Surprise
Lumabas ako ng condo at agad na sumakay ng elevator. Hindi na talaga ako mapalagay. Sana pumayag si Clark. Emergency na to eh.
Nang makarating na ako sa tamang floor, agad akong nagdoorbell. Sana andito na siya. Bumukas na yung pintuan niya. Agad na sana akong magsasalita pero natahimik ako ng makita kung sino ang nandon.
"Oh hello. We've met before right?"
She's wearing a black tight dress. Yung manipis pa talaga na tela. Bago pa man ako makasagot ay may narinig na akong boses mula sa likod niya.
"Who is it?"
His hair is now messy compared to his look sa office kanina. He's now wearing a casual sweatshirt and a khaki shorts. Damn.
"Belle, can you give us a minute?"
Miss Belle looked at him. As if she doesn't want to go. Parang gusto pa niyang makinig sa pag uusapan namin. Kalaunan ay tumango siya at pumasok sa loob. Bakit siya papasok sa loob? Well, it's none of your business Shantel. Nakalimutan mo atang pamilya mo ang priority mo.
"How can I help, Shantel?" Tanong niya ng maisarado niya ang pintuan.
"I'm sorry to ask you this sir. Pwede po ba akong magleave tomorrow?" Pakapalan na ng mukha Shantel. Pamilya pinag uusapan dito.
"Everything okay? Anong nangyari?" He asked, ramdam ko sa tono niya ang pag aalala. Para akong matutunaw. Hindi ko maintindihan.
"I need to check on my family. I don't know what's going on. I need to go home kahit isang araw lang, sir."
"Of course. I can...accompany you."
Umiling ako. Paano magfa-function ang company kung wala ang CEO? Tsaka kaya ko naman. Hindi naman kailangan na sumama pa siya. And ang pangit tignan na ang CEO, sinamahan pauwi ang nag aalalang intern-slash-temporary personal assistant. Lalong pangit tignan dahil andito yung girlfriend niya. Ang sabi niya wala siyang girlfriend at family friends sila ni miss Belle pero bakit ganito?
"No sir, it's okay. Salamat sa pagpayag niyo. I can make a letter for my lea--"
"No need."
Ilang segundo akong natahimik bago tumango.
"Salamat po."
Aalis na sana ako pero hinawakan niya ako sa may pulso. Hindi mahigpit pero hindi rin maluwag, sakto lang. Hinarap ko siya.
"Are you sure...you don't want me to accompany you? I can drive."
Ngumiti ako at umiling.
"Okay. Just be safe then. Text me when you get there...safely."
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Binitawan niya ang kamay ko.
"Miss Ramos is leaving in less than a month. I can't lose my temporary P.A at wala na akong maisip na ipapalit. I am busy this month."
Right. What did you expect Shantel?
"Yes, sir. I'll update you."
"Miss Ramos will cover you tomorrow. Drive safe."
"Okay sir. I'll be leaving."
Ngumiti ako at umalis na. Parang sinasaksak ang puso ko. Mas masakit pa ata ito sa cramps na dinaranas ko kada buwan. May sakit ba ako sa puso? Tama ba tong gulong pinasok ko? Ang goal ko naman diba ay makilala siya para hindi ko na siya magustuhan. Kasi masungit siya, daming babae, sinungaling. Pero, bakit ganun?
Nagmadali akong maligo. Hindi na ako nag abala pang kumuha ng damit dahil babalik din naman agad ako. Pagkatapos maligo at magbihis ay dumiretso na ako sa parking lot at nagdrive na pauwi sa amin. Hindi na din ako nag abalang kumain pa sa sobrang kaba ko. Bakit ni isa sa pamilya ko hindi ako sinasagot? Nakaka frustrate.
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...