Part 20

13.4K 409 5
                                    


MAKALIPAS ang dalawang araw habang abala sa pagtipa sa keyboard ng computer si Melissa, biglang lumabas ng opisina nito si Dominic at huminto sa tabi niya. Napahinto ang mga daliri niya at tiningala ito. Ngumiti ito at bigla siya kinabahan. "Yes?"

"Mel, do you have a passport?"

Napakurap siya. "Meron, sir."

Tumaas ang mga kilay nito. "Sir?"

Napasulyap siya sa paligid. Wala siyang nakitang tao at mukhang busy sa loob ng kani-kanilang opisina ang mga empleyado. Kaya tiningala niya ang binata at itinama ang sinabi, "May passport ako Dominic. Bakit mo natanong?"

Ngumiti ang boss niya. "Good. Kasi pupunta tayo ng Singapore. Clear our schedules sa last week ng October. Tinawagan ako ni Christopher kagabi. Gusto niyang mag-usap kami ng personal bago namin i-finalize ang business partnership namin."

Napanganga si Melissa. "Seryoso? Isasama mo ako?"

"Of course. Kailangan kita para mag take-down notes. Isa pa magandang exposure at experience sa 'yo kung sasama ka sa business trip."

Alam niya iyon. At sa totoo lang sumikdo ang puso niya sa tuwa at excitement. Pero last week of October... "Two weeks from now na 'yon."

"Yeah."

Nakagat ni Melissa ang ibabang labi at humarap na uli sa computer screen. "Okay. Tatawagan ko ang secretary ni Mr. Liu para alamin ang schedule niya at kung saan kayo puwede magkita para sa meeting. Ipapa-approve ko sa 'yo ang gagawin kong itinerary bago ako mag bu-book ng flight at accommodation."

Natahimik si Dominic at hindi tuminag sa pagkakatayo sa tabi niya. Nararamdaman niya ang matamang titig nito. "What's wrong?" tanong nito maya-maya.

Sumikdo ang puso ni Melissa at medyo nanginig ang kamay na may hawak sa computer mouse. Paano nito napansin iyon?

"Mel," malumanay na tawag ni Dominic sa pangalan niya. Hindi pa ito nakuntento, magaan pa nitong hinawakan ang baba niya at pinihit ang mukha niya patingala. Bumilis ang tibok ng puso niya nang magtama ang mga paningin nila at makita niya ang concern sa mga mata ng binata. "Sabihin mo sa akin kung ano ang nasa isip mo."

Napalunok si Melissa, uminit ang mukha at alanganing nagsalita, "Iyong schedule lang kasi..."

"Dahil ba biglaan masyado? Si Christopher kasi ang nagsabi na next week lang siya libre. Sabi mo naman may passport ka na kaya wala naman problema. Unless..." Biglang bumakas ang pag-unawa sa mukha nito. "Hindi ka puwede sumama kasi hindi mo maiiwan ang pamilya mo?"

Napangiwi siya, na-guilty na hindi niya magampanan basta ang trabaho niya bilang executive secretary nito dahil ang dami niyang kailangan ikonsidera. Pero kahit masaya si Melissa sa trabaho niya at uhaw siya matuto at maka-experience ng maraming bagay, ayaw niya makalimutan na ang mga anak niya ang number one priority niya. "Birthday ni Maja sa thirty," pag-amin niya.

Natigilan si Dominic, sandaling pinaraan ang hinlalaki sa baba niya bago para bang napipilitan lang na binawi na ang kamay. "Really?"

Tumango siya. "Sembreak din ng mga bata 'non kaya balak ko sanang ipasyal sila bilang celebration ng birthday ni Maja. Nasabi ko na sa panganay ko na pasyal na lang ang birthday gift ko sa kaniya kaya excited siya. Pero alam ko rin na hindi ka puwede magpunta ng Singapore nang mag-isa. I will not neglect my job as your executive secretary so you have nothing to worry about. Gagawin ko ng maayos ang trabaho ko at pangako hindi kita ipapahiya kay Christopher Liu kapag nasa Singapore na tayo." Ngumiti pa siya para i-assure si Dominic.

Pero hindi gumanti ng ngiti ang boss niya. Katunayan nakikita niya sa mukha nito na may mga ideyang tumatakbo sa isip nito. Kinabahan si Melissa kasi narealize niya na kung kaya na rin siya nito basahin ay kaya na rin niya mahulaan kung ano ang naiisip nito.

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon