Epilogue

21K 803 84
                                    

More than one year later...

"MAJA, kaya mo talaga mag-isa sa loob?" worried na tanong ni Melissa sa anak. Nasa labas sila ng MOA Arena. Medyo na-caught off guard pa nga siya kasi sobrang daming tao at karamihan mga kaedad lang din ng dalaga niya. Para sa isang boy group kpop concert, hindi niya inaasahan na marami ring lalaking fans na naghihintay makapasok sa loob ng venue.

"Yes mommy. Don't worry. Excited na nga po ako!" patiling sabi ng anak niya na isinuot ang isang headband na may nakalagay na printed and laminated photo ng paborito nitong kpop idol. Pagkatapos binitbit nito ang hugis bowling pin na 'lightstick' daw ang tawag. "Pipila na po ako para makapasok sa loob ha?"

"Iyong ticket mo at tissue nasa bag mo ba? Baka humagulgol ka sa loob, kailangan mo ng pampunas ng luha," pabirong sabi naman ni Dominic.

"Wala akong tissue tito pero meron akong towel!" nakangising sagot ni Maja na hinila pa mula sa bag ang isang towel nga na may mukha ng idol nito. Pagkatapos ginawa nito iyong balabal.

"I was just kidding," manghang sabi ng binata. Natawa tuloy si Melissa.

"Pero iiyak po talaga ako, tito. Ang dami nila struggles na pinagdaanan bago sila nakarating sa point na ito ng career nila. Iiyak po talaga ako mamaya. Ayaw niyo lang kasi ako payagan ipa-print sa malaking tarpaulin ang picture ko kasama ang Golden Child noong aksidente natin sila nakita sa Singapore noon eh."

Nagkatinginan sina Melissa at Dominic, parehong napangiti at napailing. "Pumila ka na nga. Tawagan mo ako kapag tapos na ang concert ha?"

"Okay po. Mag date muna kayo ni tito habang nanonood po ako sa loob." Hinalikan sila ni Maja sa pisngi bago halos tumakbong pumuwesto sa dulo ng pila. Hindi sila agad umalis kaya nakita pa nila kung paanong sandali lang ay kadaldalan na ng anak niya ang mga kasama nitong fans sa pila.

"Wala naman yata tayong dapat alalahanin. Matalino si Maja at kaya rin niya makisalamuha kahit sa strangers," sabi ni Dominic na ginagap na ang kaliwang kamay niya. "Besides, mas nakatipid tayo na VIP ticket lang para sa kpop concert na ito ang naging request niya. Kinabahan ako na baka gustuhin din niya magpunta ng Korea katulad nila Gray at Arci."

Natawa si Melissa. Kasalukuyan kasing nasa South Korea ang ate niya kasama ang fiancée. Tiningala niya si Dominic. "Don't worry. Hindi uungot ng Korea si Maja kung wala roon ang dahilan kaya gusto niya magpunta. Mas mahalaga sa kaniya ang concert ng Golden Child."

Ngumisi ang binata at inakbayan siya. Pagkatapos pinihit na siya nito patalikod sa direksiyon kung saan nakapila si Maja. "Okay. Habang nanonood siya ng concert, oras na para sa date natin."

"Dadalhin mo na naman ba ako sa baywalk?" biro ni Melissa.

Tumawa si Dominic, hinigit siya payakap at hinalikan sa sentido. "Later. Pero for now, let's have some dinner, my love."

May init na humaplos sa puso niya nang marinig ang endearment nito sa kaniya kahit pa lampas isang taon na nilang tawagan iyon. Iniyakap niya sa balakang nito ang isang braso at hinilig ang ulo sa balikat nito. "I love you, 'Nic."

"I love you too, Mel," nakangiting sagot ni Dominic at hinalikan ang ulo niya. Pagkatapos magkaakbay pa rin na naglakad na sila palayo.

~WAKAS~


a/n: hello, marami pong salamat sa pagbabasa ng The Assistant. As you have noticed, this is a feel good story that is aimed for easy reading. I hope kahit papaano nabawasan ang stress ninyo sa everyday life at napangiti kayo habang binabasa ito. :)

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon