Anniversary
"How's the food?" He asked nang matapos na ako. Naubos ko yung steak and mashed potatoes pero yung steamed vegetables, hindi.
"Food was great. Do you go here often?"
"Sometimes. You ready to go na? Malayo layo ang pupuntahan natin."
"Yes sir."
He stared at me coldly. What's wrong with calling him "sir" ba? Technically, it's still office hours.
Mabuti na lang walang gaanong traffic. Their meeting went smoothly. Updates lang sa mga sales, stocks and those boring marketing talks. The meeting lasted for two hours. Halos makatulog na ako, pero kailangan kong mag take ng minutes. Their meeting was adjourned pero nagkakamustahan pa sila.
"Mr. Monteverde, your anniversary is coming up."
Said the man in 50s? 60s? I forgot what company he is representing. Anniversary? Anniversary ng alin? Kanino? Sabi niya wala siyang girlfriend. Sinungaling talaga to. Nilapitan ni Clark yung matanda at nakipag usap dito. Hindi ko na marinig yung pinag uusapan nila dahil medyo malayo sila sa akin habang ako, nag umpisa ng magligpit ng gamit. Magwawashroom na lang ako pagtapos.
Lumabas ako ng meeting room na iyon at naghanap ng washroom. Nilapag ko yung mga gamit sa hindi basa na parte ng sink. Walang tao sa loob ng washroom kaya naman bumubulong ako sa sarili ko.
"Nakakainis. Sabi niya wala siyang girlfriend. Anong anniversary iyong sinabi nung matanda? So lahat sila alam yung anniversary na iyon? Sinungaling talaga."
Naghugas na lang ako ng mukha para kumalma. Nag pat ako ng paper towel sa mukha para matuyo ito without ruining my light make up.
"Kaya tama ito, sa ganitong paraan makikilala mo siya. Makikita mo yung mga ugaling hindi mo gusto sa kanya. In no time mawawala na yung nararamdaman mo para sa kanya. Ni hindi ko talaga alam kung bakit kumakalabog ang puso ko kapag nandyan siya."
I glanced at the mirror for the last time. Huminga ako ng malalim at lumabas na doon. Hihintayin ko na lang si Clark sa labas nung meeting room.
Papalapit sa meeting room na iyon ay nakita ko si Clark na palinga linga. Nang magtama ang mga mata namin ay humakbang siya ng malalaki. Nasa harapan ko na lang siya bigla.
"Where have you been?!"
Galit?
"Washroom sir."
"Next time, tell me your whereabouts. Okay?"
Tumango na lang ako para matapos na. Mukhang nauna ng umalis yung mga ka-meeting namin ka kanina. Halos kami na lang ang nasa hall.
Nagpunta na kami sa parking lot. Pinagbuksan na naman niya ako ng pinto kahit hindi naman kailangan.
I was silent the whole ride. Hanggang makapasok kami sa building, sa elevator.
"Are you okay? Was the meeting too much for you?" Galing basement patungong tamang floor ay kami lang dalawa ang nasa loob ng elevator.
"I'm okay sir."
"Bakit tahimik ka kung ganun?"
Ako pa tatanungin mo ng ganyan ha.
"Wala po. I'm just absorbing the meeting earlier."
Tumango tango siya. Para bang hinahayaan na lang niya ang mga excuses ko. Mula sa repleksyon, kita kong nakapamulsa ang left hand niya habang ang kanang kamay naman nito ay nilalaro ang kanyang labi. Nakasandal ito habang ako naman ay nasa gitna ng elevator, saktong distansiya lang sa kanya. Stiff and standing tall.
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomansaSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...