Part 25

14.1K 494 49
                                    

PALAGI nang nakikita ni Melissa si Christopher Liu dahil sa video meetings pero nasorpresa pa rin siya nang personal na nila itong makaharap. Mas bata ito tingnan kaysa sa edad nitong forty five. Kasama nito ang asawang si Lyn Liu nang puntahan nila ito sa main branch ng Singaporean cuisine restaurant na pagmamay-ari ng mag-asawa. Ang brand na iyon ng mag-asawang Liu ang pinaplano ni Dominic na dalhin sa Pilipinas.

Inikot sila ng mag-asawa sa buong restaurant at nagtagal sa kusina. Pinakilala sa kanila ang Executive Chef at dalawang Sous Chef. Ayon kay Christopher Liu kapag naipatayo na ang branch ng restaurant sa Manila ay ipapadala nito ang tatlong iyon para i-train ang staff na makukuha ni Dominic. Higit sa lahat, isa sa dalawang Sous Chef ang mapo-promote para maging Executive chef sa Manila branch.

Pagkatapos ng introduction dinala naman sila sa isang lamesa kung saan hinainan sila ng halos lahat ng pagkain sa menu para raw matikman nila ang mga iyon. Napatingin si Melissa kay Dominic nang hilain nito ang isang silya at nakangiti siyang sinenyasan na maupo. Nang makapuwesto siya saka lang ito umupo sa katabi naman niyang silya.

"So what food do you suggest we try first?" tanong ng binata sa mag-asawang Liu na nakaupo naman sa tapat nila.

Sa sumunod na dalawang oras ay naging abala sila sa pagtikim ng pagkain at pag-uusap tungkol doon. Nakatikim na kahapon si Melissa ng Singaporean dishes sa restaurant na malapit sa hotel nila. Nadala rin sila nina Dominic at Demmy sa isang Hawker center na malapit sa Merlion Park kaya nakatikim na rin siya ng street food.

Pero iba ang lasa ng pagkain sa restaurant ng mga Liu. Isang subo pa lang niya sa Hainanese Chicken Rice ay hindi na niya napigilan mapaungol at mapapikit.

"Does it taste good?" tanong ni Dominic na mukhang yumuko palapit sa kaniya kasi narinig niya malapit sa tainga niya ang boses nito.

Tumango si Melissa, lumunok muna bago dumilat at nanlalaki ang mga matang napatitig sa mag-asawang Liu. "The chicken melts in my mouth and the flavors from the rice are so overwhelming. I've never tasted something like this before."

Tumawa si Christopher. "I'm glad you love it."

Uminit ang mukha niya kasi nag-alala siya na baka ang OA ng reaction niya. Nilingon tuloy niya si Dominic. Nakangiti ito at amused na nakatitig sa kaniya. "Tama ako sa desisyon na mag franchise ng restaurant nila sa Manila, 'di ba?"

Napangiti si Melissa, nawala na ang slight embarrassment na naramdaman niya at tumango. "Masarap. Sobra."

Lumawak ang ngiti ni Dominic. "Halata ngang nasarapan ka masyado." Sumikdo ang puso niya nang umangat ang isang kamay nito at marahang pinahid ng hinlalaki ang gilid ng kanyang mga labi. Nagkatitigan sila. Ilang segundong nanatili ang marahang pagdampi ng hinlalaki nito sa balat niya bago binawi ang kamay. "May sauce," paliwanag ng binata at napunta na sa lamesa ang tingin. "Let's try the other dishes too. This Laksa looks so good. And this Chili Crab too."

Kumurap si Melissa at natauhan. Dumeretso siya ng tayo at pumihit na rin paharap sa mga pagkain. Kukuha pa lang sana siya ng laksa nang mapatingin siya sa mag-asawang Liu. May makahulugan at nanunudyong ngiti sa mga labi ang mga ito habang nakatingin sa kanila ni Dominic. Uminit ang mukha niya, nagbaba ng tingin at nagkunwaring walang nakita. Madali naman iyon gawin kasi pagkatikim niya sa laksa noodles ay napunta na uli ang buong atensiyon niya sa dishes na nakahain sa harapan nila.

ALAS TRES ng hapon na natapos ang appointment nila sa mag-asawang Liu. Pagkatapos kasi ng food tasting at nagpaalam na ang asawa ni Christopher Liu ay naging seryoso na ang meeting. Napunta na sa technicalities at legalities ng business partnership. Saka lang natapos ang meeting nang makapag draft ng mga kontrata na ifa-finalize sa isang araw.

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon