Personal Assistant
"Good morning ma'am Rodriguez."
Bati ko kay miss Rodriguez ng makasabay ko siya sa elevator paakyat sa floor namin.
"Good morning miss Marasigan. Please be ready in 10 minutes. Meeting."
Ngumiti ako at pinauna si ma'am na lumabas ng elevator. Meeting ulit? Monday na Monday ha. Tungkol saan naman kaya?
Pumunta ako sa table ko at binati sina Oliver. Laging maaga tong tatlong to. Ilang saglit lang ay naghanda naman kami para sa meeting. Nagpunta kami sa meeting room.
"Good morning. I know it's too early for a meeting on a Monday but, wala tayong magagawa. We have to do this."
Dinetalye ni ma'am Rodriguez ang gagawin. Kailangan naming mag isip ng activities para sa aming store. Hindi para sa aming mga empleyado kundi para sa aming mga customers and sa community din.
We have til this Friday para i submit ang mga ideas namin. Another meeting ulit.
Sabay sabay na kaming bumalik sa aming mga tables. Parang pagod na pagod ako. Oo nga naman, nagswimming kasi ako ng bongga kahapon. Hindi din ako agad nakatulog pag uwi ko kaya ayan. Puyat na, pagod pa.
"Oh, bakit ganyan mukha mo? Hanggang Friday pa naman ang submission ah." Oliver
"Oo nga. Pagod lang ako."
"Kumusta pag uwi mo sa inyo?" Brie
"Masaya. Nag bonding kami ng mga kuya ko at mga friends ko. Nagswimming kami kahapon. Ngayon ko ramdam ang pagod."
"May resorts ba sa Manila?" Oliver.
"Ah hindi, sa bahay kami nagswimming."
"May pool kayo?"
Tumango ako kay Oliver.
"Grabe ang yaman niyo naman. Kami wala kaming pool. Ni maayos na banyo nga wala eh."
"Grabe ka naman Oliver. Hindi kami mayaman. Pero kapag free kayo, sama kayo sa akin sa bahay. Papakilala ko kayo sa mga magulang ko at mga kuya ko at mga kaibigan ko. Magkakasundo kayo ng mga yon."
"For sure gwapo ang mga kuya mo. I can't wait!" Excited na sabi ni Oliver at pumapalakpak pa.
Umiling na lang ako at tumutok na sa computer ko. Kailangan ko pang gumawa ng report tungkol sa ginawa namin nung nakaraan. Kailangan ko ding mag isip tungkol sa mga activities na magbebenefit both ang company at ang mga tao.
Halos sumakit ang ulo at mga mata ko kaka titig sa computer. Kasabay kasi ng paggawa ng report ay ang pag iisip ng activities.
"Girl, tara break muna. Baka magkapalitan na ang mukha at computer mo." Nginitian ko si Brie. Yes, I need a break.
On our way papuntang lounge, napansin kong madaming empleyado ang dinudumog ang isang office. Parang hindi sila mapakali sa paglilinis o pag aayos. Hindi ko masabi. Basta madami sila doon.
"Shantel! Okay ka lang?" Nilingon ko sila Jayden. Hindi ko namalayang nauna na pala sila sa akin.
Tumango ako at sumunod sa kanila. Ano kaya pinagkakaguluhan nila doon? Hala, baka may crime scene? Ay imposible. Ayan kasi Shantel, kaka panood mo ng mga crime videos sa Youtube.
Hinayaan ko na lang. Ang kailangan ko ay tulog. Malamang bukas na lang ako nito maggo-grocery at magluluto. Magte-take out na naman ako nito mamaya at bukas for breakfast. Mabuti na lang at matatanggap ko na yung allowance ko sa pag iintern. Dapat noong nakaraang Biyernes pa kaso wala kami sa office nung hapon. Mabuti na lang at weekly namin matatanggap iyong allowance namin.
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...