The Lights
Ilang araw na din kami dito sa Canada. Hindi na din ako dinalaw ng jetlag kaya naman napaka saya mag gala. Gaya ngayon, weekend na naman. Ipapasyal daw nila kami sa Calgary at Banff.
Maaga kaming nagising lahat para maaga din kaming makaalis. Kasama nila Mommy at Daddy si tita Marife sa isang sasakyan. Habang kaming magpipinsan ay nasa isa.
Halos tatlong oras ang biyahe mula Edmonton at Calgary. Parang nagTagaytay lang pala ako ng papunta at pabalik. Tss. Lahat na lang may kinalaman kay Clark.
Nakarating kami doon ng mga bandang 11am. Napagpasyahan na lang din naming maglunch sa isang steakhouse sa downtown.
"Saan ba tayo pupunta pagtapos nito?" Tanong ni Mommy
"Unahin na natin yung Calgary zoo. Tapos mag Calgary tower tayo. Tapos pwede tayo maglakad lakad downtown. Tapos bukas naman, magba-Banff tayo at Lake Louise." Sagot ni tita habang hinihiwa ang steak niya.
"Tita kailan ko makikita yung northern lights?" Tanong ko.
"Hindi kasi masyadong kita sa Banff iyon. Makikita mo pa din pero mas maganda kung sa Jasper ka pupunta."
"Huwag kang mag alala, next weekend mag Jasper tayo." Kuya Calix smiled at me.
Uuwi na sila Mommy at Daddy nun pero makakasama pa naman sila sa amin sa panonood. Hindi talaga ako papayag na hindi ko makita iyon.
Iyon nga ang ginawa namin buong araw. Inuna namin ang zoo. Sa palagay ko mas malaki ito kaysa sa pinuntahan naming zoo sa Edmonton nung isang araw.
Sunod naming punta ay ang Calgary tower. Nagpicture kami ng madami ng mga kuya ko at ni Atlas. Kaya pa kasi naming magpicture habang nakatingin sa ibaba. Nalulula na kasi ang mga magulang at tita ko kaya kami ang tuluyang nag enjoy.
Bumili din ako ng iilang souvenirs. Pagtapos ay pumunta kami sa isang japanese restaurant para mag dinner. Dahil sa matanda na ang mga Mommy, hindi na nila kami sinamahan sa paggagala sa downtown kaya naman ang mga Kuya at si Atlas ang kasama ko. Nagkukuha lang naman kami ng mga pictures at naglalakad lakad na din.
Nakapunta na kaya dito si Clark? I know mayaman sila at alam kong madalas din siyang magbakasyon sa ibang bansa. Dito kaya mismo sa kinakatayuan ko? Nakita na kaya niya ang mga nakikita ko ngayon? I wonder what he's doing right now. Umaga sa Pilipinas. Nag almusal na kaya siya? Sino kayang kasabay niya? Si Belle? Baka, pwede.
Nanood kami ng sunset sa isang park na hindi kalayuan sa hotel. I once watched a sunset with him. It's a bit different. Noong kasama ko siyang manood, I hoped na sana bumagal ang oras para makasama ko pa siya. Pero ngayon, sana bumilis na ang oras. Ng maka move on na ako, malaman ko na makasal na siya at magkapamilya at kung masaya siya. Na sana, okay na ako.
Akala ko, mas masakit ang maiwanan. Kasi ikaw yung iniwan na lang bigla ng walang dahilan. Pakiramdam mo pinaasa ka lang. Yun bang napakadali na lang para sa kanya na iwan ka ng ganun ganun na lang. Walang sapat na dahilan, wala man lang warning.
Pero mali pala ako. Mas masakit pala ang mang iwan. Ang sakit iwan ng taong mahal mo. Yung you will worry about him but you can't do anything. You will wonder what he is doing, if he already ate, if he is doing just fine, if he is alright, if he...you just keep on thinking about him.
It will make you go crazy. But you can't do anything. Kasi in the first place, iniwan mo siya. Iniwan ko siya. And I can't do anything about it kahit pa mabaliw na ako kakaisip. Pero ginawa ko iyon para sa kanya. Yun nga lang, he can be happy now with Belle. Me, I am trying.
After the walk, bumalik kami sa hotel. Isang room para sa amin ng Mommy, Daddy at dalawang kuya ko. Mayroong two-queen sized beds at may sofa bed pa. Doon ako sa sofa bed. Nasa adjacent room naman ang tita at mga pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...