha. Call us always. I'll go ahead." Humalik din si kuya Zane sa noo ko.

"Yes kuya I will."

Naiwan na naman akong mag isa sa sala. Hihintayin ko na lang sila Mommy at Daddy bago ako umalis ng bahay para sunduin si Titus. Sa akin na lang daw siya sasabay. Habang sina Jeya at Lexie ay kay Ash sasabay.

"Daddy please hurry up!"

Rinig ko ang boses ni Mommy sa taas. Si Daddy talaga kahit kailan. Hihintayin niya munang matapos si Mommy mag ayos dahil babae, kailangan mag ayos. Saka pa lang maliligo at mag aayos kapag alam niyang patapos na si Mommy. Ang ending, si Mommy pa ang nagagalit kasi pinaghihintay ni Daddy.

Narinig ko ang pagsarado ng pintuan nila. Pababa na sila.

"I'm glad you're still here hija. I thought you left na. Ang bagal kasi ng Daddy mo." Inirapan ni Mommy si Daddy tapos tinawanan lang siya ni Daddy pero niyakap. Hay, these two.

Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon