Part 33

13.6K 453 18
                                    


ILANG ORAS ang nakalilipas, naging maingay sa bahay nila Melissa. Hindi lang dahil napatili sa saya ang nanay niya na umuwi na ang mga apo nito kung hindi dahil pagkatapos niya pormal na ipakilala si Dominic sa parents niya ay hindi na nakatiis sina Gray at ate Arci.

"What is going on? Umalis kayo dahil sa trabaho pero bakit umuwi kayo na parang hindi na boss at secretary?" kunot noong tanong ni ate Arci.

"Tita, love po nila ang isa't isa."

Nagulat sina Melissa at Dominic at parehong napalingon kay Robby na yakap pa rin ng lola nito. Ngumisi ang bata. "At love din po namin ni ate si tito Dominic."

May init na humaplos sa puso niya at napangiti.

"Tito?" nanlalaki ang mga matang usal ni ate Arci.

"Mommy, ano pa ba ang puwede namin itawag kay tito Dominic? Friends sila ni tito Gray kaya tito rin namin siya," singit ni Maja.

"Tito!" pasigaw na ulit ng ate niya.

"Ate, baka magulat si papa sa pagtataas mo ng boses," malumanay na saway niya rito.

"Dominic," nagbabantang tawag ni Gray sa binata na dumikit kay Melissa at ginagap ang kanyang kamay. Walang pagdadalawang isip na pinisil niya ang kamay nito. Bagay na hindi nakaligtas sa naniningkit na tingin nina Gray at ate Arci.

"It's true. Pero puwede ba natin ito pag-usapan ng maayos? Huwag naman kayo mag react ng ganiyan baka ma-turn off sa akin ang parents ni Melissa," malumanay na sabi ni Dominic.

"Hindi sasama ang impresyon ko sa 'yo, hijo," biglang singit ng may-ead na babae.

"Mama! Hindi mo kasi alam pero –"

"Arci," putol ng mama nila sa sasabihin nito. "Maupo nga muna kayong apat."

Tumalima sila agad. Mukhang nakuntento naman ang matanda kasi napatango ito. Pagkatapos nilingon muna nito sina Demmy, Maja at Robby at inudyukan na magpunta muna sa kusina kasi naghanda raw ito ng makakain para talaga sa pagbabalik nila.

Ilang sandali pa nagsalita uli ang nanay ni Melissa. "Arci. Matanda na ang kapatid mo. Nakapag-asawa na nga dati at may mga anak na. Hayaan mo siya kung ano ang desisyong ginagawa niya sa buhay niya." Pagkatapos sila naman ni Dominic ang hinarap nito. "Hindi ko alam kung ano ang tunay na kuwento ninyong dalawa dahil hindi naman nagsasabi itong si Melissa sa akin. Pero may ilang mga tanong lang ako, ayos lang ba?"

"Of course, ma'am," mabilis na sagot ni Dominic, humigpit ang hawak sa kanyang kamay at dumeretso ng upo.

Bumaba ang tingin ng kanyang ina sa magkahugpong nilang mga kamay bago nagtanong, "Alam mo naman siguro kung ano ang naging buhay ng anak ko. Alam mo rin na may mga anak na siya at mukhang gusto ka nila. Pero mapapanindigan mo ba ang relasyon ninyong dalawa? Kasi bata ka pa at magandang lalaki pa. Siguradong may mga taong magtataas kilay at magtatanong kung bakit si Melissa ang pinili mo makasama at hindi ibang babae."

Ngumiti si Dominic at ni hindi kumurap habang nakatingin sa kanyang ina. "Alam ko naman ho ang lahat ng iyan, ma'am. Kaya nga ho lalong nahulog ang loob ko sa anak ninyo kasi nakilala ko siya ng husto. I also love the fact that she has too much to give for people she cares for. Palaging iba ang inuuna niya kaya gusto ko ho na ako ang magiging tao na gagawin siyang first priority. I want to take care of her. I want to shower her with all the love she deserves."

"At ang mga bata? Talaga bang okay lang sa 'yo na may mga anak ang girlfriend mo?" singit ni ate Arci pero mukhang mas kalmado na kaysa kanina.

Nilingon ni Dominic ang kapatid ni Melissa. "Maniniwala ka ba kung sasabihin kong attached na ako sa kanila? Lalo na si Robby? I am falling for that kid each day I am with them."

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon