Thirty Three - Girlfriend

198 6 2
                                    

Girlfriend

"Mag iingat kayo dun Ate ha, Kuya." si tita Marife na nagpapaalam kina Mommy at Daddy.

Nasa airport kami ngayon dahil ngayon na ang alis nila Mommy at Daddy pauwi ng Pilipinas. Susunduin sila doon nila ate Ria at kuya Zeus. Ilang araw na mula mapanood ko ang pagsayaw ng mga ilaw. Hinding hindi ko iyon makakalimutan.

Nakita ko yung picture ko na kinuhanan ni kuya Calix sa akin. Nakatingala ako sa kalangitan, nakangiting pinagmamasdan ang mga nagsasayawang ilaw. Nakatayo ako, ang mga kamay ko ay nakatago sa magkabilang bulsa ng aking brown duffle coat, bukod sa black leggings at ankle boots ko lang ang kita. My voluminous long and straight hair was perfectly in place as if I am shooting a shampoo commercial. The lights are so evident in the picture kuya Calix took and it was so beautiful I had to change my profile picture.

Maayos na sana yung picture kaso may photobomber, may lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. Siguro ay manghang mangha din siya sa kagandahan ng mga ilaw. I did not cut him out of the picture. I didn't mind. Tulad ko, masaya siyang nakatingin sa ilaw.

"Anak mag iingat kayo ha. Yang kapatid niyo. Huwag niyong pababayaan." Si Daddy kausap ang mga kuya ko at pinagbibilin ako sa kanila. Nakayakap sa akin si Mommy.

After we said our goodbyes, they boarded the plane. Nakatulog ako sa biyahe paalis ng airport at ginising na lamang ako ni Kuya Zane ng makauwi na kami sa bahay.

Tapos na ang dalawa linggo namin, dalawang linggo na lang kami dito ng mga Kuya ko. Honestly, noon gusto kong magstay dito ng mas mahaba pa. Ngayon, ayoko na. Gusto ko ng umuwi pagtapos ng bakasyon namin. Gusto ko ng magsimula ulit.

Gusto ko ng magtrabaho, sa business ni Mommy kung may opening. Or kahit saan, basta sa Manila lang. I want to be busy with work and life. Gusto ko ng makita ang ka-busyhan sa bahay namin. We don't see each other a lot at home but when we do, we bond a lot.

I can't wait to see my friends and share my vacation with them. I can't wait to congratulate Ashton and Jeya in person.

Maaring hindi pa ako totally healed but, I want to try dating again in time.

Sa araw na ito dinala kami ni kuya Calix at Atlas sa bahay ng kaibigan nila. Birthday daw ng kaibigan nila at inimbitahan nila kaming magkakapatid. Honestly, I didn't want to go pero ayoko din maiwan sa bahay nila mag isa. That is so scary.

So nagpunta kami. I don't have any idea how do they celebrate birthdays here. I've seen in a lot of movies they all drink and dressed up kahit sa bahay pa ang celebration. Kuya Calix's friend is a Canadian. So I think it's very different from how Filipinos celebrate birthdays at home. But they assured me na hindi nila ako iiwan mag isa doon at madami din naman Pinoy doon.

Nag ayos ako. Naglagay ako ng light make up. I'm wearing a fur-lined denim jacket, a black cropped top, jeans and a chunky pair of white sneakers.

"What's that thing on your face?"

Kuya Zane asked. Naghanap ako ng salamin at tinignan kung may dumi sa aking mukha o kung nagulo ang make up ko. It looks fine. So what is he talking about?

"Anong meron kuya? May dumi ba?" Tanong ko, I'm confused.

"Why did you wear make up?"

"Why kuya? Bawal ba?"

Lumapit sa amin si kuya Zeke.

"Hayaan mo na Kuya mo. Wala lang yan sa mood." Nagkibit balikat ako sa sinabi ni kuya Zeke. Maybe he's still not used to see me wearing make up occasionally. Ilang saglit pa ay lumabas na kami para magtungo doon sa kaibigan ni Kuya. Kahit alas syete na ng gabi ay maliwanag pa din sa labas. Papalubog pa lang ang araw in a few minutes or hours. Gato daw talaga sabi ni Astro. In the summer, kahit hanggang 10:30 ng gabi ay maliwanag pa. Kapag winter naman ay halos 5:30 pa lang ng hapon ay madilim na.

Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon