Part 3

18K 494 8
                                    


ILAN lang sa mga nagtatrabaho sa Slade House ang nakakaalam na may personal na koneksiyon sina Melissa at ang boss nilang si Dominic Roman. Unofficially related kasi sa kaniya ang best friend nito na si Gray Delan na may-ari naman ng Innovation Media, ang kompanyang nag ha-handle ng marketing at public relations side ng mga negosyo ng binata. Girlfriend kasi ni Gray ang ate Arci niya.

Matagal na nagtatrabaho ang ate niya sa Innovation Media pero dati palagi nito nirereklamo ang boss kasi mayabang daw, masama ang ugali at ubod ng sungit. Pero last year nagbago ang ihip ng hangin at naging magkasintahan ang dalawa. Mula noon maraming beses na nagkita sina Melissa at Dominic sa labas ng trabaho dahil kina Gray at ate Arci. Kasama ang birthday party na pupuntahan nila mamaya sa mga event outside of work na pareho silang invited. Kapatid kasi ni Gray ang celebrant na si Demmy.

Pero hindi rin naman sila sobrang close at madalas sandali lang nakakapag-usap. Usually kasi may kasamang magandang babae si Dominic bilang ka-date. Kaya ang weird sa pakiramdam na pagdating ng alas singko ng hapon ay bumaba ito mula sa third floor at lumapit sa reception desk. "Ano pang ginagawa mo dito, Melissa? We have to go."

Dumeretso siya ng tayo at tipid itong nginitian. "Hinihintay ko pa matapos magbihis ang kapalit namin sa shift bago ako pupunta sa staff room para magpalit naman at kunin ang gamit ko. Fullybooked kasi ang rooms ngayon kaya hindi puwedeng walang maiwan dito."

"Hmm." Tumango-tango si Dominic at imbes na umalis ay lumigid pa ito hanggang nasa inner side na ito ng reception desk at nakatayo na sa kanyang tabi. Nagkadikit ang mga katawan nila nang yumuko ito para tingnan ang computer screen. Pasimpleng humakbang paatras si Melissa para magkaroon ng espasyo sa pagitan nilang dalawa pero kulang pa rin. Hindi naman sobrang laking tao ni Dominic at spacious naman sa reception area pero biglang sumikip dahil sa lakas ng presence nito. Binalewala rin ni Melissa ang mabangong cologne nito na nanuot sa ilong niya dahil sa sobrang lapit nito.

"So nafu-fullybooked tayo kahit hindi weekend. That's good." Pagkatapos bigla siya nitong nilingon at sinabing, "Mag out ka na at magpalit ng damit. Ako na muna ang bahala rito hanggang dumating ang mga kapalit mo."

Napangiti si Melissa. "Okay. Salamat." Pagkatapos lumayo na siya sa reception desk at nagpunta sa staff room.

Nagulat pa sina Clara at ang dalawang receptionist na tapos na palang magbihis pero mas piniling makipagkuwentuhan muna imbes na lumabas at mag trabaho. Ang tatlo pa ang nagtanong kung bakit naroon na siya at sino ang nagbabantay sa reception desk. Binuksan muna ni Melissa ang locker niya at sinimulan tanggalin ang butones ng uniporme niya bago sumagot, "Si sir Dominic."

Napasinghap ang mga katrabaho niya at ilang segundo lang nagsipagtakbo na palabas ng staff room. Natawa siya at napailing sa reaksiyon ng mga ito. Pagkatapos mabilis na siya nagbihis.

Makalipas ang ilang minuto, bitbit na ni Melissa ang malaking shoulder bag at ready na umalis. Wala na sa reception desk si Dominic. Nakatayo na ito sa may entrada ng Slade House at may kausap sa cellphone. Nakaharap ito sa direksiyon siya kaya nakita agad siya nito. Ngumiti ito at sumenyas sa kaniya. "Isasabay ko naman talaga siya kahit hindi ka tumawag para sabihin sa akin. Paalis na nga kami," sabi nito sa kausap na kung hindi si Gray ay baka ang ate Arci niya.

Paghinto niya sa harapan nito ay tinapos na rin ng binata ang tawag at itinutok ang buong atensiyon sa kaniya. "Kararating lang nila sa restaurant na pinareserve ni Gray. Let's go?"

Tumango siya at lalabas na sana ng Slade House nang mapunta sa bag niya ang tingin ni Dominic. "That looks heavy."

Napakurap siya. "Naku, hindi. Nandito lang kasi 'yung regalo ko para kay Demmy. Bulky lang pero magaan lang talaga."

Natigilan si Dominic at napangiwi. "Oo nga pala. Wala akong nahandang regalo para sa kaniya. She's going to nag me..." Biglang parang may naisip ito na biglang ngumiti at kinuha ang shoulder bag niya at isinukbit iyon sa sariling balikat. Nanlaki ang mga mata ni Melissa nang ngumisi ang boss niya. "Ako na ang magdadala pero dapat sabihin mo kay Demmy na sa ating dalawa ang regalo na laman nito, okay?" Pagkatapos tuluyan na itong lumabas ng Slade House.

Napanganga siya at wala sa loob na humakbang pasunod dito. Pero bago siya tuluyang makahakbang palabas natigilan siya at nanayo ang mga balahibo kasi parang may matatalim na tingin siyang nararamdamang nakapukol sa likod niya. Dahan-dahan siyang lumingon sa reception area. Nakita niyang nandoon pa pala si Clara, nakatayo sa tabi ng dalawang receptionist na naka-duty. Nanlalaki ang mga mata ng mga ito at nakanganga. Napangiwi siya kasi siguradong kukulitin siya ng mga katrabaho niya bukas tungkol sa boss nila.

"Melissa. Let's go," biglang tawag ni Dominic sa kaniya kaya pagkatapos awkward na kawayan at ngitian ang mga katrabaho niya ay tumalikod na siya at tuluyang umalis ng Slade House.

MARAMI nang tao sa buffet restaurant kung saan ginaganap ang twentieth birthday celebration ni Demmy Delan pagdating doon nina Melissa at Dominic. Nasa labas pa lang sila at palapit pa lang sa glass door ng kainan ay dinig na ang malakas na mga tawanan at kuwentuhan. Mukhang kaswal at festive ang atmosphere ng party ni Demmy.

Si Melissa ang naunang pumasok sa restaurant at kahit anong gala niya ng tingin ay hindi niya makita si ate Arci. May ilang sumulyap sa direksiyon niya pero ibinalik din sa mga kausap ang atensiyon. Pero nag-iba ang sitwasyon nang pumasok na rin si Dominic at tumayo sa kanyang tabi. Halos lahat napalingon na para bang may magnetic force na naramdaman ang mga ito. At hindi katulad kanina, hindi na naalis ang tingin ng mga bisita sa binata. Kumislap ang interes at curiousity sa mukha ng mga lalaki habang halata naman ang paghanga at kilig sa mukha ng mga babae.

"Nakita mo na sila Gray?" tanong sa kaniya ni Dominic na halatang sanay nakakakuha ng atensiyon kasi ni hindi man lang na-caught off guard kahit ilang segundo. Hindi rin ito affected kahit nakakasira sa porma nito ang shoulder bag niyang nakasukbit pa rin sa isang balikat nito. Niyuko siya ng binata at tumaas ang mga kilay nang mapansing nakatitig siya sa mukha nito. "Bakit?"

Hindi napigilan ni Melissa na amused na mapangiti at umiling. "Wala. Hindi ko pa nakikita sila ate Arci. Ang daming tao."

"Miss congeniality kasi si Demmy. Halos puro mga kaibigan lang niya mga bisita rito." Nag-angat ng tingin si Dominic, sandaling iginala ang tingin sa paligid bago napangisi. "There they are." Napalingon din tuloy si Melissa at napangiti nang makita ang lamesa kung saan nakapuwesto sina Gray, ate Arci, Demmy at ang isa pang bestfriend nina Dominic na si Dean McKinley. Nakatayo ang ate niya at si Demmy, parehong nakangiti at sumesenyas na lumapit sila.

"Tara na. I'm starving already," sabi ni Dominic. Medyo nagulat siya nang magaan nitong ilapat ang palad sa likod niya pero hindi nagpahalata. Hinayaan na lang niyang itulak siya nito at akayin hanggang sa lamesa kung saan naghihintay si ate Arci at ang mga kaibigan ng binata.

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon