ILANG MINUTO pa lang nawala si Dominic nang may lumapit na naman kay Melissa. Na-tense siya noong una pero nakahinga din ng maluwag nang marealize na si Gabby Roman ang umupo sa high stool na puwesto ng pinsan nito kanina.
"Good evening," nakangiting bati nito sa kaniya.
Napakurap si Melissa. "Good evening. Ngayon ka lang ba dumating? Nagkita na kayo ni sir?"
"Kanina pa ako nandito. In fact siya pa nga ang lumapit sa akin ngayon-ngayon lang na puntahan daw kita at samahan dito," kaswal na sagot ng dalaga bago hinanap ng tingin ang bartender at umorder ng cocktail.
Napanganga siya. "S-sinabi ni sir na samahan mo ako? But you don't have to?"
"I know right? Why do you think he's acting so overprotective?" Pagkatapos bumaba ang tingin ni Gabby sa blazer na suot niya. "He even let you wear something that belongs to him."
Wala sa loob na hinaplos ni Melissa ang magkabilang sleeve ng blazer. "Hindi naman 'to big deal. Mabait lang siya sa akin kasi boss ko siya."
Tumaas ang kilay ni Gabby at umangat ang gilid ng mga labi. "Alam ko na matagal ka nang nagtatrabaho sa Slade House at na lampas isang buwan ka pa lang na executive secretary niya. Alam ko na professional ang relasyon ninyong dalawa. At least, that's what I believe few months ago. Pero nang pumasyal ako sa opisina ninyo at sabay kayong dumating galing sa lunch, napansin kong may nag-iba sa inyong dalawa. Hindi na kasing professional at detached na gaya dati. Naisip ko na baka friendly kayo sa isa't isa kasi... kapatid ka ng girlfriend ni Gray."
Natigilan si Melissa at nailang kasi naalala niya bigla na ex nga pala ni Gray Delan si Gabby. Mukhang napansin din ng babae kung ano ang iniisip niya kasi tumawa ito. "Stop looking at me like that. Matagal na kaming tapos ni Gray at alam kong masaya siya sa piling ng kapatid mo. Tanggap kong hanggang past na lang kaming dalawa."
Maniniwala sana siya kung hindi lang nito iniwas ang tingin at mabilis na inubos ang laman ng baso nito. "Anyway, as I was saying," pag-iiba ni Gabby sa usapan. "May nabago sa relasyon ninyong dalawa ni Dominic. Mas obvious ngayong gabi. You two don't act like a boss and employee to me. Besides kilala ko ang pinsan ko at never siya nagbigay ng special treatment sa mga empleyado niya na katulad ng ginagawa niya sa 'yo."
Kumunot ang noo ni Melissa. "Mali ka ng iniisip. Walang espesyal sa trato niya sa akin. Oo pinahiram niya ako ng blazer pero bukod doon wala naman na siyang ginawang kakaiba? In fact masyado nga siyang busy sa mga bisita at sandali lang lumapit sa akin?"
Tumaas ang kilay ni Gabby. "You are so considerate and kind to put it that way, Melissa. Masyado siyang busy? I don't think so. Pareho nating alam na iniiwasan ka niya at malamig ang trato niya sa 'yo mula pa kanina. Inoobserbahan ko kayo. Ilang beses ko pa nga siya kinausap na lapitan ka naman kasi alam kong wala kang kilala dito. Pero tumatanggi siya. Kung hindi lumapit sa 'yo ang business partner niyang ubod ng babaero malamang hindi ka niya papansinin hanggang matapos ang party."
Napakurap siya at kahit iyon naman ang totoo ay medyo nasaktan pa rin siya na kahit pala si Gabby nakita ang kakaibang attitude ni Dominic sa gabing iyon. Pero kung napansin na nito iyon, bakit iniisip ng babae na espesyal ang trato sa kaniya ng boss niya?
Makahulugang ngumiti si Gabby na para bang narinig ang iniisip niyang tanong. "Natatakot siya lumapit sa 'yo."
Nanlaki ang mga mata ni Melissa. "Ha?"
"Let me rephrase that. He's afraid of what you make him feel. Bukod sa masyado kang maganda ngayong gabi at malamang na caught off guard siya, weakness ni Dominic ang tipo mong babae. You know, the nourishing and caring type. Iyong mabait at motherly. He's not aware of his type, though. My cousin prefers to date uncomplicated girls. Girls that don't make him feel things aside from sexual attraction. Pero magkasama na kami mula pagkabata. Mas kapatid pa nga ang turingan namin kaysa sa totoong mga kapatid niya. Kaya kilalang kilala ko siya."
BINABASA MO ANG
THE ASSISTANT
Romance(sequel ng story ko na The Late Bloomer) NASA point si Melissa ng kanyang buhay na hindi na love ang priority niya kung hindi pamilya. Bilang isang biyuda na may dalawang anak, nakapagdesisyon na siyang hindi na uli papasok sa isang relasyon. Kaya...