Disguise
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog pagkatapos ng gabing iyon. Parang isang panaginip.
"Shan, okay ka lang? Kanina ka pa tulala dyan." Si Oliver
"Ah. Sorry. Oo okay lang ako. Medyo inaantok lang." Sagot ko at uminom ng kape. Breaktime namin ngayon.
Wala na si Clark sa opisina. May pinuntahan siyang family event at mamayang hapon pa ang pasok niya. Bukas naman ay makilala na namin ang bago niyang assistant. Babae kaya o lalaki?
"Sigurado ka ba? Alam mo naman na nandito lang ako at mapagkakatiwalaan mo ako."
"Thanks O. I appreciate it pero okay lang ako."
"Siya sige, mauna na ako. Later!"
Ngumiti ako at tumango. Bumalik na din ako ng opisina niya kahit ako lang mag isa doon. Wala kasi si Clark, mamaya pa siyang hapon papasok dahil sa emergency sa family niya.
Maaga na akong naglunch para pagdating ni Clark ay nasa office na niya ako. By next week, balik na ako sa dati. Ni hindi na nga ito yung office niya eh. Doon na siya sa mas mataas na palapag sa amin.
Mababakante ata ang office na ito paglipat niya. Doon siya sa mas malaki, mas malawak at mas tahimik na opisina. Silang tatlo lang doon ng personal assistant at secretary niya. Babae ang secretary niya. Paano kung babae din ang P.A niya?
Well, nag asawa na ang secretary niya. Paano kung bata pa yung P.A niya? Hindi malayong...kasi diba, si Clark yun eh. Sino ba namang hindi mahuhulog--ay ano ba tong mga pinag iisip ko.
"Hey. You okay?"
Ngayon ko lang napansin na nasa harapan ko na si Clark. Nakaupo ako sa chair ko at nakatanaw sa malayo. He is squatting on the floor. He's really close to me this time. May ngiting naglalaro sa mga labi niya. Ang pula pula naman talaga. Ay jusko po!
"Sir." Sabi ko sabay ngiting may kaba.
"Nakabalik ka na pala sir. Naglunch na po ba kayo?"
I asked, tinulak ang sahig para mapalayo ng kaunti sa kanya habang nakaupo pa din sa swivel chair.
"Kung hindi pa magpapahanda po ako." Tumayo ako at akmang lalabas ng opisina para asikasuhin ang pagkain ni Clark nang hawakan niya ang palapulsuhan ko. Napatingin ako doon.
Agad din niya itong tinanggal at tumikhim.
"Kumain na ako kanina. Ikaw?"
"Tapos na po Sir."
"Okay. Let's go back to work."
Agad niya akong tinalikuran at naging abala na sa trabaho. Bigla na lang din nagseryoso ang kanyang mukha.
Nagpatuloy na lang din ako sa trabaho ko. Hindi na din nasundan pa ang pag uusap namin ni Clark sa dami ng trabaho niya. Alam kong kayang kaya niya yun. Siya pa ba.
Patapos na naman ang araw dito sa office. Napagpasyahan kong magpunta sa mall pagtapos dito para mamili dahil sa akin tutuloy ang mga kaibigan ko this weekend. Tomorrow is Friday. Last day ko na bukas. Malulungkot ako ng isa pang araw pero pagkatapos nun, magsasaya ako na parang wala ng bukas.
Tama lang yon. Kailangan kong ituon sa ibang bagay ang atensyon ko. Umuwi ako sa condo. Hindi na ako nakapag paalam pa kay Clark dahil may meeting ito sa labas at hindi na niya ako kailangan. Funny, hindi na. Hindi na niya ako kailangan.
Plano kong maggrocery ng kaunti. Gusto kong matikman nila ang luto ko ng kaldereta. I can cook damn well. Sa halos dalawang buwan ko pa lang, I can really cook na. Which reminds me, only one month left. Isang buwan na lang at matatapos na ang internship ko.
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
عاطفيةSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...