Part 26

12.7K 451 7
                                    


DINALA si Melissa ni Dominic sa parte ng Haji Lane kung nasaan ang mga Café, Restaurants at Bars. Hindi masyadong mainit doon dahil sa makukulay na telang nakasabit sa itaas at nagsisilbing lilim sa daan. Napansin din niya na mas maraming turista doon, nakatambay sa mga lamesa habang ang iba naman nagpapa-picture sa tabi ng magagandang paintings na disenyo ng halos lahat ng pader doon.

"Anong gusto mong kainin?" kaswal na tanong ng binata.

Hindi agad nakasagot si Melissa at napasulyap sa kamay niyang hawak pa rin nito. Ang daming tanong ang tumatakbo ngayon sa isip niya. Kanina pa siya nahihirapan huminga kasi parang lumolobo ang puso niya sa dami ng nararamdaman niyang emosyon. Na o-overwhelm siya. Bakit hawak nito ang kamay niya? Why did he say that he will take care of her? Nasaan na ang linya sa pagitan ng trabaho at personal nilang relasyon? Ano ba talagang nangyayari sa kanila ni Dominic Roman?

"Mel."

Kumurap siya at tiningala ang mukha nito. "Huh?"

Ngumiti ito at pinisil ang kamay niyang hawak nito. "Iced coffee gusto mo? Para makaupo tayo."

Lumampas ang tingin ni Melissa sa binata kaya napansin niyang nakatayo na pala sila sa tabi ng isang café. Kombinasyon ng matingkad na dilaw, blue, pink at green ang kulay niyon. May mga bakanteng lamesa sa labas na pinaresan ng mga upuan na mukhang komportable nga yatang pahingahan. Higit sa lahat, nasa dulong bahagi ang café na iyon at hindi kasing crowded na gaya ng ibang kainan na nadaanan nila.

"Okay. Iced coffee," nasabi niya.

"Got it," masiglang sagot ni Dominic at hinila na siya uli para tuluyang makalapit sa café. Pinaupo siya nito sa isang lamesa at ito na ang nag volunteer na umorder. Parang napipilitan lang ito nang bitawan ang kamay niya bago pumasok sa loob. Manghang napasunod na lang siya ng tingin bago napatitig sa kamay niya. Ano ba talagang nangyayari? Why is he treating me this way? Paano ba ako dapat umakto?

Biglang nakarinig ng mga boses si Melissa na mukhang palapit sa café kung nasaan sila. Napukaw ang curiosity niya kasi bukod sa mga lalaki ang nag-uusap at nagtatawanan ay pamilyar sa kaniya ang lengguwahe ng mga ito. Araw-araw niya iyon naririnig sa bahay nila kapag nakikinig ng kpop songs at nanonood ng kdrama ang ate Arci niya at si Maja.

Nag-angat siya ng tingin tiyempong ilang metro na lang mula sa harapan niya ang tatlong lalaki na mukhang sa café din ang punta. Koreans at halatang mga bata pa. Mukhang nasa early twenties lang ang dalawa na parehong itim ang suot na damit, maluwag na t-shirt ang suot ng isa habang sleeveless at hapit ang suot ng isa pa. Ang pangatlong lalaki at nakasuot ng puting t-shirt ay parang teenager pa lang. Halos magningning ang mala porselanang kutis ng tatlo. Ang gu-guwapong mga bata. Agaw atensiyon din ang hawak ng isa na camera, mukhang vini-video ang mga sarili kasi patinging-tingin doon ang mga ito habang nag-uusap at nagtatawanan. Parang nakita na niya ang mga ito dati...

Nang ilang hakbang na lang sa lamesa ni Melissa ang tatlo at mukhang napansing nakatingin siya ay ngumiti ang mga ito. "Hello!" sabi pa ng lalaking kita ang ma-muscle na mga braso at medyo nag bow pa sa kaniya.

"Hello," sabi niya at ngumiti rin.

"Is the coffee here, good?" tanong uli ng lalaki habang nakikinig lang ang dalawang kasama pero mga nakangiti rin.

Lumawak tuloy ang ngiti ni Melissa at sumagot ng 'yes' kahit hindi pa naman talaga niya natitikman ang kape roon. Ang charming kasi ng mga ito. Sabay-sabay na nag-thank you ang tatlo sa kaniya bago pumasok na rin sa café.

Nakangiti pa rin siya nang lumabas naman si Dominic bitbit ang isang tray na may dalawang order ng iced coffee. Umangat ang mga kilay nito nang ilapag ang tray sa lamesa at umupo ito sa katapat niyang silya. "Bakit biglang good mood ka? Ang ganda ng ngiti mo."

Lumawak ang ngiti ni Melissa nang marealize na hindi na nga siya tensed na katulad kanina. "May tatlong poging koreano ang pumasok sa loob. Nag hello sila sa akin."

"Ah. Nakita ko sila. They look like they are doing a video blog or something."

Tumango-tango siya at sinubukan sumilip sa loob ng café. Mukhang nakapila pa rin sa counter ang tatlo. "They are so beautiful, aren't they?"

"Are they more beautiful than me?"

Natigilan si Melissa at napalingon kay Dominic nang ilapit nito sa kaniya ang isang iced coffee. Nakangiti ito at deretso ang tingin sa mga mata niya. May init na humaplos sa puso niya. Naging honest tuloy siya. "For me, no."

Lumawak ang ngiti ng binata at lumambot ang facial expression. Na para bang tuwang tuwa ito sa naging sagot niya. Napatikhim tuloy siya, kinuha ang iced coffee at sumipsip. Unfortunately, hindi nakatulog ang lamig niyon para pakalmahin ang mga nagliliparang paru-paro sa sikmura niya.

Mayamaya lumabas na ang tatlong koreano sa café, mukhang nag take-out ng drinks na para sa lampas sampung tao. Nakipag ngitian uli ang mga ito sa kaniya at nag ba-bye pa. Sandali niyang sinundan ng tingin ang tatlo bago nakangiting bumaling kay Dominic. "Ang cute nila 'no?"

Nagkibit balikat si Dominic. "Ang masasabi ko lang, siguradong nagtilian sina Demmy at Maja kung kasama natin sila ngayon. Those kids look like the idols they adore."

Napasinghap si Melissa at nanlaki ang mga mata nang sa wakas maalala na niya kung bakit pamilyar ang hitsura ng tatlong koreanong kumausap sa kaniya! Napalingon siya uli kaso lumiko na yata sa isang kanto ang mga ito dahil hindi na niya nakita. Manghang ibinalik niya ang tingin kay Dominic. "Hala. Members yata ng Golden Child ang mga 'yon. Iyong grupo na panonoorin nila sa isang araw!"

Natawa ang binata. "Ngayon mo lang napansin? Kahit na walang inatupag sina Demmy at Maja mula sa eroplano hanggang kagabi kung hindi pag-usapan at panoorin ang videos ng grupo na 'yon? They even showed us the poster of the concert last night, Mel."

Naitakip niya ang kamay sa bibig, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Pagkatapos mabilis na kinuha niya ang cellphone sa shoulder bag niya. "Itatanong ko kila Demmy kung nasa malapit na ba sila. Baka sakaling makita rin nila ang idols ni Maja –"

Napahinto si Melissa sa pagsasalita nang hawakan ni Dominic ang kamay niyang may hawak ng cellphone. Napatingin siya sa mukha nito. "Bakit?"

"Five minutes."

"Ha?"

"Bigyan mo ako ng limang minuto pa na tayong dalawa lang."

Sumikdo ang puso niya at napatitig sa guwapong mukha nito. "Anong ginagawa mo, Dominic?" mahinang tanong niya. "Nalilito ako sa mga kinikilos at sinasabi mo."

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon