Twenty One - Stroll

239 6 0
                                    

Stroll

Halos hindi ko na masundan ang mga kwento nila dahil hinihila ako ng antok. Sa ihip ng hangin at sa busog ko at sa puyat na din, antok na antok na ako.

Nagising ako sa naramdaman kong paghawi ng isang kamay sa mukha ko. I fell asleep! Nakakahiya. Agad kong inangat ang ulo ko at nakatingin silang lahat sa akin. Nakakahiya! Nakasandal pa ang ulo ko sa balikat ni Clark dahil magkatabi kami.

"Sorry." Sabi ko kay Clark.

"Okay lang. Napuyat ba kita kagabi?"

Pinamulahanan ako sa sinabi niya. Bulong iyon pero pakiramdam ko narinig nilang lahat. Lalo na't nakita kong nag-smirk si Jeya.

"Hindi. Yung hangin kasi." Sagot ko.

"Ilang minuto akong nakatulog?" Nilakasan ko ang boses ko para marinig nilang lahat.

"Hindi naman matagal. Say...5?" Ashton.

Hindi naman pala matagal pero pakiramdam ko malalim. Kaya hindi na ako inaantok ngayon at handang handa na ulit pumasyal.

Pagkatapos namin kumain ay naglakad lakad kami. Pakiramdam ko naman ngayon ay ang mga kaibigan ko ang pagod.

"Tara maghorseback tayo!" Aya ni Lexie.

Horseback?! She hates activities that can ruin her hair or her make up. She hates being in the sun for too long kahit pa minsan ay nasa beach kami ay gusto niyang lagi siyang nasa lilim. She's acting weird. Or maybe she just wanted to try new things?

"Gusto ko din!" Sabi ko at medyo napalakas ata sa excitement.

Nagpunta kami kung saan ang pwedeng mag horseback. Yung iba may guide na nakasakay sa likod nila. I wanted to be alone. Pwede kaya iyon? Noong bata ako pinangarap kong maging equestrian. Nawala lang iyon ng nasipa si kuya Zeke ng kabayo noong mga bata pa kami sa kakulitan. Kaya siguro maluwag ang tornilyo niya sa utak. Hahahaha.

"Kami ni Jeya magkasama. Ayokong may kung sinong poncio pilatong sasakay sa likod niya. Ako lang dapat." Si Ashton na inirapan ni Jeya pero halata namang kinililig.

"Possessive!" Asar ni Titus sa kanila.

"Ako okay lang mag isa." Lexie

"Hindi na. Baka ano pang gawin sayo at tyansingan ka pa." Pagpresinta ni Titus. Tumango si Lexie.

"Siyempre tig isa kami ni Ajax. Alangan naman magsama kami. Kadiri!" Wyatt

"Arte mo tol. Kagabi nga pinagnanasaan mo ako eh." Ajax

Kinindatan ni Wyatt si Ajax. Mga to talaga. Sanay na kami sa mga hiritan nilang ganyan pero si Clark? Sinulyap ko siya. I can see amusement in his eyes. Pero agad kong ibinaling ang tingin ko kina Ajax ng magtama ang mga mata namin.

"Teka, paano si Shantel?" Si Ajax

Oh don't worry about me guys. I can take care of myself.

"Sasamahan ko siya. I know how to ride a horse."

Or I can go with Clark.

"Marunong ka Clark?" Titus

"Oo. Naturuan ako ng ama ko." Sagot niya.

"That's good then. Let's go. Bago pa lumubog ang araw." Wyatt

12:30pm pa lang Wyatt. Sobrang tirik pa nga ang araw eh. Maaga ang lakad namin ngayon. Hindi katulad ng mga lakad noon na laging behind na schedule lalo na kapag hindi naman namin first time doon. Pero kapag first time namin, minsan lang kami mahuli. Kapag naliligaw lang pero bihira.

Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon