Part 4

16.5K 505 16
                                    


"Hi ate Mel!" masiglang bati ni Demmy. Nakangiti niya itong binati ng "Happy Birthday" sabay yakap dito. "I'm so happy na nakapunta ka. Nag worry ako na baka tanggihan mo ang invitation ko kasi gabi dinner time ang party ko. Okay lang ba na ma-late ka ng uwi today?"

"Puwede naman siya magpagabi paminsan-minsan. Nasa bahay naman si mama," singit ni ate Arci. Ngumiti si Melissa pero sa totoo lang magpapaalam na siya mamayang alas otso. Kahit na puwede siya magpa-late ng uwi at na nasa bahay naman ang parents nila ay hindi rin naman siya mapapakali.

"Happy birthday, Demmy," nakangiting sabi ni Dominic at ibinuka ang mga braso. Napunta rito ang atensiyon ng birthday celebrant at natatawang yumakap sa binata. Nang kumalas ang dalaga saka lang nito napansin ang shoulder bag na nasa balikat ng boss niya.

"Ah. Akin na ang bag ko, sir," sabi ni Melissa na inilahad ang kamay. Mukhang noon lang din naalala ni Dominic na ito ang may bitbit ng bag niya.

"Wait ha? Anong meron sa inyong dalawa? Bakit nagpapaka-gentleman ka kuya Dominic? This is not you," dudang tanong ni Demmy.

"Grabe ka naman. Sinasabi mo ba na hindi ako gentleman?" reklamo ni Dominic.

"Yes," sabay pang sagot nina Demmy, Gray at Dean.

Natawa si ate Arci at napailing naman si Melissa. Ipinatong niya sa lamesa ang bag, binuksan iyon at inilabas ang regalo niya para kay Demmy. "Share kasi kami sa birthday gift mo kaya siya ang nagdala ng bag ko."

Napasinghap ang dalaga at masayang niyakap ang box na naka-gift wrap. "Thank you ate Mel! Thank you kuya Dominic. Can I open it na?"

"Oo naman," nakangiting sagot ni Melissa. Habang excited na binubuksan ni Demmy ang regalo ay pasimple niyang sinulyapan ang boss niya. May ngiti sa mga labi nito habang pinagmamasdan ang birthday celebrant. Na para bang talagang kasama niya itong naghanda ng regalo na iyon at hindi naki-share lang ng credit kasi nalimutan nito bumili ng sariling regalo. She realized that her boss is a good liar.

"Oh my God!" tili ni Demmy kaya bumalik sa dalaga ang atensiyon ni Melissa. Hawak na nito ang laman ng box, isang plush doll na mini version ng isa sa mga paborito nitong idol. Avid kpop fan kasi si Demmy at sa pagkakaalam niya mahilig ito mangolekta ng ganoon.

Napangisi siya nang nanlalaki ang mga matang tumingin ito sa kaniya, halatang na-touch at parang maiiyak pa. "A sunggyu doll, military version! Kumpleto pa with extra clothes and freebies! Oorder pa lang sana ako pero I've been busy with school. Oh my God!"

Natawa si Melissa. "Mabuti pala at hindi ka pa naka-order. Nagpatulong ako kay Maja kung kanino puwede umorder niyan eh."

"Thank you ate Mel! I love it so much!" Yumakap uli sa kaniya si Demmy. Pagkatapos niyakap din nito si Dominic at nagpasalamat din.

Mayamaya pa, abala na silang lahat sa pagkain. Hindi na binitawan ni Demmy ang plush doll habang nakikipag-socialize sa mga bisita nito. Wala nang ibang bakanteng silya sa lamesa kaya ang nangyari, naging magkatabi rin sila ni Dominic. Sa kalagitnaan ng party bumalik si Demmy sa lamesa nila pero para hilahin patayo ang boss niya. May mga kaibigan daw kasi itong gusto makilala ang binata.

"Are they pretty?" nakangising tanong ni Dominic.

"Wala akong kaibigang pangit."

Biglang tumayo ang boss ni Melissa, halatang nasabik na inakbayan si Demmy para puntahan ang mga kaibigan ng dalaga.

"Flirt talaga si Dominic kahit kailan," puna ni ate Arci. Nakasunod sila ng tingin sa dalawa kaya nakita nila nang makipag-shake hands at beso ang boss niya sa mga kaibigan ni Demmy. Nagpapaka-charming at malamang kasalukuyang nakakanakaw ng mga puso.

"He has always been like that. Kahit noong College kami," sabi naman ni Gray. Nawala na ang atensiyon nila sa grupo nina Dominic.

Napunta sa kaniya ang atensiyon ni ate Arci. "Mabuti na lang talaga sa Slade House ka nagtatrabaho Mel. Panatag ang loob ko na hindi ka lalandiin ni Dominic."

"He might be a playboy but he never touches his employees," sabi naman ni Dean Mckinley na pangatlong beses pa lang nagsalita mula nang dumating sila ng boss niya.

Napangiti si Melissa at tiningnan ang ate niya. "Wala ka naman dapat ipag-alala. Kahit na hindi niya ako empleyado, sigurado akong hindi siya magiging interesado sa akin."

"Bakit naman hindi? Maganda ka, mabait, matalino at maalaga. Mga bata pa nga lang tayo marami nang lalaki ang hindi napipigilan ma-in love sa 'yo at – "

"Ate," saway niya rito, natatawa na. "Ayan ka na naman sa kakabida tungkol sa akin. Matagal na 'yang sinasabi mo. Lipas na 'yon."

Kumunot ang noo ni ate Arci at balak na naman yata lumitanya pero hindi na natuloy kasi inakbayan na ito ni Gray at hinigit padikit dito. "Tama na. You will make her uncomfortable."

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo," sagot ni ate Arci.

Touched na nginitian ni Melissa ang kapatid. Bumilib din siya sa talas ng pakiramdam ni Gray. Totoo na kapag binibida siya ni ate Arci at kahit ng nanay niya sa mga kakilala kung gaano raw siya kaganda at kung gaano karami ang lalaking nanligaw sa kaniya ay naiilang siya. Kasi iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na siya teenager at mas lalong hindi na siya ang college student na palaging binibigyan ng flowers at chocolates kahit ng mga lalaking hindi niya kilala tuwing may okasyon. Hindi na siya iyong dalagang lumalaban palagi sa mga university beauty contest o iyong sumasali sa sagala sa lugar nila kapag fiesta.

Thirty three years old na siya ngayon at kahit palaayos pa rin naman siya at inaalagaan ang sarili ay hindi na siya gustuhin na katulad dati. Higit sa lahat, marami na siyang pinagdaanan sa lampas isang dekada at hindi na lalaki o love ang priority niya ngayon. Actually, kahit nga sarili niya number two na lang sa listahan niya.

Mabuti na lang bumalik na sa lamesa nila si Demmy kaya nawala na sa kaniya ang atensiyon ni ate Arci na hinirap ang sunggyu doll na iniregalo niya sa nakababatang babae. Kpop fangirl din kasi ang ate niya. Katunayan iyon ang dahilan kaya magkakilala ang dalawang babae bago pa man nagkagustuhan si ate Arci at Gray.

Naging busy na ang dalawa sa pagkukuwentuhan tungkol sa mga kpop idol kaya kumain na lang ng kumain si Melissa. Hindi niya alam kung siya lang ba ang nakapansin pero hindi na bumalik sa lamesa nila si Dominic Roman. Nang igala niya ang tingin sa paligid bandang alas otso ng gabi, wala na ito sa restaurant. Ganoon din ang isa sa mga babaeng pinakilala ni Demmy sa boss niya kanina.

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon