Part 24

12.5K 404 6
                                    

ALAS NUWEBE ng umaga kinabukasan ang appointment nina Dominic kay Christopher Liu. Gumising si Melissa ng maaga at nakabihis na nang alas siyete. Pagkatapos ginising niya ang mga bata para sana sabay-sabay silang makapag-almusal kaso ayaw pa bumangon ni Maja habang si Robby naghihilik pa rin. Kahit si Demmy na napabangon nang magbukas siya ng ilaw ay halatang inaantok pa.

"Ate Mel, puwedeng kayo na lang muna ni kuya Dominic ang mag breakfast together bago kayo mag work? Kakain na lang po kami mamaya. We need to sleep more," ungol ni Demmy.

"Oo nga po, mommy. One hour pa," ungol naman ni Maja na nagtalukbong pa ng comforter.

Hindi naman kaya ng puso niyang pilitin bumangon ang mga ito kaya pumayag na lang siya. Alam naman kasi ni Melissa na sobrang pagod ang tatlo dahil sa pamamasyal kahapon. Alas onse na kasi sila ng gabi nakabalik sa hotel. Pagkatapos kasi ng late lunch nila at pag-iikot sa mga mall sa Orchard Road, bumiyahe pa sila papunta naman sa Merlion Park. Mas nag enjoy doon ang mga bata kasi ang dami nila nakita. Na-amaze ang mga ito nang makita ang Singapore river mula sa Marina Bay Skyline at natuwa nang pagdating nila sa Esplanade Theatre ay nagkataong tinutugtog ng isang orchestra ang theme song ng isa sa mga paboritong animated movie ni Robby na Moana. Nagtagal tuloy sila roon kasi ayaw umalis ng bunso niya. Sinamantala nila iyon para makapag merienda ng street food na nabili nila sa isang kiosk malapit sa theatre.

Bandang alas otso kagabi nakarating naman sila sa Merlion Park matapos ang mahaba na namang lakaran. Katunayan bago pa nila malampasan ang Jubilee bridge napagod na si Robby at muntik na topakin. Uminit ang pakiramdam ni Melissa nang maalala na pinasan ni Dominic ang anak niya kahapon nang makita nitong malapit na umiyak ang bata. Hindi nagpapigil ang binata kahit mariin ang naging pagtanggi niya kasi nahihiya siya rito. "He's tired and I can carry him. No problem, Mel. He will get embarrassed if you react like this," naalala niyang sinabi pa ng boss niya kaya sa huli hinayaan na lang din niya itong gawin ang gusto. Dahil sa pagpasan nito lalo na-attach si Robby kay Dominic. Kahit nang mag dinner sila sa binata na ito palagi nakadikit.

Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Melissa nang makarinig ng mahinang katok mula sa pinto ng hotel room nila. Mabilis na lumapit siya roon at bahagyang binuksan. Nakatayo na sa labas si Dominic, nakasuot na ito ng puting long-sleeved polo na naka-tuck in sa itim na slacks. May suot din itong black suit at black leather shoes. Pormal at professional pati ang pagkaka-style ng buhok nito. Handang handa na para sa meeting at kung anu-anong activities na gagawin nila kasama si Christopher Liu. He also looks prepared to steal hearts today...

"Good morning," nakangiting bati ng binata nang magtama ang kanilang mga paningin. "Ready to go out?"

Kumurap si Melissa at apologetic na ngumiti. "Ako lang ang ready." Niluwagan niya ang bukas ng pinto habang pinapaliwanag dito ang sitwasyon. Nakaupo pa rin si Demmy sa kama pero nakapikit habang mukhang tulog na uli si Maja.

Humakbang papasok si Dominic. "Demmy, okay lang ba talaga kung mauuna na kami? We need to meet someone by nine am."

"Yes, kuya. Ako nang bahala sa aming tatlo mamaya," naghihikab na sagot ng dalaga.

Nanlaki ang mga mata ni Melissa nang dukutin ng boss niya ang wallet, lumapit kay Demmy at nag-abot ng credit card. "Ikaw na ang bahala kina Maja at Robby. Sanay ka mag travel kaya may tiwala ako sa 'yo."

"Yes, kuya."

"I-message mo kami palagi, okay? Ipaalam mo sa amin kung nasaan kayo at ano ang ginagawa niyo. Make sure your cellphone is charged."

Natawa si Demmy. "Opo. Sige na umalis na kayo ni ate Mel para makatulog na ako uli. Kumain kayo ng heavy breakfast at good luck sa work ninyo." Pagkatapos nilingon ng dalaga si Melissa. "Ate Mel, ako na po bahala kina Maja at Robby. Don't worry. Lumabas na kayong dalawa, please? I really want to sleep pa," ungol ng dalaga.

"Sige na nga. Matulog ka na uli," sagot niya. Nagpasalamat si Demmy, humiga na uli at katulad ni Maja ay nagtalukbong na rin ng comforter. Nagkatinginan sila ni Dominic at parehong tipid na napangiti. Humakbang na uli palapit sa kaniya ang binata pero sandaling napahinto nang mapatingin sa kama kung saan nakatiyahang natutulog si Robby. Sa sobrang lalim ng tulog ng bata ay nasipa na nito ang comforter at tumaas pa ang t-shirt kaya na-expose ang tiyan. Likas kasing malikot matulog ang bata.

Hahakbang na sana si Melissa palapit sa kama pero naunahan siya ni Dominic. Parang may lumamutak sa puso niya at may bumara sa lalamunan niya nang yumuko ang binata para ayusin ang t-shirt ng anak niya. Pagkatapos maingat nitong kinumutan ang bata at sandali pang tinitigan ang natutulog niyong mukha bago masuyong ngumiti at dumeretso ng tayo.

Hindi pa rin siya makahinga dahil sa kung anu-anong emosyon na bigla niya naramdaman dahil sa eksenang iyon nang humarap na sa kaniya si Dominic at siya naman ang ngitian. "Let's go?"

Napahinga siya ng malalim at tumango. Pagkatapos tumalikod na siya para hindi nito mapansin na naapektuhan siya masyado sa ginawa nito kay Robby. Nanginginig pa nga ang mga kamay niya nang kunin niya ang shoulder bag at buksan ang pinto ng hotel room. Medyo nakalma na lang siya nang makababa sila sa ground floor ng hotel at kumain ng breakfast sa restaurant doon. Nakatulong na mas madaldal at palangiti si Dominic sa umagang iyon habang pinag-uusapan nila ang schedule sa araw na iyon para maging komportable siya. It reminded her that they are in Singapore for work and not for anything else.

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon