Seven - Nice To See You Again

348 8 1
                                    

Nice To See You Again

Dahil sa tabi lang ng public washroom ang office kaya naman agad kaming nakarating doon. I saw miss Rodriguez waiting for us sa tabi ng door na nakita ko noon. Yung office na may double door na glass at may logo ng company. Jayden and Oliver were waiting for us with miss Rodriguez so agad kaming lumapit. She opened the door. I saw a man. A familiar man actually.

He's wearing a suit and tie. He's young. Younger than all the department managers here. Maybe he is in mid to late 20s? Tumayo siya. Then I remembered. He is the guy at the mall yesterday! Ano na nga ulit yung last name niya? Oh I remember mrs. Francisco and Bella.

"Everyone, this is mr. Monteverde. He is our CEO."

Yes! That's it. Monteverde. Wait! CEO?!

"Mr. Monteverde, these are our interns. Oliver."

He shook hands with Oliver.

"This is Jayden."

He shook hands with Jayden.

"Brie."

He shook hands with Brie.

Oh no! I hope he doesn't remember me."

"And, this is Shantel." Huling pakilala ni miss Rodriguez sa aming CEO.

"Shantel." He said my name while holding out his hand. Tinanggap ko iyon at nakipag shake hands.

"N-nice to meet you...sir."

He smirked at me. He remembers me. Ito pala ang CEO namin? Oliver's right. He's young. Very. Ang akala ko sa mga CEO yung matatanda na. Pinatanda na ng panahon at stress. Pero oo nga naman, he is the son of don Primo Ezekiel at donya Clarissa Monteverde. Tanging tagapag mana.

Ramdam ko at kita ko sa aking peripheral vision na nakatingin sa akin ang tatlo.

"Mr. Monteverde invited us here since wala siyang time nung nakaraan na nandito tayo. Sa kanya galing ang pizza na ito." Miss Rodriguez.

"Maraming salamat po, sir." Nagkasabay sabay pa naming sabi.

"Walang anuman. Maupo na kayo at kumain. Alam kong napagod kayo."

Tinuro ni sir ang pabilog na mesa medyo malayo sa desk niya. Malaki pala ang opisina. Siyempre, CEO eh. Lumapit naman kami kasama siya.

Bilang may pagka gentleman itong si Jayden, pinaghila niya ng upuan si Brie para makaupo ito. Hmm, I smell something fishy sa dalawang ito ha. To my surprise, Oliver did the same thing. Pero para kay miss Rodriguez. I did not expect him to do that kasi nga he's gay. But of course, si miss Rodriguez iyon eh.

Itutulak ko na sana yung upuan para makaupo ako ng mapansin kong may kamay. Si mr. Monteverde. Natatandaan niya talaga ako.

Wala na akong nagawa kundi maupo na lang at magpasalamat. Nag umpisa na kaming kumain. Kahit pa nakapagtataka na dito kami sa office niya kumakain. Mangangamoy pizza sa buong office niya.

Never. Never pa akong nailang sa pagkain. Feeling ko ang dumi dumi kong kumain sa harap nila. Ngayon lang ako nailang ng ganito. Bakit kailangan pa niya akong panooring kumain? Pero hindi ko na lang siya papansinin. Boss ko siya. Boss siya ng lahat. Siya ang nagmamay ari ng buong kompanyang ito. Nag uumpisa pa lang ako dito bilang intern at sana kunin akong regular na empleyado. Kaya lulunukin ko ang pride ko. Isang matayog na kompanya ang PFC. Hindi man ako kunin, paniguradong matatanggap ako sa ano mang apply-an ko sa ibang kompanya basta malinis ang record ko.

"How's work?"

"We're doing great sir. Mabuti na lang ho at dito kami ngayon sa store." Brie

"Oo nga po sir. Okay din po pala iyong hindi muna mga papers and pens ang lagi naming kaharap." Oliver

Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon