Part 12

13.7K 456 6
                                    


SOBRANG BUSY nila Dominic at Melissa mula lunes hanggang bago ang araw ng soft opening para sa dance club na sinosyohan nito. Hands on kasi ang binata sa preparations at final touches kahit sa kaliit-liitang detalye. Nakakapagod pero masaya rin siya kasi ang dami niya natutunan pagdating sa pag o-organize ng soft opening at kung anu-ano pang may kinalaman sa negosyo sa loob ng ilang araw na iyon.

Narealize na lang ni Melissa, biyernes na uli at kinagabihan na ang party. May pasok pa sila sa office sa araw kaya dinala na lang niya ang isusuot na dress at heels kesa umuwi pa sa bahay para doon magbihis. Mukhang sa Slade House na rin balak mag-ayos ni Dominic kasi bandang tanghali may dumating na staff ng isang kilalang designer para ideliver ang party attire ng boss niya.

Bandang alas singko ng hapon bumukas ang pinto ng opisina at sumilip sa puwesto niya ang binata. "Melissa, can I ask for a favor?"

"Of course sir," mabilis na sagot niya sabay tayo. Pumasok siya sa opisina at natigilan nang makitang nakapagpalit na pala ito ng damit pero halatang hindi pa tapos mag-ayos. Fitted black slacks na ang suot nito na pinaresan ng puting long sleeved polo na bukas pa ang unang tatlong butones at nakataas pa ang kuwelyo. Halatang tinahi iyon para talaga kay Dominic kasi ang ganda ng pagkaka-fit sa katawan nito. Her boss always looks good but he's particularly breathtaking today. Kung hindi pa tuloy ito tumikhim hindi pa niya mari-realize na napatagal ang pagpasada ng tingin niya sa kabuuan nito.

Uminit ang mukha ni Melissa at napahiya kasi nahuli niya ang pagtaas ng mga kilay ni Dominic at amused na ngiti sa mga labi. Tumikhim siya. "Anong favor ang kailangan mo, sir?"

Hindi pa rin nawawala ang amusement sa mukha ng binata nang hablutin nito mula sa lamesa ang isang manipis na black necktie. "Wala akong tiyaga matuto magsuot nito. Hangga't maaari hindi ako naglalagay ng necktie pero mahigpit na bilin ng business partner ko na kailangan magmukha akong respectable ngayong gabi. At least hanggang makaalis lang ang press at bloggers na inimbitahan niya sa party. Marunong ka ba?"

"Oo naman," mabilis na sagot ni Melissa at humakbang palapit kay Dominic. Nagsusuot ng suit ang asawa niya noon kapag Christmas party sa munisipyo nila. Matagal na mula nang magbuhol siya ng necktie pero siguro naman tanda pa niya iyon.

Nakamasid lang ang binata habang naglalakad siya palapit. Nang nasa mismong harapan na siya nito ay saka lang nito inilahad ang kamay na hawak ang skinny tie. Maingat niya iyong kinuha, sandaling tiningnan at dinama ang madulas na tela bago nag-angat ng tingin. Nakita niyang nakatitig na naman sa mukha niya si Dominic, bagay na palagi niya nahuhuling ginagawa nito sa nakaraang mga araw. Tipid niya itong nginitian. "Yuko kang konti para maayos ko maisuot sa 'yo itong tie."

Umangat ang gilid ng mga labi ng binata at imbes na yumuko ay umupo sa edge ng office table nito. Itinukod nito ang mga kamay sa magkabilang side at ibinuka ang mga hita. Sa ganoong posisyon halos magkapantay na ang taas nila. "Okay na ba 'to?" Tumango si Melissa. "Come closer then," sabi ni Dominic sa magaan at kaswal na tono pero ang mga mata nito may kakaibang ekspresyon na bahagyang nagpabilis sa pintig ng pulso niya.

Humakbang siya palapit hanggang nasa pagitan na siya ng mga hita nito at ilang pulgada na lang ang espasyong nakapagitan sa kanilang mga katawan. Sandaling nagtama ang kanilang mga paningin bago umangat ang mga kamay ni Melissa, mahinang nag excuse at sinimulan isara ang unang tatlong butones nito. Naramdaman niyang huminga ng malalim si Dominic pero hindi kumibo. Kaya sandaling pinaraan niya ang mga palad sa parteng iyon ng polo para mawala ang lukot bago isinabit ang skinny tie sa leeg ng binata. Maingat na hinaplos niya ang magkabilang dulo ng tie para pantayin iyon at saka sinimulang ibuhol. Ang tahimik ng boss niya at nararamdaman niya na nakatutok sa mukha niya ang tingin nito imbes na sa mga kamay niyang nagbubuhol ng necktie. Nanayo tuloy ang mga balahibo niya sa batok at nag-iinit ang magkabilang pisngi niya.

Makalipas ang ilang minuto natapos din niya ibuhol ang skinny tie. Kuntentong napangiti si Melissa at inayos na rin pati ang kuwelyo ni Dominic bago siya nag-angat ng tingin. "Okay na."

Hindi sumagot ang boss niya, nanatili lang nakatitig sa mukha niya. Sumikdo tuloy ang puso niya at sandaling hindi nakakilos. Saka lang naputol ang eye contact nila nang biglang may mag vibrate sa lamesa nito. Sabay na bumaba ang tingin nila sa cellphone nito, pangalan ng manager ng club ang nakarehistro sa screen.

Humakbang paatras si Melissa hanggang malaki na ang espasyo sa pagitan nilang dalawa. Dumeretso naman ng tayo si Dominic bago inabot ang gadget at sinagot ang tawag. Mukhang kinukumpirma lang yata ng manager kung anong oras sila dapat magpunta sa club base sa pagsagot ng boss niya sa kausap. Tahimik na sana siyang lalabas ng opisina pero biglang lumingon sa kaniya ang binata at sumenyas na huwag siya aalis. Mabilis itong nagpaalam sa manager at ibinaba uli ang cellphone sa lamesa.

"Uuwi ka ba muna para magbihis at mag-ayos?" tanong nito.

"Hindi. Dito na ako magbibihis. Dala ko ang isusuot ko."

"How about your hair and make-up?"

"Ako na bahala. Marunong naman ako mag make-up."

Tumaas ang mga kilay ni Dominic at biglang dumukot ng wallet. Napakurap siya nang maglabas ito ng itim na credit card. "May salon sa tapat ng Slade House. Kaibigan ko ang may-ari. Go there and let them do your hair and make-up. May dressing room din sila doon kaya magiging komportable ang pagbibihis mo doon."

Napanganga siya at marahas na umiling. "Thank you pero kaya ko ayusan ang sarili ko, sir."

"Melissa. I am not underestimating your skills. Believe me. Personally okay din sa akin kahit hindi ka masyado mag-ayos. Pero nabanggit mo habang nag-aayos tayo sa club kahapon na first party mo ito, 'di ba? So I want it to be special for you."

"Bakit?" hindi nakatiis na tanong niya. "Secretary mo lang naman ako kaya bakit gusto mong maging special para sa akin ang first party na pupuntahan ko?"

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon