Miss Intern
Gabi na ng makarating ako ng Tagaytay. Agad naman tumawag sila Mommy at mga kaibigan ko nung saktong nakapasok na ako sa condo.
"Yes Mommy. I had dinner on the way."
"Okay anak. You should rest na. Good night. We love you."
The phone call ended. Nakipag usap din ako kina Jeya. I am physically exhausted. Kinaya ko pa din mag shower at naghanda na sa pagtulog.
Akala ko maaga akong makakatulog. I was wrong. Unang gabing ako lang mag isa. Sanay akong matulog mag isa dahil bata pa lang ako ay sinanay na akong matulog mag isa sa sarili kong kwarto. Pero yung mag isa sa buong bahay? Never.
I am afraid. What if may biglang pumasok? Did I lock the door? Agad akong tumayo para mai-check. Nakahinga naman ako ng maluwag nang nakitang naka lock nga ito. My god! Magiging dahilan pa ata ito ng pagka paranoid ko.
I woke up late the next day. Nako hindi pwede ito. Kailangan maayos na yung tulog ko. Kailangan ko ng masanay. Siyempre ako lang mag isa ko kailangan kong magluto ng breakfast. At lunch. At dinner.
Binuksan ko yung malaki at mabigat na double curtains ng window ko sa sala habang ineenjoy ko yung coffee. It's a beautiful day. I have an idea!
Agad akong nagpunta sa kwarto para halughugin yung pang work out clothes ko. Usually jog lang ako. Sometimes my brothers join me. Tapos punta kaming third floor para sa mini gym namin dun then they'll guide me. I have three brothers. So adik sa gym yung mga yun.
Nag umpisa na akong magstretching. Around the condo lang naman sa labas. Hindi ako lalayo dahil hindi ko pa kabisado ang lugar. May track sa hindi kalayuan kaya doon ako tumakbo.
Ilang minuto lang ay hihingalin na ako. Matagal na akong hindi nag eexercise. Kailangang dalas dalasan ko habang maganda pa ang panahon.
Pagtapos ng mahigit trenta minutong pagtakbo ko ay nagpahinga na ako. Umupo ako sa may bench. So ganito pala dito? Payapa. Malayo sa kinalakihan kong mausok, maingay at busy na Manila. Pero gaano pa man kausok, kaingay at ka busy ang Manila, iyon ay yung tahanan ko.
Maaga akong gumising ngayon. Unang araw ko sa Prime Food Corp. Ngayon na ang umpisa ng internship ko. Mabuti na lang at nakatulog ako ng maayos kagabi dala na din siguro ng dalawang araw akong nakapag jogging sa umaga.
Hindi ako sigurado kung ano ba ang tamang suotin sa unang araw ng internship kaya naman nag white camisole, navy blue coat and black jeans ako at stiletto na hindi gaanong mataas. Yung tama lang.
I hope I'm not underdressed nor overdressed. Nag ponytail din ako para malinis tignan. I also put light make up para presentable. One look at the mirror.
Today is the day Shantel! Do your best!
Malapit lang talaga ang workplace ko sa admin building ng PFC. Dito kasi kaming mga intern mag rereport.
"Hi. I'm Shantel. I am an intern here."
Tinanguan ako nung receptionist.
"Miss Rodriguez is waiting for you. This way."
Sinundan ko yung babae. Tinuro niya ako kung saan yung office ni miss Rodriguez. Si miss Rodriguez ang head marketing namin.
"Miss Rodriguez, miss Marasigan is here." Tinanguan ni miss Rodriguez yung receptionist at umalis na ng opisina niya.
Lumapit ako kay miss Rodriguez para bumati. Akala ko she's around 40s to early 50s. She's young. Late 20s or early 30s lang ata siya. And she's beautiful. Hindi siya terror tignan. She looks approachable and friendly. Yung tipong boss na parang tropa din.
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...