Thirty Eight - Approval

181 6 0
                                    

Approval



Nahuli kami ni Clark na naghahalikan sa madilim na bahagi sa lanai ng bahay nila kuya Zeus at nakita nila na may pumatak na luha sa mata ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hind ko alam kung anong sasabihin ko. It's almost 11pm at wala ng ibang mga bisita. Kami na lang nila Mommy, Daddy, my Kuyas and Clark. Katabi ko si Clark at may hawak na ice pack sa pisngi ni Clark. Kuya Zeke saw us kissing and he punched Clark in the face! My poor Clark.

Kasalanan ko kung bakit. Hindi ko sinabi sa kanila na may boyfriend ako. I wanted to tell them all about Clark. I wanted them to meet him pero gusto ko ayos kami ng Mama niya bago ko siya ipakilala. Kasi alam kong magugustuhan nila si Clark. Bad timing lang kasi nagkaayos na kami ng Mama niya. Tanggap na niya kami. Ang Papa kaya niya? Kanina pa daw sila nakauwi.

I can't blame Kuya. He caught us. I was crying and he's holding my hand kaya akala niya siguro napipilitan ako. I was crying but out of happiness.

"Explain this to us Shantel Louisse." si Kuya Zane na pinapakalma pa din si kuya Zeke. I looked at kuya Zeus and I can see and feel he is disappointed with me while ate Ria looks worried.

"Bakit ka halikan mo ang lalaking ito? May relasyon ba kayo?" Kuya Zeke just can't sit still!

"Zeke." Si kuya Zeus na alam kong galit na din.

Pinapaypayan ni Daddy si Mommy.

"Boyfriend ko po si Clark."

"Anak. Nag usap tayo kanina hindi ba? Bakit hindi mo sinabi ito sa amin?"

"Kasalanan ko po."Sumabat si Clark.

Umiling ako.

"Mag uusap tayo sa bahay. Kailangan na ng magpahinga ng ate Ria mo. Hijo,"

Binalingan ni Daddy si Clark.

"Umuwi ka na sa inyo. Malalim na ang gabi. At pasensya na sa ginawa ng anak ko." si Daddy

"Naiintindihan ko po. Gusto ko po sanang bumisita sa inyo bukas." Tumango lang si Daddy.

"Clark, dito ka na magpalipas ng gabi." si ate Ria

"Hindi na. Uuwi ako."

Sinamahan ko siya sa labas ng bahay nila ate Ria.

"Sorry Clark, kay Kuya. Sasabihin ko naman eh. Nahuli lang tayo."

"Naiintindihan ko ang Kuya mo. Ganun din naman ang gagawin ko kung may nahuli akong kahalikan ng kapatid kong babae. Hindi sana ganun ang gusto kong makita nila pero okay lang."

May pasa sa mukha ni Clark.

"Baka magalit ang Mama mo sa akin." I gently touched his pasa.

"She won't. I know now she likes you. Pumasok ka na. Baka magalit pa sila lalo. I'll see you tomorrow."

"Dito ka na lang kina ate Ria kaya?"

Umiling siya.

"I'll go home. I'll text you when I get home. Be careful on your way."

Ayaw umalis ni Clark hanggat hindi ako pumapasok sa loob kaya naman kinayawan ko na siya. I feel so bad for him and for my family. Papasok na sana ako sa loob kaso naghihintay na pala sila sa akin sa likod ko.

"Let's go." si kuya Zane. Tumango ako at pumasok na sa loob ng sasakyan ni Kuya. Narinig ko ng umandar ang sasakyan ni Clark.

Tahimik kami sa loob hanggang makarating kami sa bahay. Nilapitan ako ni Mommy.

Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon