Wedding
Days flew by so fast. Ngayon na ang araw ng kasal ng kuya Zeus ko at ni ate Ria. Aalis na din kami mamayang madaling araw papuntang Canada. Doon, hinihintay kami ni tita Marife, kuya Calix at Atlas. Ganun pa din naman, walang araw na hindi ko naiisip si Clark. Halos isang lingo na ding nakapatay ang phone ko.
"Yan. Ang pretty pretty naman ninyo. Nakakainggit. Sana ganyan din skin ko. Makinis, youthful, radiant. Hay." Puri sa akin ng make up artist ko.
"Sana all." Sagot pa nung mga kasama niyang make up artists din.
Nasa isang hotel room kaming mga bridesmaids para ayusan kami. Sunod naman ay photoshoot naming mga bridesmaids tapos mamaya ay kasama naman ang bride.
Kahit pa iniisip ko si Clark, hindi naman pwedeng hindi ako ngumiti sa pictures. Ako lang yung babae sa side ni kuya Zeus. Yung mga kasama ko pang ibang bridesmaids ay mga pinsan at bestfriends ni ate Ria. Only child kasi si ate Ria.
"Here is my sister-in-law!" Masayang sabi ni ate Ria ng makita niya ako.
"You're so beautiful ate!" She is always, pero iba ang ganda niya ngayon. May kakaibang glow. Maybe because she is getting married.
"Aww, thank you. So are you, Shantel. Pasensya nga pala at nagpractice tayo ng entourage na wala yung pinsan ko. Hirap kasi siyang makapunta tsaka busy sa trabaho. Pero don't worry, he'll be here. I promise. He knows what to do."
"It's okay ate. Don't stress out."
Sa totoo lang, nung una nainis ako. I have to practice alone. Para akong saling pusa sa kanila. Nako humanda yun sa akin kapag nagkamali siya mamaya. Kahit pa pinsan siya ni ate Ria. I'm a bit curious sa magiging partner ko.
Kumpara sa mga kuya ko, mga pinsan at kaibigan nila kuya, lahat sila gwapo. Siguro hindi gwapo yung pinsan niyang yun. Kasi diba kahit naman kamag anak mo, hindi kayo pare parehas ng itsura. May sakto lang, sobrang gwapo, o di kaya yung...diba? Kahit nga sa magmakapatid eh hindi naman lahat hawig.
Natapos na ang photo session namin. Inaya ulit kami nung mga make up artist na mag retouch. We are all wearing a pastel color gowns na iba't ibang style. Well except sa bride syempre. I am wearing a peach halter top detailed dress. I really like it so much. Mom insisted on coloring my hair. Ayoko pa nung una pero nung nakita kong maganda pala ang ash blonde hair with dark roots, okay naman pala. I don't look weird or anything. I tried coloring my hair once when I was in college pero medium brown lang yun kaya hindi gaanong halata.
Kinulot nila ang mahaba kong buhok. Kumuha sila ng tig isang parte ng buhok ko sa bawat gilid at nilagay nila iyon sa likod. Mayroon din silang nilaglag na kokonting hibla ng buhok ko sa mukha tapos ay nilagyan pa nila ng mga hair accessories. It's just a simple look. And also a simple make up.
"Ang ganda ganda mo naman anak." Maiyak iiyak pang sabi ni Mommy.
"Mommy, huwag ka ngang umiyak. Hindi ako ang ikakasal. Sige ka, masisira ang make up mo nyan." Biro ko kay Mommy.
Pumasok naman sa eksena ang dalawa kong kuyang sina Zane at Zeke. Si kuya Zane tahimik lang na nakatingin. Sus, gandang ganda na naman to sakin. Hahahaha! Si kuya Zeke ang OA din.
"Oh my gulay! Mukha ka ng tao." Tinarayan ko na lang si kuya. Sanay na ako dito eh.
"Huwag mo ngang inaasar ang kapatid mo." Suway ni Daddy kay kuya Zeke na tumatawa naman ngayon.
"You look beautiful hija."
"Thanks Dad."
Ano ba to. Hindi naman ako ang ikakasal. My mom and dad went to ate Ria to greet her. Naiwan naman kami dito sa labas ng room to greet ate Ria's parents.
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...