Eight - Langis Ng Mangkukulam

362 7 5
                                    

Langis Ng Mangkukulam

Hinatid na kami nung receptionist sa table na reserve ni miss Rodriguez. Finally. We can eat tapos uuwi na ako. Maglilinis ng konti. Mag aayos at uuwi na ng Manila.

Habang kumakain kami, napatingin ako sa labas. Malayo ang table namin sa window pero ewan. Napatingin talaga ako sa labas. There I saw mr. Monteverde.

Our CEO. With a woman. Beside him. At inaalalayan pa niya. Maybe the rumors are true. Baka totoo yung napanood ko kagabi at yung sinabi ni Oliver. May girlfriend na pala siya.

And so what Shantel?

"Oh my god."

Napatingin ako kay Oliver na ngayon ay nakatingin din sa labas. Nakatakip ang bibig niya gamit ang kamay at nanlalaki ang mga mata. Pati sina miss Rodriguez ay napalingon sa labas.

"Ma'am, totoo po bang may girlfriend na si mr. Monteverde? Yun po kasi ang sabi sa news at may kasama po siya ngayon." Tanong ni Brie kay miss Rodriguez.

"I don't know if it's true. That is his personal life." Pirming sagot ni miss Rodriguez.

Mukhang papasok din sila sa kinakainan namin ngayon. Oh gosh. Bakit parang tensed ako?

Pumasok nga sila sa restaurant at talaga namang dito pa sa tabing mesa sila dinala nung receptionist.

"Miss Rodriguez. I see you're with your interns." Bati niya nang makita niya kami.

"Mr. Monteverde. Miss Francisco." Sabi naman ni miss Rodriguez.

Bumeso yung kasama ni sir kay miss Francisco. She's pretty.

"These are my interns. Brie, Jayden, Shantel and Oliver." Tumayo kami habang pinapakilala kami ni miss Rodriguez.

"This is miss Belle Francisco."

Belle? Francisco? Teka. Siya ba yung anak nung mrs. Francisco? Yung damit pinag agawan namin ng nanay niya? Siya ba yun? Siya nga! Mas bagay talaga kay Lexie yung damit.

Napangiwi ako sa napagtanto ko pero agad kong binawian ng ngiti. Wala namang alam si miss Belle eh. Pero teka lang, sila ba ni sir Clark? Parang nung isang araw mrs. Francisco pa ang tawag niya sa nanay ni Belle ah. Hindi ba dapat tita? Ang pormal naman ata niya kung mrs. Francisco ang tawag niya sa future monster---este, mother-in-law pala.

"Hello. Nice to meet you. We won't bother you anymore. Enjoy your dinner."

Damn. Sobrang graceful niya. Inalalayan siya ni sir Clark sa table nilang hindi kalayuan sa amin. Hay nako. Bakit ko nga ba iniisip yun? Ano naman kung sila?

Hindi nagtagal ay natapos na kami sa dinner. Nahiya pa kami kay miss Rodriguez dahil sinagot niya kami. Sabi niya ay may nakalaang budget daw talaga para sa aming mga interns. Busog na busog talaga ako.

"Salamat sa pag stay niyo. I'll go ahead guys. Naghihintay na ang boyfriend ko sa akin."

Lumiwanag ang mukha ni miss Rodriguez nung pagkasabi niya ng boyfriend. Maganda talaga si miss Rodriguez. Mala Maxine Medina ang mukha ni miss pero softer ang features niya at mas may laman kumpara kay Maxine Medina.

"Bye po ma'am. Maraming salamat po sa dinner." Kumaway si miss at tuluyan ng lumabas ng restaurant.

"Oh paano, kay Jayden na lang ako sasabay. Para maka diretso ka na pauwi sa inyo." Oliver

"Oo nga ako din kay Jayden na. Baka lumabas pa kami mamaya. Sana kasama ka pero alam naman namin na uwing uwi ka na." Brie

"Mag iingat ka pauwi ha. Magkikita pa tayo sa Monday. Gusto mo ba ihatid ka namin hanggang condo mo?"

Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon