Part 14

13.1K 434 5
                                    


PUNONG-PUNO ng mga bisita ang high-end dance club na bagong 'baby' ni Dominic Roman. Maayos na nasunod ang program schedule mula sa pag welcome sa mga bisita, ribbon cutting, speeches at kung anu-ano pa. Naging abala si Melissa sa pagtulong sa organizers, manager ng club pati na sa kusina at bar area para siguruhing hindi nauubos ang pagkain at inumin ng mga nakiki-party.

"Ma'am Melissa, kaya na namin. Relax ka na at maki-join sa party," giit ng organizer sa hindi na niya mabilang na pagkakataon. Naabutan siya nito sa kusina at hinila palabas kasi didikit daw sa kaniya ang amoy ng mga nilulutong pagkain.

"Okay lang naman sa akin. Saka hindi ko alam paano makiki-join wala akong kakilala sa mga bisita," mahina at natatarantang reklamo niya nang dalhin siya nito sa bar counter. Nagbilin pa ito sa bartenders na bigyan siya ng drinks bago ibinalik ang atensiyon sa kaniya.

"Makakahanap ka ng makakausap mo, ma'am Melissa. Believe me. Kanina pa marami nagtatanong sa akin kung sino ka pero hindi sila makatiyempo na lapitan ka kasi hindi ka napipirmi sa isang lugar. Now sit here and socialize, okay?"

"Pero –"

"Ma'am. Kahit si sir Dominic pinapagalitan na ako dahil hindi daw kita dapat pinapatulong kasi hindi ka nandito para magtrabaho. Magagalit siya sa akin," putol ng organizer sa sasabihin pa sana niya. Kumunot ang noo ni Melissa pero hindi na nagkaroon ng chance sumagot kasi tumalikod na ang organizer at nagmamadaling lumayo.

Naglapag na rin ng drinks sa harapan niya ang bartender at nginitian siya. "Pahinga ka na, ma'am. Anong gusto mo kainin? Tatawag ako sa kusina."

Nagdesisyon si Melissa na sundin na lang ang mga ito. Nakangiti siyang nagpasalamat sa bartender at dahil gutom naman talaga siya ay nag request na rin ng pagkain. Pagkatapos sumampa na lang siya ng upo sa mataas na stool paharap sa bar counter at napabuntong hininga nang mawala ang pressure at bigat sa mga paa niya. Hindi pa nga kasi siya umuupo mula kaninang dumating sila sa club.

Pero kasi kung hindi niya inabala ang sarili sa pagtulong sa organizers ay magmumukha siyang tanga sa party. Sina Gray at Dean lang ang kakilala niyang kaibigan ng boss niya pero parehong wala ang mga ito sa gabing iyon. Hindi pa rin niya nakikita ang pinsan nitong si Gabby. Si Dominic naman nanatili lang sa tabi niya sa umpisa hanggang ribbon cutting. Alam naman niya na kailangan nito makipag socialize sa mga bisita pero iba talaga ang pakiramdam niya sa gabing iyon. Parang iniiwasan siya nito na hindi niya maintindihan. Ang weird kasi okay naman sila bago siya umalis ng office para magpunta sa salon.

Inubos ni Melissa ang laman ng basong hawak bago pumihit paharap sa direksiyon ng malawak na dance floor para hanapin kung nasaan ang boss niya. Sobrang daming tao at madilim sa paligid maliban sa lazer lights na sumasabay sa beat ng malakas at maharot na tugtog. Pero kahit ganoon madali niya nahanap kung nasaan si Dominic. Nakatayo ito malapit sa platform stage kung saan nakapuwesto ang DJ's booth. May kasama itong tatlong babae na ang mga suot na bestida ay maninipis ang tela at halos wala na itago. Nagtatawanan ang mga ito at nagkukuwentuhan habang nakikinig lang ang binata, may munting ngiti sa mga labi at mabagal na iniinom ang alak sa basong hawak. Pero dahil araw-araw niya ito nakikita kaya alam niyang deep inside ay bored ito.

Nakatingin pa rin si Melissa nang biglang lumingon sa direksiyon niya si Dominic. Napaderetso siya ng upo at sumikdo ang puso kasi feeling niya hindi aksidente ang paglingon nito. Na alam nito na naroon talaga siya. Hindi na kasi nito inalis ang tingin sa puwesto niya. Kung malapit lang siguro sila sa isa't isa ay baka nagtagpo pa ang mga paningin nila.

"Hi." Napakurap siya, inalis ang tingin sa boss niya at tiningala ang guwapong lalaki na hindi niya namalayang nakatayo na pala sa tabi niya. Napasinghap siya. Ngumiti ito, napansin siguro ang rekognisyon sa kanyang mukha, at inilahad ang kamay. "I'm Sherwin. Melissa, right? I don't know if you remember me pero pinakilala tayo ni Dominic sa isa't isa kaninang dumating ako."

"Of course I know you, sir," mabilis na sagot niya at akmang tatayo pero sumenyas itong manatili siyang nakaupo.

"You don't have to call me sir. Hindi naman ako ang boss mo. But I will appreciate a handshake," pabirong sabi nito.

Napakurap si Melissa at tarantang tinanggap ang kamay nitong nakalahad pa rin sa harapan niya. Si Sherwin ang isa sa business partners ni Dominic at co-owner ng club na iyon. "Do you need something?" tanong niya. Medyo nailang kasi siya dahil hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya habang titig na titig sa mukha niya.

Binuka nito ang bibig pero hindi natuloy ang dapat sasabihin nang may kamay na biglang humawak sa balikat nito. "Bro."

Binitawan ni Sherwin ang kamay niya at pumihit paharap sa nagsalita. Parang nilamutak ang sikmura ni Melissa at lihim na nakahinga ng maluwag nang makita si Dominic. Hindi niya alam kung kailan at paanong nakalapit ito agad sa kanila pero sobrang thankful siya sa presensiya nito. Sandali siya nito tinapunan ng tingin bago hinarap ang business partner. Ngumiti ito at tinapik ang balikat ni Sherwin. "Hinahanap ka nila Stella. Puntahan mo na bago mainip ang girlfriend mo."

Halatang nagulat si Sherwin, sinulyapan si Melissa at apologetic na ngumiti. Hindi siya nakapagpigil na tinaasan ito ng kilay. Nakakainis kasi alam niyang balak siya nito landiin kahit may girlfriend na pala ito. Mukhang napahiya naman ng kaunti kasi tumikhim at humakbang paatras sa kanila. "Well, I'll go na," sabi pa ng lalaki bago tuluyang lumayo.

Akala ni Melissa aalis na rin ang boss niya at susunod sa kaibigan nito. Kaya medyo na caught off guard siya nang bigla itong humakbang palapit sa kaniya at napasinghap nang abutin nito ang kaliwang kamay niya. Ilang segundong pinagmasdan nito iyon bago nakakunot ang noong nag-angat ng tingin. "You're not wearing your wedding ring today."

Napakurap siya at napatingin din tuloy sa kamay niyang hawak pa rin ni Dominic. Kahit sa paningin niya, ang weird tingnan na walang singsing ang daliri niya. Siguro kasi lampas isang dekada na niyang palagi iyon suot. Kahit nang mamatay ang asawang si Jessie, hindi niya hinuhubad ang singsing.

Pero kaninang umaga nagising siya pagkatapos mapanaginipan ang dating asawa. Hindi na niya matandaan ang bawat detalye kasi habang tumatagal na nakadilat siya ay tumatakas sa memorya niya ang panaginip. Ang natira na lang sa alaala ni Melissa ay ang worried na facial expression ni Jessie habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya narinig ang boses nito sa panaginip niya pero may sinasabi ito sa kaniya. Gusto raw nitong magpatuloy siya sa buhay niya at huwag na raw ito masyado isipin. Kasi masaya na raw ito at gusto nitong maging masaya rin siya.

Kaya bago siya pumasok sa office at inaayos ang mga dadalhin niya, hinubad niya iyon at itinabi sa box kung saan niya inilalagay ang mga importante at espesyal na bagay para sa kaniya. Hindi naging madali ang desisyon na iyon kasi pakiramdam niya may bahagi ng pagkatao niya ang inaalis din niya kapag hinuhubad niya ang singsing. Pero halos dalawang taon na siya kinakausap ng ate at nanay niya na kailangan na raw niya itigil isuot ang wedding ring. Alam niya worried ang mga ito na baka hindi pa siya nakaka-move on sa pagkamatay ni Jessie. Kung totoong dumadalaw daw talaga sa panaginip ang mga mahal natin sa buhay na yumao na, mukhang pati ang dati niyang asawa ay nag-aalala.

"Bakit hindi mo sinuot ngayon?" tanong ng boss niya kaya bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Melissa.

Kumurap siya at napunta sa mukha nito ang kanyang tingin kasi sobrang seryoso ng tono nito. "Bakit parang big deal naman sa 'yo masyado kung suot ko o hindi ang singsing ko?"

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon