Part 8

14.7K 443 3
                                    


"NASAAN na ang ka-meeting mo ngayong lunch, sir?" nagtatakang tanong ni Melissa habang iginagala ang tingin sa loob ng restaurant sa Eastwood kung saan sila nagpunta ni Dominic. Silang dalawa lang kasi ang nakaupo sa lamesa na base sa reaksiyon ng manager kaninang pagpasok nila ay pina-reserve talaga ng boss niya.

"Nandito na," kaswal na sagot ng binata, nakatutok na ang atensiyon sa menu na inabot ng waiter na naka-assign sa lamesa nila.

"Saan nga?"

"She's in front of me."

Natigilan si Melissa mula sa isa-isang pagtitig sa mga customer na nasa paligid at manghang nilingon si Dominic. "Ha?" Nakatutok pa rin ang tingin nito sa menu pero may sumilay na ngiti sa mga labi. Napakurap siya. "Sir? Anong ibig mong sabihin?"

Nag-angat ng tingin ang binata at lumawak ang ngiti. "Today's lunch is my treat to you as a token of my appreciation. Alam ko na hindi naging madali sa 'yo ang nakaraang mga linggo. Even I know that it's hard to keep up with my schedule. At dahil gusto kong tumagal ka bilang executive secretary ko, gusto kong ngayon pa lang malaman mong hindi magbabago ang hectic schedules ko. Kailangan mo makapag adjust as soon as possible."

Napatitig si Melissa sa guwapong mukha ni Dominic Roman. Nawala ang amusement sa facial expression nito, napalitan ng sincerity. "Komportable ako na katrabaho ka. Efficient ka rin at organized. Madali ka rin matuto at hindi na kailangan i-supervise. Sa lahat ng mga naging secretary ko, ikaw ang pinakamaganda magtrabaho. I really want you to stay by my side for a long time." Pagkatapos bigla itong ngumisi. "Kaya gusto kita i-treat ngayon ng lunch. Para hindi mo maisip na mag resign."

Umangat ang gilid ng mga labi niya, medyo tinablan ng charm ng boss niya. "So suhol pala itong libreng lunch?"

"Parang ganoon na nga," natatawang sagot nito. "I plan to treat you every now and then."

Mahinang natawa si Melissa at napailing. "Huwag ka mag-alala, sir. Wala akong balak mag resign. Saka hindi naman ako nahihirapan sumabay sa work schedule mo." Pagkatapos pabiro niyang idinugtong, "Actually mas mahirap para sa akin ang harapin at asikasuhin ang female acquaintances mo."

"Sorry," sagot ni Dominic pero mukhang hindi naman talaga ito apologetic. Katunayan ngumisi pa ito. "Pero mas effective ka kasi sa pagtataboy sa kanila kaysa sa akin. I don't even know why but there is something about you that drives them away. Katulad kanina, ni hindi ka nagtaas ng boses pero napikon siya agad at nag walk out. Kaya nga asset ka sa akin, Melissa."

Tumaas ang kilay niya. "Ganoon? Pinupuri mo ako imbes na i-assure ako na wala nang mga babaeng tatawag sa office number mo o biglang susulpot sa Slade House?" Tumawa ang boss niya, malutong at aliw na aliw. Kumunot ang noo niya. "Anong nakakatawa, sir?"

Pero lalo lang lumakas ang tawa nito at namamasa pa ang mga mata. Napapatingin na tuloy ang mga customer sa lamesa nila. "Sorry," paos na sabi ni Dominic nang mahimasmasan. "Palagi kasing casual ang pakikipag-usap mo sa akin so madalas pakiramdam ko kaibigan lang ang kausap ko. Kaya ang weird pakinggan kapag tinatawag mo akong 'sir'."

Natigilan si Melissa. "Masyado ba talaga akong casual magsalita?" worried na tanong niya.

Tinitigan ni Dominic ang mukha niya at tumango. "But don't worry. I like it that way. Magkaedad lang tayo at mas weird kung magiging magalang ka sa akin."

Siya naman ang napatitig sa mukha nito. "Okay."

Ngumiti ito. "Okay. Now let's order, shall we?"

Gumanti ng ngiti si Melissa, tumango at binuklat na rin ang menu na nasa harapan niya.

"SALAMAT sa libreng lunch, sir," sincere na sabi ni Melissa kay Dominic habang naglalakad sila sa side walk papunta sa parking space kung saan nila iniwan ang kotse nito. Sa unang pagkakataon din sa loob ng tatlong linggong palagi silang sa labas nag la-lunch, hindi sila nagmamadali. Mabuti na lang. Kasi bukod sa busog na busog siya, mahapdi rin ang paltos niya sa magkabilang paa kaya hindi siya puwede maglakad ng mabilis.

"No problem," sagot ni Dominic. "Pambawi ko lang sa iyo kasi mas magiging busy tayo sa mga susunod na linggo. Opening ng isa sa mga bago kong business venture next week at ikaw ang isasama ko."

Napahinto si Melissa sa paglalakad at manghang napalingon sa boss niya. "Iyong dance club ba ang sinasabi mo?"

"Yup. Gusto kong makita mo kung anong preparation ang ginagawa sa opening. At siyempre gusto kong makita mo kung ano ang magiging reaksiyon ng mga invited guests sa mismong event. Para magkaroon ka ng experience."

Nakagat niya ang ibabang labi. Gabi kasi ang event na iyon at hanggang madaling araw. Hindi nakakatulog ang bunso niyang si Robby nang hindi siya katabi. Hihingi na lang siya ng favor kay ate Arci na tabihan sa pagtulog ang anak niya.

"Are you planning to turn me down?" tanong ni Dominic, matiim ang titig sa kanyang mukha.

Napakurap si Melissa at dumeretso ng tayo. "Of course not. Kasama iyon sa trabaho ko kaya siyempre sasama ako."

"Pero bakit natahimik ka?"

Tipid siyang ngumiti at nagsimula uli maglakad. Umagapay sa kaniya ang binata. "Kasi marami akong kailangan ikonsidera bago ako gumawa ng plano lalo na kung gabi. May pamilya ako na kailangan ko isipin. Kapag gabi, kailangan at least isa sa amin ni ate Arci ang nasa bahay." Sinulyapan niya ang boss niya. "Alam mo na may mga anak ako, 'di ba?" tanong niya. Isa kasi iyon sa impormasyon na hindi niya itinago noong final interview niya para sa Slade House. Isa pa sigurado rin siyang nababanggit ni Gray, Demmy at ate Arci ang tungkol kina Maja at Robby.

Tumango si Dominic, hindi nagbago ang facial expression na para bang normal lang nilang pinag-uusapan ang tungkol sa personal na mga bagay. Na-relax tuloy si Melissa. "Sila ang una kong iniisip bago ako magdesisyon."

Tumango uli ang boss niya at parang sandali nag-isip bago nagsalita. "Kung ganoon bibigyan kita ng time na mag-isip kung talagang okay lang sa 'yo na sumama sa opening party. But inform me as soon as you can. Para kung hindi ka puwede makahanap ako ng ibang ka-date."

Pabirong tumaas ang kilay ni Melissa at ngumiti. "Ah. Kung iyan ang plan B mo, sige sasama na ako sa opening party. Kung sino man ang ide-date mo sa party na 'yon siguradong susugod na naman sa office kinabukasan at ako na naman ang haharap. Mas madali kausapin ang mga anak ko kung bakit aalis ako ng gabi kaysa paliwanagan ang mga babaeng humahabol sa 'yo."

Natawa si Dominic. "You're so funny. But I'm glad that you agreed to come with me."

Ngiti na lang ang naging sagot niya. Nadistract kasi siya nang masigla at malakas na tugtog mula sa kung saan. Paglingon niya nakita niya ang open space area sa gitna ng mga mall at kung anu-anong restaurant. May tianggee doon at mukhang interesante ang tinda ng mga stall. Pero hindi lang ang mga iyon ang dahilan kaya napahinto siya at nagmamadaling dinukot ang cellphone sa bag at itinutok sa tiangge ang camera.

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon