Internship
Graduation day. Ang tagal naming hinintay ito at finally, ito na yun! Hindi man kami magkakaparehas ng pinasukang kolehiyo, napanatili naman namin ang aming friendship.
Punong puno ang venue. Hinanap ko ang dalawa sa mga kaibigan ko sa dagat ng tao. Nagkakaiba kasi kami ng kurso at kolehiyo. Pero hanggang ngayon talaga magkakapareho kami ng university tatlo nila Jeya at Lexie.
"Shantel!"
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko sina Jeya at Lexie na kumakaway sa akin. Agad akong tumakbo papalapit sa kanila.
Nagtilian kami habang nagyayakapan. Wala na kaming pakialam kung may nga nakatingin sa amin.
"Congratulations sa atin!" Bati ni Jeya nang bumitaw kami.
"Sa wakas. Pero mamimiss ko ito. Mamimiss ko yung palagian tayong magkasama."
"Ako din. Pero oras na para sa bagong chapter ng life natin." Sumang ayon kami ni Jeya kay Lexie.
"So celebration ba mamaya?" Tanong ni Jeya
"Oo. Dinner lang kami ng fam. Then we can celebrate." Sabi ko
"Oo kami din. Dinner lang. Ayaw ko na mag abala pang maghanda." Lexie
"Me too. Eh wala din gaano pupunta dahil grad din nung iba." Jeya
Nag announce na sila na malapit na magsimula yung program kaya naman pumwesto na kami. Ilang saglit pa ay nag umpisa na ang ceremony.
Luminga ako sa paligid at nakita ko ang mga magulang ko at ang tatlo kong mga kuya at may dala pang bouquet. Sa di kalayuan ay nakita ko naman sina Jax, Ash, Titus at Wyatt na may dalang tatlong bouquet. Sa ibang araw pa kasi gaganapin ang graduation nila Jax at Wyatt kaya nakadalo sila ngayon. Sina Ash at Titus ay nagleave pa sa kanilang mga trabaho para lang sa amin.
Hindi naman ganun katagal ang ceremony. Atleast hindi tulad nung high school kami na sa umaga ay kailangan mag attend ng Mass. Sa hapon naman mag uumpisa ang ceremony at pagkatapos ay may sayawan pa. Kailangan may partner ka pa. Siyempre ang partner ni Jeya ay si Ashton. Naging ka partner ko naman si Titus at si Lexie naman ay si Wyatt. Single pa kasi sila noon kaya okay lang. Hiwalay na nun sina Mark at Lexie. Wala pa nung girlfriend sina Wyatt at Titus. Kahit naman meron sa tingin ko ay hindi nila kami hahayaan na mag isa. Kailangan kasi talaga ng may partner eh. Si Ajax naging partner niya si Faith. Aaron and Faith broke up. Ewan kung anong nangyari. Basta one day, hindi na sila magkasama. Ganun pa din naman kami nila Faith hanggang huling araw ng high school.
Pero ngayon, hindi naman na kailangan. Kung saan saan ako nahihila ng mga kaklase at kaibigan ko para magpapicture. Mamimiss ko din naman sila.
Finally nahanap ko ang parents at mga kuya ko.
"Congratulations baby!" Yakap ni Mommy sa akin.
"Congrats anak! Finally. Nakapagtapos na kami ng Mommy ninyo. Apat na kayong napagtapos namin."
Halos maiyak iyak pang sabi ni Daddy. Sa kanilang dalawa, si Daddy talaga yung emosyonal sa ganitong bagay. Si Mommy kasi tumatawa na lang kay Daddy.
"Thank you po Mommy and Daddy. Simula po ngayon pwede na kayong magpahinga. Magtravel kayo. Ako na po ang bahala." Sabi ko habang nakayakap ako kay Daddy.
Ayoko kasing makita akong umiyak ni Daddy. Tiyak na hahagulgol yun. Masaya lang kasi ako na finally, ako naman ang tutulong sa kanila. Na gaya ng mga kapatid ko, nakapagtapos din ako. Idolo ko kasi sila kahit minsan bwisit sila. Hahahaha!
"Paano naman kaming mga kuya mo?" Naka arms wide open pa silang tatlo. Hahaha. Siyempre yumakap din ako.
Lagi nila akong tinutulungan sa mga projects and lessons ko. Minsan kapag naghihigpit ang Mommy at Daddy sa paglabas labas ko, tutulungan nila ako. Kilala naman nila ang mga kaibigan ko. At siyempre, binibigyan nila ako ng allowance parati.
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...