Part 31

13.4K 472 18
                                    

ILANG ORAS lang ang naging meeting nina Dominic at Melissa kay Christopher Liu.Kasama ang legal at management team nito ay na-finalize ang mga kontrata at iba pang memorandum of agreement para sa business partnership. Pagkatapos nagkasundo rin sila na sa susunod na personal meeting ay ang mag-asawang Liu naman ang pupunta sa Manila.

Inabutan sila ng lunch time kaya sa branch na iyon din ng restaurant sila kumain kasama sina Demmy, Maja at Robby. Nag sorry pa si Christopher dahil hindi nito mai-offer ang VIP room ng restaurant kasi may nakapagpa-reserve na raw doon. Pagkatapos nila itong i-assure ni Dominic na walang problema sa kanila kahit saan pang lamesa kumain ay nagpaalam na ang may-edad na lalaki. May iba pa kasi itong appointment sa araw na iyon.

Napuwesto sila sa malaking lamesa na malapit sa pinto. Masaya si Melissa kasi halatang nasasarapan sa pagkain sina Demmy, Maja at Robby. Iyon nga lang kapansin-pansin na hindi mapakali ang dalawang babae, gusto na talaga sumugod sa venue ng charity concert na panonoorin ng mga ito.

Hinaplos ni Melissa ang buhok ng dalagita. "Gusto ko pa makasama ang birthday girl ko. Puwedeng mamaya mo na lang isipin ang idols mo?" lambing niya.

Natigilan naman si Maja at biglang pumihit payakap sa kaniya. "Mommy naman. Kaninang pagkagising ko kiss ka na nga ng kiss sa akin at nakarami ka nang happy birthday."

"Kahit na ba."

Humagikhik ang anak niya at kumalas sa pagkakayakap. "Si mommy talaga – " Biglang napasinghap ang anak niya nang lumampas ang tingin sa kaniya, natutok sa direksiyon ng entrada ng restaurant. Biglang napakapit ito sa braso niya. "M-mommy," parang hindi humihingang bulong nito.

Nataranta tuloy si Melissa. "Bakit? Anong nangyayari anak?"

Biglang napasinghap din si Demmy at nakatingin na rin sa tinitingnan ni Maja. Nawala ang pagkataranta niya kasi unti-unti na niya nari-realize kung bakit nagkakaganoon ang dalawa. Lumingon siya at nakumpirma ang hinala nang makita ang mga pumapasok sa loob ng restaurant. Grupo ng mga koreano, lampas sampu yata. Casual clothes ang suot ng mga ito at karamihan nakasuot ng baseball cap at face mask. Mukhang ang grupo ang nakapagpareserve ng VIP room ng restaurant kasi lumapit agad sa mga ito ang manager.

"Mommy, Golden Child," usal ni Maja na lalo pa humigpit ang kapit sa braso niya. Naramdaman niya na nanginginig na ang anak niya sa pagpipigil ng excitement.

Tumango na lang si Melissa at sinulyapan si Demmy na pasimple na palang kinukunan ng picture gamit ang cellphone ang mga korean idol na sa kung anong himala ay doon pala kakain ng lunch.

"Demmy, Maja, tinatakot niyo si Robby sa reaksiyon niyo," komento ni Dominic na inakbayan ang bunsong anak niyang huminto sa pagkain at palipat-lipat ang tingin sa dalawang babae. Pero parang walang narinig ang dalawang babae, lalo na si Maja. Titig na titig pa rin sa grupo na nagsisimula na maglakad pasunod sa manager ng restaurant.

At siguro bukod sa madadaanan ng mga ito ang lamesa nila at obvious na nakatingin sila kaya napalingon din sa kanila ang mga koreano. Walang ine-expect na kahit ano si Melissa kaya nagulat siya nang bumakas ang rekognisyon sa mukha ng tatlong member ng grupo na nakaengkuwentro rin niya sa Haji Lane. Sandaling napahinto pa ang mga ito sa paglalakad, pumihit paharap sa kaniya at nakangiting bumati sabay tipid na bow.

Gumanti ng ngiti si Melissa at hanggang doon na lang sana ang lahat kung hindi lang biglang tumayo si Demmy at mabilis na nagsalita ng korean. Napahinto rin tuloy pati ang ibang kagrupo ng tatlong lalaki, curious na nakinig. Pagkatapos itinuro ni Demmy si Maja at napunta sa anak niya ang tingin ng mga ito. Pagkatapos nagsalita iyong member na unang bumati sa kaniya, tinawag ang dalawang lalaking sa tingin niya ay handlers ng mga ito. Mukhang masungit at sandaling nakipagusap sa mga lalaki bago parang frustrated na bumuntong hininga at tumango.

Ngumisi si Demmy at masayang nilingon si Maja. "Tayo na Maja. Pumayag sila na magpa-picture ka kasi sabi ko birthday mo. Basta hindi mo puwede i-post online kasi bawal talaga sila magpapicture sa fan kapag wala sa schedule nila. Bilis kasi one minute lang daw sabi ng manager nila. Dali na!"

Napatayo ang dalagita, mariing takip ang bibig ng dalawang mga kamay, namamasa ang mga mata at pigil ang paghikbi nang humakbang palapit sa grupo. Nagsalita ang manager ng mga ito at base sa disgusto sa mukha ay pinagmamadali na sina Demmy at Maja. Baka nga nagsisisi nang pumayag sa request ng dalawang babae.

Nagkatinginan sina Melissa at Dominic na mukhang hindi rin alam kung anong gagawin sa sitwasyon kasi nagkibit balikat ito, inilapit ang mukha sa kaniya at bumulong. "Just let her be, Mel. Birthday niya."

Kaya ganoon na nga lang ang ginawa niya. Ang bilis lang din naman kasi ng mga pangyayari. Nakailang kuha lang ng picture si Demmy at ni hindi nagawang magsalita ng anak niya kahit nang mag ba-bye na ang kpop idols nito. Nagagalit na kasi yata ang managers ng mga ito dahil nakakakuha na ng atensiyon mula sa ibang customers ang nangyayari.

Kaya paglampas pa lang ng isang minuto nakapasok na sa VIP room ng restaurant ang grupo at nanlalambot na napaupo uli sa silya sina Maja at Demmy, parehong tulala. Nagkatinginan na naman tuloy sina Melissa at Dominic.

"Girls, are you still breathing?" basag ng binata sa katahimikan.

Saka lang napahugot ng malalim na paghinga ang dalawa, nagkatinginan at impit na napatili. Pagkatapos inabot ni Demmy ang cellphone kay Maja. "Tingnan mo. Sana may maayos akong nakunan kasi nanginginig ang mga kamay ko."

"Thank you ate Demmy," garalgal na sagot ni Maja at humikbi na talaga nang mapatitig sa screen ng cellphone. Nang mag-angat ito ng tingin ay umiiyak na talaga ito. "Ipapa-print ko ang pictures at ite-treasure ko forever." Pagkatapos lumingon kay Melissa ang anak. "Mommy, thank you na isinama mo kami sa Singapore. Feeling ko once in a lifetime experience ang nangyari ngayon. Feeling ko po nananaginip lang ako. Nakita ko talaga sila ng personal mommy. Nakapagpa-picture ako."

Worried na pinahid niya ang mga luha ng anak. "Kailangan mo talaga silang iyakan ng ganiyan? Birthday mo pa naman."

Suminghot ang anak niya. "Super happy lang po kasi ako mommy. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko ngayon."

"Mag thank you ka kay ate Demmy kasi marunong pala siya ng korean. Nagkaroon ka ng chance magpapicture."

Tumango ang anak niya. "Thank you ate Demmy." Pagkatapos nilingon din nito si Dominic at sincere na nagpasalamat din.

Ngumiti ang binata at tinapik ang ulo ng dalagita. "You're welcome. I'm glad you are having the best time of your life."

At siguro talagang ang saya-saya ni Maja kasi bigla pa nitong niyakap ng mahigpit si Dominic na halatang nagulat sa ginawa nito. "Thank you po. Thank you."

Parang may lumamutak sa sikmura ni Melissa at namasa ang mga mata nang makita niyang lumambot ang facial expression ni Dominic at masuyong nginitian ang anak niya. "You don't really have to thank me too much. Sobrang naging masaya rin ako sa mga araw na kasama ko kayong lahat."

Narealize niya na sa nakaraang mga araw hindi lang siya ang nahulog ang loob sa boss niya. Pati na rin ang mga anak niya. At nakikita niya na hindi naman unrequited ang affection nina Maja at Robby para kay Dominic. Kasi nag-angat ito ng tingin at nakita niya ang sincerity sa mga mata nito. Nakita rin niya na sobrang na-touch ito sa pagyakap at pagpapasalamat ni Maja. Napangiti tuloy siya. Ngumiti rin ito.

And at that moment she confirmed without a single doubt that she is in love with Dominic Roman.

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon