Thirty Four - Chances

196 9 0
                                    

Chances

Thursday ngayon and sinamahan kami nila tita Mari, kuya Calix, Atlas and his girlfriend, Mauna. That's right, they are officially a couple now. Natutuwa ako sa kanila.

We are at the mall, namimili ng pasalubong. More on bags and shoes and clothes dahil wala naman gaanong food na maipapasalubong. Except for the beef jerky and some products na you won't find in Manila or is too expensive.

Malungkot ako na matatapos na ang bakasyon namin dito. It will take years for me to see tita Marife and my cousins again. But I'm happy to go back to Manila. Hindi ko alam kung bakit gusto ko pang mag stay dito ng matagal noon.

Akala ko, makakabuti sa akin ang dumito muna, para makalimutan na din si Clark. Pero, hindi ata ganun iyon. Kasi kahit saan ako magpunta, kahit anong gawin ko siya pa din naiisip ko. I was not myself after that basketball game. I was paranoid. I was anxious.

What if he knows where I am? What if he is here with me but won't show himself to me? He is ate Ria's cousin after all.

But then, why will he do that? Ako ang nang iwan. After we shared a night looking at the stars, I left him without saying goodbye.

Minsan gusto ko na lang magkulong sa kwarto pero nakakahiya naman kay tita Mari kasi hindi ko naman iyon kwarto. It is hard for me to open up. Pakiramdam ko hindi nila ako maiintindihan. Alam ko, mahirap tibagin ang pader na binuo ko para sa sarili ko. Wala na nga atang makakatibag doon. Kahit ako pa mismo, parang ang hirap.

Pagtapos namin mamili ng mga pasalubong ay umuwi na kami ng bahay para mag ayos ng gamit. Sa makalawa na kasi ang alis namin. Nag promise pa ako kay Mauna na manonood kami ng movie mamaya.

Mauna is like my little sister. Nagulat din ako sa sarili ko na nagkasundo agad kami. Magugutuhan din siya nila Jeya at Lexie kung makikilala nila si Mauna.

Speaking of Jeya, unti unti ng inaayos ang kasal nilang dalawa ni Ashton. I don't think it'll be a long engagement. The more na gusto ko ng bumalik sa Pilipinas. I can't miss their wedding. I can't miss the first wedding in our squad.

Hindi ko maipirmi ang ulo ko. Lingon ako ng lingon kung saan saan. Baka makita kong muli yung nakita ko nung isang araw na kamukha ni Clark. Kung makapal lang mukha ko, ipapareview ko sa CCTV ng university nila Atlas. Kaso ayaw kong malaman nila kung bakit. Nababaliw na ata talaga ako.

Mabilis dumaan ang mga araw at ngayon na ang araw ng pag alis namin. Nahiya pa ako kay Mauna dahil lumiban pa siya sa klase niya para lang maihatid ako sa airport. Nagpaalam naman daw siya sa magulang niya at pinayagan naman siya. Maging si Atlas syempre lumiban. Sabagay, it will take years again for us to be reunited again.

"Anak, mag iingat kayo ha. Huwag niyong pababayaan tong bunso ninyo. Babae pa naman yan."

Sunod sunod na ang mga habilin ni tita Mari sa amin at ng dalawang kuya ko. I know my three brothers love me so much but sometimes I wonder kung nagseselos sila sa akin minsan? Specially nung mga bata pa kami. Hindi ba nila hiniling minsan na sana, hindi na lang ako ipinanganak o kaya naman sana lalaki na lang din ako?

"Ingat kayo dun mga insan ah."

Nakipag handshake sina kuya Calix at Atlas sa mga kuya ko at niyakap naman nila ako.

"Nako mamimiss ko kayo." Niyakap kami ni tita Mari isa isa.

Ngumiti ako kay Tita at gumanti na ng yakap. I'll miss her so much.

Ngumiti ako kay Mauna. I'll miss her too.

"Ate." Niyakap niya agad ako ng makawala ako kay Tita.

Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon