Part 37

15.2K 453 11
                                    


KABADO si Melissa nang dumating sila sa hotel kung saan naka-check in ang tatay, step-mother at step-brother ni Dominic. Sa restaurant sila dumeretso kasi lunch date ang napagkasunduan daw ng mag-ama. Mabuti na lang binihisan niya ng maganda sina Maja at Robby kaya hindi naman sila out of place sa mga customer doon. Salamat din kay Dominic na hindi binibitawan ang isa niyang kamay mula pa kaninang pagpasok nila sa hotel hanggang makalapit sila sa nakareserve na lamesa, hindi siya nailang.

Sa pagkakataong iyon wala si Gabby at Dino. Ang matandang mag-asawa lang talaga ang kasama nila sa lunch. Napansin ni Melissa na hindi na nga kasing lamig ng dati ang atmosphere sa pagitan nina Dominic at Ronaldo Roman. Pero hindi nakaligtas sa kaniya na nagulat ang matanda at matagal na napatitig sa mga anak niya. Kahit ang step-mother ng binata, mukhang na-caught off guard.

"Dad, I want to formally introduce Melissa, my girlfriend," sabi ni Dominic.

Kumurap ang matandang lalaki at saka lang inalis ang tingin kina Maja at Robby. Maingat itong tumayo at inilahad ang kamay sa harapan niya. "I'm glad to formally meet you, Melissa. Pasensiya ka na sana sa hindi magandang imahe na nakita mo noong nagpunta kami sa opisina ninyo."

Mabilis na tinanggap niya ang pakikipag-shake hands nito at ngumiti kahit pa may bumabagabag pa rin sa kaniya. "Wala ho kayong dapat ihingi ng pasensiya. Masaya rin ho akong pormal kayong makilala."

Sunod na nakipagkamay naman kay Melissa ang step-mother ni Dominic na Lucinda ang pangalan. Mukhang nakabawi na ang matandang babae sa pagkagulat kasi nilingon nito sina Maja at Robby. "Are they you're..."

"Mga anak ko ho," sagot niya. "Robby ho ang pangalan nitong bunso ko. Seven years old na siya ngayon. Ito naman ho si Maja, ang panganay ko. Kaka-thirteen lang niya noong October 30."

"Oh really?" nanlaki ang mga matang nasabi ng matandang babae. Napatitig ito kay Maja at biglang matamis na ngumiti. "Pareho kayo ng birthday nitong asawa ko."

Napalingon tuloy silang mag-iina sa tatay ni Dominic na tumikhim at halatang pilit lang ang ngiti. "Sit down first. Baka nagugutom na ang mga bata."

Tumalima silang lahat. Nilingon ni Melissa si Dominic na titig na titig naman sa ama. Para bang tinitimbang nito ang reaksiyon ng matanda. Parang may lumamutak sa sikmura niya at nanlamig ang buo niyang katawan nang marealize kung ano ang nangyayari.

Hindi alam ng matandang mag-asawa na may anak siya. Mas lalong hindi alam ng mga ito na isasama nila ang mga bata. Sinadya ni Dominic na gulatin ang ama nito. He was obviously using her children to test his father. May bumikig sa lalamunan ni Melissa at uminit ang kanyang mga mata. Gusto niyang mag walk out o kaya hilahin na lang paalis ang mga anak niya pero pinilit niyang kalmahin ang sarili kahit pa parang may pumipiga sa puso niya.

Mabuti na lang lumapit na ang waiter at inabutan sila ng menu. Pagkatapos mayamaya pa kumakain na sila. Nag focus si Melissa sa mga anak niya na thankfully ay hindi napapansin na nag-iba ang mood niya. Naririnig niya na nag-uusap si Ronaldo Roman at Dominic. Kaswal at halatang mas komportable na ang dalawa sa isa't isa kaysa noon. Pero hindi pa rin niya magawang matuwa. Ni hindi niya kayang tingnan ang mukha ng binata. She still can't erase the sense of betrayal in her heart.

"Anong grade ka na, Maja?" biglang tanong ng step-mother ng binata.

Napatingin tuloy si Melissa sa matandang babae na sumulyap din sa kaniya. Parang may lumamutak sa sikmura niya nang makita ang pag-unawa sa mga mata nito at simpatya sa ngiti nito. Narealize niya na alam ni Lucinda Roman ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. At na nag-e-effort ito para pagaangin ang sitwasyon. Lalo tuloy niya nakumpirma ang napansin na niya noong unang beses na makita niya ang step-mother ni Dominic. Hindi lang ito pinakasalan ni Ronaldo Roman dahil may anak itong lalaki na ka-edad ng boyfriend niya. Mabait at mukhang maalaga ito. Saka good judge of character ang mga anak niya na halatang panatag din ang loob kay Lucinda. Hayun nga at sumagot agad si Maja at nagsimula magkuwento ng kung anu-ano tungkol sa school at sa hobbies nito.

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon