In Love
"Congratulations kuya and ate!" Bati ko agad sa kanila nung matapos na kami sa gala at napagpasyahan ng umuwi.
"Thank you!" Sabi ni ate at niyakap ako.
Magkaka ate na din ako sa wakas! But I wouldn't trade my Kuyas for anyone else! Umuwi kami ng dalawang Kuya ko at ng mga magulang ko. Gustong ihatid ni Kuya Zeus si ate Ria sa kanila. Hay nako. I guess bukas na mag uumpisa ang wedding preparations nila.
"Good morning!"
Masayang bati ko kinaumagahan. Nag hahanda na silang magbreakfast. Late na naman akong nagising sa pakikipag usap ko kina Jeya kagabi. Nakita nila ang post ng Kuya ko kaya nila nalaman.
We ate peacefully. Nangako din akong makikipag kita ako sa mga kaibigan ko over lunch before I go back to Tagaytay. Napag usapan kasi namin na sa akin sila tutuloy para makapamasyal sa Tagaytay next weekend.
"Good morning! Breakfast na tayo anak." Si Daddy.
Lumapit ako sa kanila at sumama na din mag almusal. Naalala ko bigla si Clark. Nag aalmusal kaya yun kapag wala siya sa office? Sino naman kayang kasama niya? Si miss Belle?
"Uy Shan. Okay ka lang?"
Nilingon ko si kuya Zeke.
"Tulala ka."
"Ah, sorry."
Kumain na lang ako ng almusal ng tahimik. Dahil maaga pa naman, naisipan kong maglinis ng kwarto ko.
I found my old diary. Noong high school pa ako. Mga nangyayari sa buhay ko. Masaya at mga doubts ko sa buhay noon. Mga random moments. I suddenly missed being a high school student. Pag aaral lang ang ating inaalala at yung mga crushes. I wonder, if Clark and I met in high school, magkaka crush kaya ako sa kanya? Probably, kung ngayong mature siya, ang gwapo gwapo niya. Noong binata pa kaya siya? Ang cute cute niya siguro!
Ikinagulat ko ang biglaang katok sa pintuan ko. Nabitawan ko tuloy yung hawak kong diary. Nabasa kaya ito nila Mommy? Oh my.
"Shantel? It's almost noon. Akala ko makikipagkita ka sa mga kaibigan mo?" Si Mommy
Muntikan ko ng makaligtaan. Late na pala. Tumakbo na ako sa banyo at naligo. I wore a shirt and a jeans. Nagdala na din ako ng leather jacket dahil medyo malamig na sa Tagaytay kapag gabi.
"Hey girl!" Si Lexie.
"Hey guys!" Bati ko at sabay sabay kaming lumabas ng sasakyan.
Lexie is with Ashton and Jeya. Ajax and Wyatt naman ay na kay Titus. Sa Japanese restaurant naman ang trip ng panlasa namin.
Pumasok na kami sa loob at inasikaso na kami nung hostess. May lumapit na waiter na din para kunin ang order namin.
"Engaged na kuya mo no? Ikaw kaya, kailan ka magkaka boyfriend?" Inumpisahan na ni Titus. Tss.
"Oo nga no, baka pati si kuya Zane at kuya Zeke makapagpakasal na at magkaanak, single ka pa din." Sumama pa si Lexie.
"Gosh, kaibigan ko ba talaga kayo?" Biro ko.
"Pero seriously, congrats!" Wyatt
"Thank you Wy." Sagot ko.
"Years from now, isa isa na din tayong ikakasal. Bubuo ng pamilya na din. Magkakaibigan pa din kaya tayo nun?"
Halos mabatukan ko si Ajax sa tanong niya.
"Siyempre! Dapat pati yung mga anak antin magkakaibigan." Ashton
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...