Part 35

13.7K 460 10
                                    

MALAMIG nang sinabihan ni Dominic na huwag sumunod sa kanila ang apat na bodyguard at noong una akala ni Melissa hindi susunod ang mga ito. Kaya medyo nagulat siya nang tumalima ang apat na lalaki at nag 'yes sir' pa. Hindi niya masyado mabasa ang facial expressions ng mga ito kasi nakasuot ng dark shades pero napansin niya sa body language ng apat na iginagalang ng mga ito si Dominic. Para pa ngang masaya ang mga itong makita ang binata.

Sobrang tahimik sa loob ng Slade House at halata ang relief sa mukha ng security guard, receptionist at maging ang ibang mga empleyado na wala sa kani-kanilang designated work place nang dumating sila.

"Sir Dominic..." tawag ng security guard. Sumulyap muna ito sa labas kung nasaan ang mga bodyguard bago ibinalik ang tingin sa binata. "Umakyat ho sila sa third floor. Hindi ko na ho napigil."

"It's fine, manong." Pagkatapos iginala ni Dominic ang tingin sa paligid, malawak na ngumiti na para bang normal na araw lang iyon. "Go back to work everyone."

Mabilis na tumalima ang lahat. Hinawakan naman ng binata ang kamay niya at inakay na rin siya paakyat sa hagdan. Pagdating nila sa third floor ay humigpit ang hawak nito sa kamay niya. Halata kasing hinihintay sila ng mga empleyado nitong nag o-opisina roon. Higit sa lahat nakabukas ang pinto ng private office nito at may naaaninag silang mga tao sa loob.

Tiningala ni Melissa si Dominic at pinisil ang braso nito. Niyuko siya nito. Tipid siyang ngumiti. Huminga ito ng malalim, pilit ding ngumiti bago siya hinila palapit sa opisina nito.

Apat na tao ang nasa loob. Nakilala agad niya ang pinsan ng binata na si Gabby. Naroon din ang step-brother nitong si Dino. Sumikdo ang puso ni Melissa nang mapunta sa mahabang sofa ang tingin niya. Nakaupo kasi roon ang isang babae na mukhang nasa singkuwenta ang edad, maganda ang postura at maamo ang mukha. Nakakapit ito sa braso ng isang higit na mas matandang lalaki, lampas sixty years old na yata.

Alam niya agad na ito ang ama ni Dominic kasi magkamukha ang mga ito. Na-caught off guard nga lang siya kasi iba ang pisikal na anyo nito kaysa sa naimagine niya. Sa description kasi ng binata nakinita niya ang isang matandang lalaki na matigas ang tindig, palagi nakataas ang noo at mukhang intimidating. Pero kahit nakaupo alam niyang hanggang balikat lang ni Dominic ang ama at masyadong payat. Nakakalabo na rin ito, nasa gilid na lang ang puti at maninipis na buhok. Imbes na intimidating ay mas bakas ang pagkahapo at lungkot sa mukha ng matanda. Nagkabuhay nga lang ang mga mata nito at dumeretso ang upo nang mapatitig kay Dominic na humigpit lalo ang hawak sa kamay niya.

Tiningala ni Melissa ang binata na mukhang na-caught off guard din habang nakatitig sa ama. Narealize niya na mukhang malaki ang naging pagbabago ng matandang lalaki kaysa sa naaalala nito.

Ang step-mother nito ang bumasag sa katahimikan. "Kamusta Dominic? Pasensiya ka na kung sumulpot kami nang hindi nagsasabi." Napunta sa matandang babae ang tingin nila. Mabait at parang nahihiya pa nga itong ngumiti. "Kadarating lang namin sa Maynila dahil inimbitahan kami ni Dino at Gabby na pumasyal at naisip naming daanan ka. Hindi ka na naman kasi nakauwi para sa birthday ng daddy mo. Palagi niya sinasabi na madalas nakakalimutan na niya kung ano ang hitsura mo."

"Really?" sarcastic at halatang hindi naniniwala na tanong ni Dominic. "Iyong totoo, bakit kayo nandito? Ano ang kailangan sa akin ngayon ng isang Ronaldo Roman?"

"Dominic," sabay na saway dito nina Dino at Gabby. Tumiim ang bagang ng binata at lalong na-tense ang buong katawan. Hindi niya alam kung dahil hindi nito gusto ang pagsaway ng step-brother at pinsan o baka katulad ni Melissa nakita rin nito ang sakit at pagkapahiyang dumaan sa mukha ng step-mother nito. Napansin din niya na humigpit ang kapit nito sa braso ng asawa na tumigas naman ang facial expression. Pero bago iyon may dumaan ding sakit at pagkatapos ay resignation sa mga mata ng matandang lalaki.

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon