Twenty Three - Jealous

248 10 0
                                    

Jealous

Nagmadali akong umuwi sa unit. Never minding my empty stomach. Panay pa ang punas ko sa mga mata dahil sa mga luhang to! This isn't good.

Belle and Clark, they look good together. Both from beautiful and powerful families. Kapag sila ang nagkatuluyan, pati mga kompanya nila makikinabang. Eh ako? Anong magiging pakinabang ko kay Clark kung sakali?

Magsa-shower na sana ako ng may kumatok sa pinto. Sumilip muna ako.

Anong ginagawa niya dito?! Gosh, I look so messy right now. Buti na lang at wala akong eyeliner o mascara na suot. Kung hindi, mukha akong pulubi ngayon kaka iyak.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Bakit ka biglang umalis kanina?"

I can hear a faint pain in his voice. O baka ako lang iyon. Baka ako lang nag iisip ng ganon.

"Ano ka ba, mukhang may lakad kayo ni miss Belle." Sinubukan kong tumawa at gawing light ang mood pero may sumisilip pa din talang ka-bitter-an sa boses ko.

Pinapasok niya ang sarili niya sa loob ng unit at isinarado ang pintuan.

"Wala kaming lakad. Hindi ko alam na pupunta siya. Why didn't you wait for me? Aalis din naman agad tayo."

"Baka lang kasi, mas mahalaga--"

"No Shantel!" His voice thundered.

"Bakit ka ba nandito? Nasaan si miss Belle? Bakit hindi mo siya kasama? Sige na puntahan mo na yun. Naghihintay yun sayo."

Tatalikod na sana ako para maka alis na siya pero hinila niya ako at tumama ako sa dibdib niya. Next thing I know, he's kinda...hugging me.

"Clark." Sinubukan kong kumawala pero hinigpitan niya pa lalo.

"Clark ano ba? Doon ka na kay miss Belle. Hinihintay ka non!"

"Eh di maghintay siya. Hanggang pumuti na mata niya kahihintay."

"Clark!" Tinapik ko siya sa balikat sa sinabi niya. May halong inis pero...

"Ako? Hahayaan mo bang pumuti ang mga mata ko?"

Natahimik ako. Ano daw sabi niya? Anong...

"Ano Clark?"

"Bakit mo ba ako itinutulak kay Belle? Belle and I are just friends. Nothing more, nothing less. Ikaw ang gusto ko kung hindi mo pa nahahalata."

What?!

Bumitiw ako sa yakap niya at hinayaan naman niya ako.

"Were you jealous?" He asked. Was I?

"No! Bakit naman ako magseselos?"

Muli niya akong niyakap. Ang mga kamay niya ay nakapulupot sa bewang ko at nakapatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Because I was. And it hurts like hell to admit that." I can hear bitterness, loud and clear.

Tahimik lang ako, hindi makagalaw. Ano daw sabi niya? Naramdaman kong humigpit ang yakap niya.

"I saw you talking to Dylan earlier. Tapos ako, hindi mo man lang pinansin."

"That's because mukha kang galit kanina."

"Kasi umalis ka ng hindi nagbebreakfast kasama ko."

So he was really mad?

"I'm sorry. I didn't know."

He chuckled. Natawa na din ako. Sa lahat ng nangyayari. Everything now feels so...light. Hindi ko man lubusan naiintindihan ang mga nangyari pero masaya ako. Magaan sa dibdib.

Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon