Forty - Question

254 8 7
                                    

Question

"Who is this girl Clark? And why are you not answering me?"

I am a hundred percent sure it's me. Bakit may ganito siya?

Umupo siya sa gilid ng kama, sa side ko. Nilapag din niya sa kama ang tuwalya.

"That's you."

Hearing it from his mouth, I felt a foreign feeling I couldn't describe.

"Bakit ka may ganito?"

"I...I went to Canada."

"Bakit?" I want to hear everything.

"Nakalimutan mo atang na sayo ang puso ko eh. Halos ikamatay ko nung umalis ka."

Natawa ako sa pagbanat niya.

"Clark yung totoo kasi."

"Sumunod ako sayo sa Canada. Sinundan kita doon. Alam kong pangarap mong makita ang northern lights. Kaya tuwang tuwa ako ng matupad mo iyon. Ilang linggo akong wala sa sarili noon. I was with you."

May mga luhang lumandas sa aking pisngi, pinunasan niya iyon gamit ang daliri niya. So hindi ako nababaliw noon? Nakita ko talaga siya.

"Ikaw yon, hindi ba? Ikaw yun. Yung nasa basketball game ako, kasama ang mga kuya at mga pinsan ko. Ikaw yun?"

Unti unti siyang tumango.

"Sabi ko na nga ba! Ikaw yun! Alam mo bang halos mabaliw ako?! Akala ko nababaliw ako ng akala ko nakita ka. Ikaw pala yun!"

Ako na nagpunas ng sariling luha ko. I feel so dumb but, ang sarap sa feeling na I can be with myself with him. Na nailalabas ko ang nasa saloobin ko ng walang pag aalinlangan.

I built a huge, strong wall to protect my heart. So huge and so strong no one can get in. Not my family, not even my friends. I put them only in the safe place. At an early age, I know people who supposedly love you, can hurt you. The people you trust can turn their back on you. Ayaw kong maramdaman iyon.

But with Clark, I don't know how he did it. Hindi ko namamalayan na ako na mismo ang nagbubukas ng pintuan para sa kanya. I know he's capable of hurting me, betraying me. I want to feel it when the time comes. I hope he won't but, if the time comes, I hope hindi ako mawalan ng pag asa na someday, I'll be fine. Parte iyon ng buhay.

Naniniwala kasi ako na may dalawang klase ng tao kapag pag ibig ang usapan. Ang isa, yung tipo ng tao na dadaan muna sa madaming heartbreak, madaming exes bago niya makilala ang The One para sa kanya. Madami ang magbibigay ng lessons sa kanya para maging matatag siya at natuto na pagdating ni The One. Alam kong hindi ako iyon.

Pangalawa, yung itinakda talaga para sa isang tao lang. Yung naka reserve lang siya sa isang tao. Yung pwede siyang masaktan sa iisang tao lamang, liligaya sa iisang tao lamang. Gaya ng mga magulang ko. May mga exes si Daddy noon, grabe magmahal si Daddy pero natataon na sa maling mga babae. Hanggang sa makilala niya si Mommy. Ang Mommy naman, first boyfriend niya ang Daddy. Hindi na sila nagkahiwalay mula noon at hanggang ngayon.

Kaya siguro ganun na lang ako pagdating sa pag ibig. Sobrang maingat, ayaw masaktan. Gusto kong maging sigurado. My parents are my hope, my inspiration. Kaya siguro ganito ako.

"Ako nga. Hindi ko akalain na hahabulin mo ako hanggang sa labas. Ayokong nakikita kang umiiyak. Gustong gusto kitang yakapin at halikan."

"Bakit hindi mo ginawa?" May tono ng panghahamon sa tanong ko.

"Baka hindi ka pa handa. Baka naguguluhan ka. Gusto kong maging malinaw sayo kung ano ba ang nararamdaman mo sa akin. Kung galit ba o pagmamahal. Kaya hindi muna ako nagpakita ulit. Baka kasi naooverwhelm ka."

Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon