Salamat po sa lahat ng sumuporta! Nakakataba po ng puso na may nakaka appreciate ng gawa ko. Salamat po sa pagpapasensya ng mabagal na update. Paghuhusayan ko pa po lalo sa mga susunod na stories. Tapos na po ang Loving Clark. This is a bonus chapter. Hindi po ako marunong sa point of view ng lalaki pero susubukan ko po. Clark might be a little harsh here so please huwag niyo siyang sisihin. Ako talaga to. Hahaha. Enjoy!
Loving Shantel
"Congrats bro! After two years, ikakasal ka na." Si Charles, ang best man ko. Wala na akong ibang choice.
Nandito na kami sa Simbahan, kanina pa hinihintay ang reyna ng buhay ko. Tumingala ako at pumikit. Nagpapasalamat sa nasa itaas sa babaeng binigay niya sa akin. Ang mahal ko.
"Clark. Handa ka na ba? Aalis na tayo."
Si Papa. Madalas niya akong isama sa mga lakad niya basta walang pasok. Ayoko sana pero ayokong madisappoint ang mga magulang ko. Mabuti na siguro ito, may matututunan pa ako. Kaka graduate ko lang at nag uumpisa na sa kompanya ni Papa.
Nagpunta kami ni Papa sa isang eskwelahan. St. Catherine High School. Naimbitahan si Papa para magbigay ng talk para sa mga seniors tungkol sa karanasan ni Papa patungkol sa business. Bumyahe pa kami ng Maynila para dito.
Naupo ako sa likod sa may stage, kung nasaan ang iba pang mga speakers. I was listening intently to my father when someone caught my eye. I've never seen someone so goddess-like. Nakikinig siya sa pangaral ni Papa kahit pa ginugulo siya nung mga kaibigan niyang mga babae na katabi niya at mga kaklase niyang lalaki sa likod. Mga nagpapapansin sa kanya.
Hindi ko na malimutan ang mukha niya mula noon. Apat na taon na ang lumipas at hindi ko pa din iyon makalimutan. Ni pangalan niya hindi ko din alam. Kahit busy ako sa trabaho hindi ko pa din siya makalimutan.
"Clark, ito nga pala ay for approval for this year's interns."
"Lapag mo na lang po sa mesa. Salamat po."
Binuksan ko ang folder pagkaalis ni ms. Ramos. Matagal na siya sa kompanya. Dalaga pa lang si ms. Ramos ay assistant na siya ni Papa. Sampung taon din ang tanda ni ms. Ramos sa akin.
Tinignan ko ang folder na nilapag ni ms. Ramos sa mesa ko pag alis niya. Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng makita ko ang maliit na litrato ng unang aplikante.
Name: Shantel Louisse Marasigan.
That's her. Siya yung nakita ko four years ago. Hindi ko na inabala pa ang sarili na tignan ang profile niya. Approved agad. Yung iba lang ang tinignan ko ng profile. I was so excited for her to work under PFC. Kaya natatawa na lang ako at nailing sa tuwing sinasabi niyang sa mall kami unang nagkakilala. Doon niya din unang nakilala ang Mama ni Belle. I found her cute na nakikipaglaban para sa isang dress. Tinarayan pa niya ako.
Sa PFC building talaga ako nag oopisina pero nung nag uumpisa pa lang ako sa paghahandle, dito ako sa store namalagi para pag aralan muna ang pagmamanage ng store bago ang buong kumpanya.
But I decided to go back to the PFC building. They are still renovating my office so I used the empty office in the Marketing floor.
I also learned we live in the same tower. I would sometimes check on her, if she's home safe. Madalas akong mag overtime the past few days.
My cousin Charles is in town kaya naman nag aya siyang lumabas kasama ang mga kaibigan namin.
"So what is up?" He handed me a beer habang nakatanaw lang ako sa mga tao sa ibaba na nagsasayawan. I saw a few friends and said hello.
"I found her." ininom ko yung beer na binigay niya at nakalahati agad iyon.
"Woah! Nice. Finally."
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...