Sixteen - Engaged

238 7 0
                                    

Engaged

I woke up, feeling light. Ang gaan sa pakiramdam ko. Parang ang saya ng morning ko. Agad na akong naligo at nag ayos. Ang ganda ng mood ko ngayong araw.

"Good morning po." Bati ko sa mga nakaka salubong ko. Lagi ko naman silang binabati pero, ewan ko ba.

"Good morning ma'am Rodriguez." Bati ko kay ma'am ng makasabay ko siya papasok ng department namin.

"Good morning. Mukhang good mood ka ha. Boyfriend?"

Umiling agad ako at pinag initan ng pisngi. Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti. Nang makalapit na ako sa office ay hindi ko pa nakita si ma'am Ramos. Maaga ata ako masyado ngayon.

"Good morning." Bati ni Clark sa akin. Hindi ko namalayan na andito na pala siya sa loob ng opisina habang naghahanda ako ng aming almusal.

"Good morning Sir." I greeted as I watch him put his coat on the rack. Why does he look tired?

"Breakfast sir?"

He leaned on his desk. Magkabilang kamay na nakapatong sa desk niya. He gave me a faint smile.

"May problema ba?"

I don't think he needs an assistant right now. I think he need a friend.

"It's nothing I couldn't handle. Let's eat."

It's probably just about the business. Wala ako sa lugar manghimasok. Kumain kaming dalawa ng tahimik pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa trabaho.

Habang may ginagawa ako sa desk ko, paminsan minsan akong sumusulyap sa kanya. He's young and successful. He's a bit older than me. I wonder, when was the last time he had fun? He look tired and stressed from work. I wonder what he does for fun.

Phone calls after phone calls, meetings after meetings, paperworks after paperworks.

Umalis ako ng tahimik sa office at sa palagay ko ay hindi niya namalayan dahil busy siya sa kausap niyang nasa phone. Kumuha ako ng coffee at ng miryenda. May ensaymada sa office kaya kumuha ako ng dalawa, tig isa kami.

Pabalik na ako ng office pero tanaw ko ang pagtitig niya sa glass door nito. Wrong. He was looking at me intently. Humina ang boses niya at binaba ang phone niya.

"Sir, miryenda po."

Ngumiti siya at may binulong sa sarili. Tumayo siya at sinaluhan ako sa rounded table. Habang kumakain, panay ang paninitig niya sa akin.

"Sir, may problema po ba?" Tanong ko. Infairness, ang sarap ng ensaymada. Makabili nga ng ganito mamaya.

He smiled. Inangat niya ang kanyang daliri at dumapo ito sa tabi ng labi ko. Natigalgalan ako. Pero nakuha ko agad bakit niya ginawa iyon. Nakakahiya, ang dumi kong kumain.

"Can you call me Clark kapag hindi tayo nagtatrabaho? Kapag ganitong kumakain tayo o kapag nasa labas tayo ng opisina kahit pa may business meeting tayong pinupuntahan. Or kahit kapag nagkikita tayo sa tower. Parang hindi pa kasi kita narinig na tinawag ako sa pangalan ko, unless ipapaalala ko."

Parang may sumaksak sa puso ko nang marinig ko iyon. Bakit ganun? Anong meron sa kanya at parang lagi na lang sinasaksak ang puso ko kapag nakakarinig ako ng ganyan mula sa kanya?

"Uhm, okay Clark." Masigla kong sabi. Sana kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya kahit sa paraang iyon lang.

"Pwede mo bang ulitin?" Damn!

"Clark." Buong buo kong pagbigkas. Hindi malamyos, hindi naman sobrang diin. Tama lang.

Ngumiti siya. Isang totoong ngiti this time. Ano bang meron at gustong gusto niyang naririnig ang pagbanggit ko sa pangalan niya? Nagagandahan ba siya sa pangalan niya?

Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon