Part 32

12.4K 415 5
                                    

NAMAMAGA ang mga mata at walang boses sina Demmy at Maja nang umuwi sila ng Manila kinabukasan. Napapatingin tuloy ang mga taong nakasalubong nila sa Changi Airport at kahit na iyong mga kasakay nila sa eroplano. Akala siguro kung anong nangyari sa dalawa. Kahit ang totoo nagkaganoon ang mga ito dahil sa pinuntahang charity concert.

Naalala ni Melissa na natakot pa siya nang lumabas ng concert venue ang dalawa na umiiyak, lalo na si Maja. Akala niya nanakawan ang mga ito o may gumawa ng masama sa loob. Iyon pala sobrang overwhelmed lang pala ang dalawang babae sa panonood ng kpop concert.

"Ang galing galing nila, mommy. Susuportahan ko sila forever. Promise talaga. Hindi pa po sila kasing popular ng iba pero magiging loyal talaga ako sa kanila, mommy. Love na love ko talaga sila," paulit-ulit pang sinasabi ni Maja kagabi kahit paos na paos na.

Katunayan kung may boses pa nga siguro sina Maja at Demmy baka hanggang makarating sila sa Manila ay iyon pa rin ang pag-uusapan ng dalawa. Medyo worried siya sa lalim ng feelings ng anak niya para sa paborito nitong kpop group pero hindi rin naman niya gustong diktahan ito sa kung ano ang puwede at hindi nito puwede magustuhan.

Bandang alas diyes ng umaga nasa NAIA na sila. Sinundo sila sa arrival area nila ate Arci at Gray. Dalawang kotse ang naghihintay sa kanila. Iyong isa raw ay ang kaibigan ng mga itong si Dean ang nagdala na nagkataong may flight daw kanina papuntang Korea. Alam daw ng lalaki na ngayon din ang uwi nila kaya iniwan nito ang susi kay Gray na inabot naman iyon kay Dominic. Para raw maihatid na rin nito pauwi si Demmy kasi magkalapit lang ang bahay ng mga ito. Si Gray na daw ang magmamaneho para iuwi naman silang buong pamilya.

Ilang segundong tinitigan ni Dominic ang hawak na susi bago tiningnan ang kaibigan. "Wala kayong pasok ni Arci, Gray?"

Halatang nagulat ang magkasintahan sa tanong na iyon, nagkatinginan sandali bago sumagot si Gray. "We do have to go to work later. Pero ihahatid muna namin si Melissa at ang mga bata."

"Ganito na lang. Si Demmy ang ihatid ninyo sa bahay tutal mas malapit iyon sa opisina niyo. Ako na ang maghahatid kina Melissa sa Marikina," suhestiyon ni Dominic.

Sumikdo ang puso niya kasi na-excite siya sa posibilidad na makasama pa nila ito ng matagal. Pagkatapos sumulyap sa kaniya ang binata at ngumiti. "Gusto ko rin pormal na magpakilala sa parents mo."

May init na humagod sa buong katawan niya at napatitig sa guwapong mukha nito. Narinig niya ang impit na kilig nina Demmy at Maja habang naramdaman naman niyang na-tense sina Gray at ate Arci, unti-unting nagkakahinala.

"What's going on?" duda at seryosong tanong ni Gray. "Bakit alam mo kung saan sila nakatira?"

Napunta sa lalaki ang tingin ni Dominic na kahit ngumiti ay seryoso naman ang mga mata. "I will explain later. Ihahatid ko muna sila sa kanila. Pero sa tingin ko naman alam niyo na ni Arci ang sagot sa tanong mo."

Napanganga ang ate ni Melissa at nanlalaki ang mga matang napalingon sa kaniya. "Mel?"

Huminga siya ng malalim at ngumiti para kompirmahin ang hinala ng kapatid niyang lalong nanlaki ang mga mata at halatang maraming gusto sabihin pero mariing tinikom ang bibig. Siguro kasi nasa harapan sila nina Maja at Robby.

"Mommy, uwi na tayo," ungot ng bunso niya.

Kumurap siya at niyuko ang anak. Nakangiting inakbayan niya ito. "Oo uuwi na tayo."

"Uuwi rin ako," biglang sabi ni ate Arci kaya gulat na napalingon siya rito. May determinasyon sa mukha nito habang naniningkit ang mga matang nakatingin kay Dominic.

"Okay," sagot ni Gray na masama rin ang tingin sa boss ni Melissa. "Demmy, okay lang ba kung pumunta muna tayo sa Marikina bago kita ihatid pauwi sa bahay?"

"Of course kuya," paos na sagot ng dalaga na hindi katulad ng magkasintahan ay matamis ang ngiti.

"Good. Get in the car now kids," sabi ni Gray.

Nagkatinginan sina Melissa at Dominic. Akala niya matataranta siya at kakabahan kapag nalaman nila ate Arci at ng parents niya ang tungkol sa kanila ng binata. Akala rin niya mag pa-panic din ito. Pero nakita niya sa mga mata ni Dominic at sa ngiting ipinukol nito sa kaniya na pareho silang kalmado. Kaya napangiti na lang din siya.

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon