PAGSAPIT ng lunes pumasok si Melissa sa trabaho nang mas maaga kaysa dati. Pagkatapos niyang masiguro na nakasakay na sa school service ang bunso niyang si Robby ay sumabay na siya sa pag-alis naman sa bahay ni Maja. On the way sa sakayan ng UV express ang school nito kaya hinatid na rin muna niya.
Dati ayaw nitong ginagawa niya iyon kasi malaki na raw ito pero sa umagang iyon pumayag ito. Hinalikan pa siya sa pisngi at malambing na yumakap bago pumasok sa gate. Good mood ang panganay niya. Siguro kasi pinayagan na niya itong gumamit ng cellphone at mag social media ng dalawang oras araw-araw sa kondisyon na dapat tapos na nito lahat ng school related works nito bago mag internet.
Kailangan din kapag naka-online ito ay dapat present siya o ang ate Arci niya para lang masiguro na teenage friendly pa rin ang mga nakikita nito sa social media. Higit sa lahat hindi pa rin ito puwede magdala ng cellphone sa school. Kung may emergency naman alam ng adviser nito kung paano sila mako-contact. Isang linggo na mula nang payagan niya ito at so far puro high school friends lang naman ang kausap nito kapag tungkol sa school activities. Mayroon din itong kausap na kpop fans na katulad nito pero kahit hindi niya personal na kilala ang mga iyon ay verified naman ni ate Arci at Demmy ang mga pagkatao.
Alas siyete ng umaga nasa Slade House na si Melissa. Wala pang katao-tao sa third floor. Pagkatapos ilapag ang shoulder bag at buhayin ang computer sa lamesa niya ay pumasok na siya sa opisina ni Dominic bitbit ang paper bag na naglalaman ng blazer nito.
Mula nang maging executive secretary siya, palaging nasa opisina na nito si Dominic kapag dumarating siya. Ngayon lang siya nauna at nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan talaga ang interior niyon. Iginala ang tingin sa paligid at naglakad palapit sa office table ng boss niya. Kalalapag pa lang niya ng paperbag na hawak sa lamesa nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Napatingala si Melissa at pakiramdam niya nahulog sa sahig ang puso niya sa sobrang pagkagulat. Napahawak pa siya sa dibdib niya at nanghihinang napaupo sa swivel chair nang makita si Dominic Roman.
"Sir! Ginulat mo naman ako," garalgal ang boses na reklamo niya.
Tumaas ang mga kilay ng binata, isinara ang pinto sa likuran nito at nagsimulang maglakad palapit sa kaniya. "Ako ang dapat nagsasabi niyan. Anong ginagawa mo sa loob ng opisina ko nang ganito kaaga?"
Napakurap si Melissa. "Ah. Maaga ako pumasok kasi isasaoli ko iyong blazer mo. Nakalimutan ko ibalik noong hinatid mo ako pauwi."
Tatayo na sana si Melissa pero napansinghap siya nang biglang hawakan ni Dominic ang magkabilang side ng swivel chair at pinihit siya paharap dito. Lalo niyang siniksik ang sarili sa sandalan nang dumukwang ito hanggang halos pantay na ang eye level nila. Na-trap siya hindi lang ng katawan nito kung hind imaging ng matiim nitong titig. "Tell me the truth. Hindi naman ako magagalit. What are you doing here?" malumanay pero seryosong tanong ng binata. Halata ang curiousity sa mga mata.
"Anong ibig mong sabihin?" pigil ang hiningang tanong niya.
"Well after that night I thought you must have missed me," sabi ni Dominic.
Nanlaki ang mga mata ni Melissa at naalala ang sandaling magkasama sila sa baywalk. Pati na noong hinatid siya nito sa bahay nila. "H-hindi ah."
Naningkit ang mga mata ni Dominic at lalong inilapit ang mukha sa kaniya. Nahigit niya ang hininga at parang may lumamutak sa sikmura niya sa sobrang lapit nito. Halos nararamdaman na kasi niya ang init na galing sa katawan nito at wala na siyang ibang nalalanghap kung hindi ang pamilyar na amoy ng cologne nito. Nagtama ang mga paningin nila bago nagpatuloy sa pagsasalita ang binata. "You are a bad liar. Balang araw mapapaamin din kita."
"Bahala ka sa gusto mong isipin. Puwede ka na bang lumayo at nang makabalik na ako sa lamesa ko?" hindi pa rin humihingang tanong ni Melissa.
Biglang ngumiti si Dominic, iyong tipong nakakasilaw, bago dahan-dahang bumitaw sa magkabilang side ng swivel chair at dumeretso na ng tayo. Saka lang siya nakahinga ng maayos. Mabilis na tumayo na rin siya mula sa upuan at humakbang paatras para magkaroon ng space sa pagitan nilang dalawa. Uminit ang mukha niya kasi base sa pagkislap ng amusement sa mga mata ng boss niya ay napansin nito ang ginawa niya.
Tumikhim si Melissa. "Babalik na ako sa lamesa ko, sir. Kukunin ko ang ipad para ma-double check mo ang schedule mo ngayong araw." Tumalikod na siya at malalaki ang mga hakbang na tinungo ang pinto ng opisina. Nabuksan na niya iyon nang biglang magsalita si Dominic.
"Mel."
May nakakakiliting kuryente ang humagod sa likod niya. Hindi lang ako sanay na tinatawag niya ako sa palayaw ko. Iyon lang 'yon, kumbinsi niya sa sarili bago dahan-dahang nilingon uli ang boss niya. Nakaupo na ito sa swivel chair paharap sa kaniya.
"Yes?"
"Can I ask for a favor?"
Napakurap siya. "Oo naman. May ipapagawa ka ba sa akin? May ipapabili? Nag breakfast ka na ba o gusto mo iorder kita?"
Mainit ang naging ngiti ni Dominic. "Salamat sa concern pero iba ang favor na hihingin ko. Tutal napagkasunduan na natin noong gabing hinatid kita pauwi sa inyo na magiging friendly tayo sa isa't isa, huwag mo na akong tawaging 'sir' kapag tayong dalawa lang."
Umawang ang mga labi ni Melissa at ilang segundong hindi nakapagsalita.
"Hindi ba puwede?" tanong na naman nito, nabawasan ang sigla ng ngiti.
Napakurap siya at mabilis na sumagot, "Of course puwede."
Lumawak na naman ang ngiti nito. "Good."
Tumango siya at binalewala ang humaplos na init sa puso niya dahil sa tuwa na nakikita niya sa mukha nito. "May iba ka pang kailangan? Pupuwesto na ako sa table ko."
"I just want to hear you call my name. Pagkatapos wala na akong kailangan para sa umagang 'to."
Uminit ang mukha ni Melissa at humigpit ang hawak sa doorknob. "Fine. Dominic. Okay na?"
Ngumisi ang boss niya at kuntentong tumango. "Yup. That's all for now."
Tumango din siya at saka tuluyang lumabas. Maingat niya isinara ang pinto at napasandal doon. Tinawag lang naman niya ito sa pangalan, kaya bakit ang bilis ng tibok ng puso niya?
BINABASA MO ANG
THE ASSISTANT
Romance(sequel ng story ko na The Late Bloomer) NASA point si Melissa ng kanyang buhay na hindi na love ang priority niya kung hindi pamilya. Bilang isang biyuda na may dalawang anak, nakapagdesisyon na siyang hindi na uli papasok sa isang relasyon. Kaya...