TATLONG LINGGO pagkatapos opisyal na maging executive secretary ni Dominic Roman si Melissa, na-realize niya agad na napasubo yata siya sa trabaho na iyon. Sa lampas isang taon niya sa Slade House palaging laid back at playful ang boss niya. Dahil palaging guwapo at fresh tingnan para tuloy wala itong ginagawa masyado sa buhay. Narinig din niya mula sa mga matagal nang empleyado ng Slade House na anak mayaman daw ang boss nila at hobby lang nito ang negosyo na iyon. Kaya hindi masyado mataas ang expectation ni Melissa.
Pero ngayon alam na niyang sobrang intense pala ang schedule ni Dominic araw-araw. Nagulat pa nga siya noong una niyang makita ang lahat ng appointments nitong nakalista sa ipad na ibinigay nito sa kaniya noong unang meeting nila pagkatapos ng birthday ni Demmy. Mula umaga hanggang hapon may video meetings ito. Madalas may kausap itong business partners, financial advisers at kung sino-sino pang mga tao.
Sa oras na wala itong video meetings at kahit during lunch, may appointment naman ito sa labas ng Slade House. Kung hindi may kausap sa kung saang restaurant ay bumibisita sa iba't ibang establishments na pagmamay-ari din pala nito.
Sa unang dalawang linggo niya sa bagong trabaho, na-culture shock si Melissa sa busy schedule ni Dominic. Palagi rin kasi siya nitong sinasama saan man ito magpunta. Sanay siyang nasa reception area lang maghapon kaya mabilis siyang napapagod sa araw-araw na pagbiyahe nila sa kung saan-saan. Pero siyempre hindi niya pinapahalata kasi parang ni hindi pinapawisan ang boss niya at punong puno pa rin ng energy kahit pumaparty pa ito sa gabi hanggang madaling araw. Alam niya kasi siya rin ang sumasagot sa phone calls nito at madalas mga kaibigan at mga babaeng nakilala sa kung saang club ang tumatawag sa binata. Apparently, hindi rin ito takot ipagkalat ang phone number ng opisina nito.
Sa ikatlong linggo ni Melissa bilang secretary ni Dominic unti-unti na siya nakakapag-adjust. Mas madali pa rin maubos ang energy niya kaysa sa boss niya pero hindi na siya aligaga sa pagtupad ng mga tungkulin niya. Mas naa-appreciate na rin niya ngayon ang binata. Kasi alam na niya ngayon na kung totoo mang galing sa ma-perang pamilya ang boss nila, sigurado siyang hindi iyon ang dahilan kaya successful at mayaman ito.
Ang totoo, isang magaling na negosyante si Dominic Roman. Palagi siyang nakaupo sa tabi nito kapag may meeting kaya alam niya kung gaano ito nirerespeto ng business partners nito. Saka napansin niya na nag e-enjoy ang binata sa tuwing may meeting ito. Nagniningning ang mga mata nito kapag nagbabato ng kung anu-anong idea para mapaganda ang mga negosyo. Kapag din may nagustuhan itong business proposal ay hindi ito nagdadalawang isip magpagawa ng kontrata sa legal at financial team nito.
Noong una akala niya impulsive lang si Dominic. Na wala itong takot maglabas ng pera kasi never nito naranasan maghirap. Pero ngayon nasiguro ni Melissa na may third sense at golden touch lang talaga ito pagdating sa negosyo. At kahit palagi itong nakangiti at mukhang hindi katalinuhan ay kalkulado bawat desisyon nito. Kumbaga hindi pa nagsisimula ay nakita na nito ang magiging final outcome.
Pero kahit na ganoon hindi pa rin lubos ang admirasyon ni Melissa para sa boss niya. Totoo kasi ang tsismis na sobrang playboy ito. Siya rin kasi ang taga-padala ng bulaklak at kung anu-ano pang regalo sa 'lady friends' ni Dominic na ayaw na nitong maging parte ng buhay nito. Siya rin ang ginagawang shield ng boss niya at taga-harap at taga-kausap sa mga babaeng ayaw pumayag na basta maputol ang koneksiyon sa binata. Katunayan, iyon ang pinakamahirap na parte ng trabaho niya.
"I just want to see him and talk to him. Who are you to tell me to go away?" mataray na tanong ng magandang babaeng nakatayo ngayon sa harapan niya habang siya naman ay nakaharang sa pinto ng opisina ni Dominic. Sa tabi kasi ng pinto na iyon nakapuwesto ang lamesa niya, hindi katulad ng HR at Finance na may sariling cubicle.
"I'm sorry, ma'am but he's currently busy and he told me not to accept any visitors," magalang na sagot ni Melissa sa babae. Hindi na niya tinangkang ngumiti kasi siguradong lalo lang ito magtataray.
"I need to see him. He's not answering my calls. He can't just get rid of me! Sa tingin ba niya okay na ako sa roses and goodbye gift niya? I'm not cheap!"
Diamond necklace na mas malaki pa ang presyo kaysa sa suweldo ko ang regalo niya sa 'yo. Hindi 'yon cheap. Pero naiintindihan din naman niya ang babae at sa totoo lang nakikisimpatya siya rito. "Sasabihin ko sa kaniya na nagpunta ka. Promise," malumanay na sabi na lang ni Melissa.
Napaatras ang babae at napakurap habang nakatitig sa mukha niya. Mayamaya biglang namula ang mga pisngi nito at tumalim ang tingin. "Don't pity me! I don't need it." Pagkatapos inis na tumalikod ito at taas noong nag walkout, walang pakielam sa mga empleyadong hindi itinago ang curiousity habang nakasunod ang tingin.
Napabuntong hininga si Melissa nang bumaba ng hagdan ang magandang babae at mawala na sa paningin nila. Umayos siya ng tayo at wala sa loob na inayos ang lukot ng suot niyang blazer na ipinatong niya sa kanyang office dress. Natuwa pa naman siyang maging secretary kasi wala na siyang uniform at maisusuot na niya ang mga bestida at blazer na paborito niya bilhin pero hindi nagagamit noon. At ngayong araw sabik pa siyang isuot ang heels na binili niya lang kahapon sa mall bago siya umuwi. Pero ang magiging role pala niya sa araw na iyon ay humarap at magtaboy ng mga babaeng pinagtataguan ng boss niya.
Ilang segundo ang lumipas nang dahan-dahang bumukas ang office door sa likuran ni Melissa. Pagkatapos naramdaman niya ang mainit na hininga ni Dominic malapit sa tainga niya nang bumulong ito, "Umalis na siya?"
Pasimple siyang huminga ng malalim at hindi naiwasang malanghap ang pinaghalong cologne at natural na mabangong amoy ng binata. Binalewala niya iyon. "Umalis na siya –" Kumabog ang dibdib ni Melissa sa sobrang pagkagulat nang marealize na sobrang lapit pala ni Dominic kaysa akala niya. Nakatayo ito direkta sa likuran niya, nakahawak sa magkabilang hamba ng pinto at nakayuko sa kaniya. Paglingon tuloy niya kumiskis ang mga labi nito sa sentido niya bago siya napaatras at tiningala ang mukha nito.
Ngumiti si Dominic, hindi kumilos mula sa puwesto nito at halatang hindi apektado sa nearness nilang dalawa. "Kung wala na siya puwede na tayong lumabas para mag lunch. I'm starving."
Naningkit ang mga mata ni Melissa at humakbang pabalik sa lamesa niya at tuluyang dumistansiya sa boss niya. "Mawalang galang na sir, pero ikaw dapat ang humaharap sa female friends mo. Imbes na nagpapadala ka ng goodbye gifts, dapat sinasabi mo sa kanila ng harapan kung hanggang saan lang kayo. Para hindi rin nasasayang ang oras nila."
Tumaas ang mga kilay ni Dominic pero mukhang hindi naman nainis sa sinabi niya. Katunayan kumislap pa nga sa amusement ang mga mata nito nang humakbang para tuluyang makalabas ng opisina at isinara ang pinto. "I can't do that. Una sa lahat, umpisa pa lang nililinaw ko na sa kanila kung hanggang saan lang ang puwedeng maging koneksiyon nila sa akin. Giving them gifts is a sign of appreciation and nothing more. Pero kung magpipilit silang makita uli ako na para bang bigla silang nagkaroon ng amnesia at hindi na matandaan ang napag-usapan namin, ibang kaso na 'yon. Besides, kapag hinarap ko sila ay aasa silang mababago nila ang isip ko I don't want to waste my time in nonsense arguments."
Hindi nakasagot si Melissa, bumuntong hininga na lang uli. Wala naman dahilan para magreklamo kung tutuusin kasi malaki ang pinapasuweldo nito sa kaniya. Iisipin na lang niya na bahagi ng trabaho niya ang humarap sa flings nito. Mukhang nakita ni Dominic na sumuko na siya makipagtalo kasi lumawak ang ngiti nito. "Come on. Let's go out now."
Napakurap siya at kinuha ang ipad sa lamesa niya para tingnan ang schedule nito. "Wala ka namang lunch meeting ngayong araw, 'di ba?"
"Meron na ngayon," mabilis na sagot ni Dominic, mukhang naiinip na naman na tinapik ang lamesa niya. "Let's go, Melissa." Pagkatapos nauna na ito maglakad palayo.
BINABASA MO ANG
THE ASSISTANT
Romance(sequel ng story ko na The Late Bloomer) NASA point si Melissa ng kanyang buhay na hindi na love ang priority niya kung hindi pamilya. Bilang isang biyuda na may dalawang anak, nakapagdesisyon na siyang hindi na uli papasok sa isang relasyon. Kaya...