Part 29

13.1K 431 6
                                    

By the time na bumukas iyon sa pinakaitaas ng hotel, hindi na halos makahinga si Melissa sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Humakbang siya palabas at napasinghap nang makita kung gaano ka cozy at ganda ang set up doon. Ang una niyang nakita ay ang infinity pool na kasing haba yata nang buong rooftop. Kulay asul ang liwanag na galing sa underwater lights. May ilang lumalangoy doon. May ibang nakaupo lang sa gilid at tahimik na nag-uusap. Nagtataasang mga gusali na may kumukutitap na liwanag ang background ng infinity pool. Sa sobrang ganda ng view ilang segundo pa bago niya nagawang kumurap at ilipat ang atensiyon sa ibang parte ng rooftop.

Sa side na pinakamalapit sa elevator ay may open-air bar area. Dim at intimate ang lighting na sinamahan ng mahinang classical music. Sumikdo ang puso ni Melissa kasi nakita agad niya si Dominic na nakaupo sa isa sa mga magkakalayong lamesa. Nakaharap ito sa direksiyon niya at halatang kanina pa nakatingin sa kaniya. Pasimple siyang huminga ng malalim at sa nanginginig na mga tuhod ay lumapit sa binata. Tumayo ito at pinagmasdan lang siya hanggang nakatayo na siya sa harapan nito. Pagkatapos nagkatitigan sila.

Tipid na ngumiti si Dominic. "You came," pa-cool na basag nito sa katahimikan pero obvious naman sa mukha nito ang relief.

May init tuloy na humaplos sa puso ni Melissa at napangiti. "Hindi rin naman ako makakatulog kakaisip sa 'yo. Saka kulang na lang itulak ako nila Demmy at Maja palabas ng kuwarto namin para puntahan ka."

Lumawak ang ngiti ni Dominic at hinawakan ang isang kamay niya. Nagliparan ang mga paru-paro sa sikmura niya nang pisilin nito iyon. Pagkatapos humila ito ng isang upuan at inalalayan siya makaupo. "Thank you, Mel. Ang totoo kahit maghapon tayo magkasama, bitin na bitin pa rin ako. I still want to be with you," sabi nito na pumuwesto sa silyang kadikit ng sa kaniya imbes na iyong katapat.

Napahinga ng malalim si Melissa at binalewala ang paghapdi ng kanyang mga mata. Kasi pareho pala sila ng nararamdaman ni Dominic. Akala niya siya lang ang nadismaya nang magpaalam ito kanina. Pareho pala silang bitin.

Mayamaya tumawag ang binata ng waiter at umoder ng maiinom para sa kanilang dalawa. Noong una akala ni Melissa magkakaroon sila ng ilangan pero hindi ganoon ang nangyari. Nawala ang tensiyon at naging komportable sila sa isa't isa habang pinag-uusapan ang naging araw nila kasama si Demmy at ang mga anak niya kanina. Ang usapan nila napunta sa kung anu-anong bagay hanggang mapunta sa mga pamilya nila at mga personal na saloobin na never niya naisip na ishe-share niya sa iba. Pati ang pinagdaanan niyang sakit at struggle nang mamatay ang dati niyang asawa, nagawa niya sabihin kay Dominic.

"Sobrang natatakot ako maiwan uli ng taong mahal ko," amin ni Melissa. "Kaya natatakot ako mag invest uli emotionally sa isang relasyon. Natatakot ako na maranasan ko uli ang sakit na 'yon. Natatakot ako na baka sa susunod, hindi ko na talaga kayanin."

Masuyong hinaplos ni Dominic ang buhok niya. "Kasi naman Mel, imbes na iniisip mo na baka hindi mo na talaga kayanin ang susunod, hindi ba mas maganda kung ang way of thinking mo ay, 'Nakaya ko dati. Kaya makakaya ko uli.'?"

Napatitig siya sa mga mata nito at hindi nakapagsalita.Ngumiti ito. "If you choose to be with me, I won't promise you that I will not die before you. Kasi hindi naman natin hawak ang mangyayari sa hinaharap. Pero ang maipapangako ko lang sa 'yo, bawat araw na magkasama tayo gagawin kong memorable. I will make you so happy that you will have no time to worry about anything else. Okay ba 'yon?"

Napangiti si Melissa. "Confident ka talaga na mapapasaya mo ako araw-araw?"

Ngumisi si Dominic, inakbayan siya at hinigit payakap. "Yup. You'll see."

Natawa siya at tiningala ito. "Talaga ha?"

Niyuko siya nito at pinagtama ang kanilang mga paningin. "Talaga," sagot nito sa mas mahina pero seryoso nang tinig. "Kasi deserve mo lahat ng happiness sa mundo, Mel."

Touched na hinaplos niya ang pisngi nito. "Salamat."

Pareho silang natahimik at nagkatitigan lang. Bigla naramdaman ni Melissa na nabago ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. At nang bumaba ang tingin ni Dominic sa kanyang mga labi ay bumilis ang tibok ng puso niya. Pero hindi siya kumilos para lumayo. Katunayan lalo pa siya sumiksik sa katawan nito. Uminit ang pakiramdam niya nang magbago ang facial expression ng binata at maging intense ang titig nito sa kaniya.

"Natatandaan mo ba ang gabi na nagpunta tayo sa baywalk?" bulong nito.

Umangat ang gilid ng mga labi ni Melissa. "Oo. Palagi ko iyon naaalala," ganting bulong niya.

Umangat ang isang kamay ni Dominic sa kanyang baba at marahan siyang itiningala. "Every moment of that night I had an urge to touch you and kiss you. I wanted you so bad that I need to put a distance between us just to calm myself. That time, dinedeny ko pa sa sarili ko na iba ang nararamdaman ko para sa 'yo. Ang alam ko lang dapat kontrolin ko ang sarili ko kasi hindi tamang i-take advantage kita. Akala ko kasi pisikal na attraction lang ang nararamdaman ko sa 'yo noong una, Mel. Kaso iba na pala ang tama ko sa 'yo."

Touched na napangiti si Melissa at bumaba rin ang tingin sa mga labi nito. "At ngayon? May urge ka pa rin ba na..." Uminit ang mukha niya at ibinalik ang tingin sa mga mata nito.

"Na halikan ka? Yes. Always," sagot ni Dominic. Pagkatapos yumuko ito at tuluyang tinawid ang pagitan ng kanilang mga mukha. Napapikit si Melissa nang maglapat ang mga labi nila. Sabay pa silang napabuntong hininga na para bang parehong matagal na nilang hinihintay ang sandaling iyon. Masuyo at magaan lang ang halik noong una, pinapakiramdaman lang muna ang isa't isa. Sandali pa ngang naghiwalay ang kanilang mga labi at ilang segundong nagkatinginan.

Ngumiti si Dominic. Ngumiti rin si Melissa. Then they kissed again. Mas malalim at mainit na sa pagkakataong iyon. Bawat galaw ng mga labi ng binata, ginagaya niya. Bawat hagod ng dila nito, walang pag-aalinlangan niyang sinusuklian. Nang mapunta ang kamay nito sa batok niya at bumaon ang mga daliri sa buhok niya ay mahina pa siyang napaungol. Umangat din ang mga kamay niya pahaplos sa dibdib ni Dominic pataas hanggang nakapulupot na ang mga braso niya sa leeg nito. Lumalim ang halik, nakakapugto ng hininga pero wala sa kanila ang nagtatangkang lumayo.

Malakasang loob ni Melissa kasi madilim sa lamesa nila at ang kakaunting mga tao sapaligid ay abala sa kani-kanilang mundo. At siguro pinatapang siya ng fact nanasa ibang bansa sila at walang nakakakilala sa kanila roon. Nawala anginhibitions niya. Nadala sa romantic atmosphere ng madilim na bar area, malamigna hangin at nagliliwanag na mga gusali sa paligid. Nang gabing iyon naramdamanniya uli ang masarap na pakiramdam na may yumayakap at humahalik. Nabuhay angkilig na akala niya hindi na uli niya mararanasan bago nahulog ang puso niyakay Dominic Roman.

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon