Nineteen - Last Day

218 8 0
                                    

Last Day

I woke up with a heavy heart. Kung masaya ako kahapon nang samahan niya ako maggrocery, ganun naman ako kalungkot ngayon.

Today's my last day as his temporary personal assistant. After today, we're back to normal.  Hindi na namin kailangang magsama araw araw.

There will be days when I won't see him. There will be days when, I'll miss him. But I'll be fine. In time. Ano ba to, ganito ba kahirap magkaroon ng crush sa isang tao?

"Good morning sir Clark!"

Masaya kong bati sa kanya habang naghahanda ng breakfast niya kahit sa loob ko, may kirot.

"Good morning. What did you prepare for us?"

"Heavy breakfast. Rice, sausages, eggs, bacon, your coffee of course. And fruits."

Tinignan niya ang nakahain sa mesa at ngumisi.

"Thank you."

"Kain na tayo. As for your schedule, y--"

"Can we just eat first? I want to enjoy this."

Right. Oo nga naman. Umupo na din ako sa tapat niya.

"Are you happy? Hindi mo na ako makikita araw araw sa opisinang to." He joked. Ang saya naman niya.

Kung pwede lang araw araw kong makita yang pagmumukha mo Clark. Kung pwede lang.

"Oo naman po sir. Wala ng minsan naka ngiti, minsan masungit na boss." Biro ko sa kanya.

"Tapos wala na yung laging nagpapa timpla ng kape sa akin."

"Well, ako mamimiss ko."

Halos masamid ako sa narinig ko. Ano daw?!

"I'll miss seeing you everyday. I'll miss eating breakfast with you."

"Mr. Monteverde, your new assistant is here."

Our breakfast was interrupted. Dumating na pala yung assistant ni Clark. Am I allowed to meet her...or him kaya?

"Ah, sige papasukin mo na lang dito." He said cooly.

Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit.

"Good morning po Sir Clark." Siya na ata to.

Tumayo si Clark at lumapit sa kanya. Tumayo muna ako sa kinauupuan ko bago ako humarap sa kanila.

Lalaki. Lalaki ang assistant niya! Mukha na ata akong timang kaka pigil ng ngiti.

"Good morning." Bati ni Clark sa kanya.

"My name is Dylan Chavez. Your new personal assistant." Pakilala nung lalaki.

"Welcome to the family." Nakipag kamayan si Clark kay Dylan.

Nilingon ako ni Clark at sinenyasang lumapit sa kanya na ginawa ko naman.

"And this is Shantel. She's our marketing intern."

"Hi. I'm Dylan." He offered his hand.

"Nice to meet you." Tinanggap ko ang kamay niya at nag shake hands kami.

"My secretary will tour you around the office. And you'll be signing some paperworks with the HR and you can start on Monday." Si Clark.

"Thank you Sir."

Iginala na si Dylan ng secretary ni Clark at nagpatuloy naman kami sa breakfast namin ni Clark.

"Are you free tonight?" He asked.

Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon