Part 15

13.5K 450 24
                                    

Kumunot ang noo ni Dominic. Hindi na rin niya naitago ang iritasyon kahit pa boss niya ito. Kanina pa siya nalilito sa attitude na pinapakita nito sa kaniya. Pagkatapos nito umakto na parang allergic ito at ni hindi matingnan ang mukha niya ng matagal, bigla itong magsasalita ng ganito na para bang may ginawa siyang mali? "Ano bang ikinagagalit mo mula pa kaninang dumating ka sa salon para sunduin ako, sir?" hindi nakatiis na tanong niya.

Kumurap ang binata at halatang nagulat. "Hindi ako galit. What made you think that?"

Tumaas ang kilay ni Melissa. Natahimik ito at mukhang binabalikan sa isip ang naging kilos at akto nito mula pa kanina bago kumislap ang pag-unawa sa mga mata. Bumuntong hininga ito at mukhang guilty na iniwas ang tingin. "I'm not angry," ulit nito sa mas malumanay na tinig.

"Totoo?"

Ibinalik nito ang tingin sa mukha niya at pilit na ngumiti. "Wala kang ginawang ikakagalit ko, Melissa. Maliban na lang sa hindi mo pagsusuot ng singsing mo ngayong gabi. You don't have any protection right now."

"Protection? Para saan?" nagtatakang tanong niya.

"Para sa mga lalaking kanina pa nagpapakita ng interes sa 'yo. Iyon naman talaga ang malaking rason kung bakit sinusuot mo pa rin ang wedding ring mo kahit ilang taon nang patay ang asawa mo, hindi ba? Kasi gusto mo protektahan ang sarili mo. Kasi ayaw mo na uli magkaroon ng kahit anong involvement sa opposite sex."

Nahigit ni Melissa ang hininga at napatitig sa mga mata ni Dominic Roman. May mainit na kilabot ang humagod sa likod niya at nagkaroon siya ng matinding urge na tumakbo at magtago. Kasi paanong alam nito ang tungkol doon? Paano nito nalaman ang mga bagay na kahit ang pamilya niya hindi alam? How can he see right through her scarred heart?

Ilang segundong nagkatitigan lang sila. Napakurap lang sila pareho nang may tumikhim mula sa kabilang side ng bar counter. Napalingon si Melissa at uminit ang mga pisngi nang makita ang bartender na kausap niya kanina, may makahulugang ngiti nang sulyapan ang kamay niyang noon lang niya narealize na hawak pa rin pala ni Dominic. Sabay na bumitaw sila sa isa't isa. Nagkunwaring walang nakita ang bartender at inilapag sa harap niya ang malaking plato na puno ng pagkain. "Ito na ang request mong dinner, ma'am Melissa. Kayo sir, gusto niyo rin?"

"Just a glass of brandy."

"No. Bigyan mo rin siya ng pagkain please," mabilis na sabi ni Melissa. Nilingon niya ang boss niya na halatang nagulat at nakataas ang mga kilay habang nakatingin sa kaniya. "Hindi ka pa kumakain mula pa kanina, sir. Puro alcoholic drinks lang ang laman ng tiyan mo."

Sandaling napatitig sa kaniya si Dominic bago nilingon ang bartender na halatang natutuwang panoorin sila. "Fine. Get me something to eat too," sabi nito sabay lapag ng hawak na baso sa counter.

"Yes boss," masiglang sagot ng bartender, kinuha ang baso at mabilis na lumayo sa puwesto nila.

Nakatingin pa rin si Melissa sa boss niya kaya nakita niya nang hubarin nito ang suot na black leather blazer. Pagkatapos napaigtad siya nang ipatong nito sa kaniya ang blazer. "Wear it. You can use it as your protection from men's attention tonight."

Napakurap siya at wala sa loob na hinawakan ang magkabilang side ng blazer para hindi malaglag. Buong gabing exposed ang likod niya kaya medyo nagulat siya nang lumapat ang leather sa balat niya. Mainit pa iyon, malamang dahil sa body heat ni Dominic. Kahit ang amoy ng cologne na gamit nito na humalo sa natural na amoy ng pawis nito ay nanunuot pa rin sa leather blazer. Ang bango.

"Wear it properly," sabi ni Dominic na pumuwesto na ng upo sa katabi niyang high stool.

Tumikhim si Melissa, napahiya sa sarili sa tinatakbo ng kanyang isip at tahimik na isinuot nga ng maayos ang blazer. Bumalik na rin sa puwesto nila ang bartender bitbit ang bagong baso na may alak at isang plato ng pagkain. Pagkatapos umalis na ito uli at nagpunta sa kabilang dulo ng bar counter.

Hinawakan ng boss niya ang baso at balak na yata inumin ang laman niyon pero maagap na hinawakan ni Melissa ang braso nito. "Kain muna, sir," pigil niya.

Tumaas ang kilay ni Dominic pero binitawan naman ang baso at kinuha ang tinidor na kasama ng plato nito. Napangiti siya at tinapik ang braso nito bago kinuha na rin ang sariling tinidor. Hindi niya ito nilubayan ng tingin hanggang makasubo ito, ngumuya at lumunok. "Happy?" tanong pa ng binata.

Matamis na ngumiti si Melissa. "Oo. You worked hard for the soft opening to succeed, sir. Deserve mo mabusog." Pagkatapos kuntento na niyang hinarap ang sarili niyang plato at maganang kumain. Nang sulyapan niya si Dominic nakita niyang titig na titig na naman ito sa mukha niya. Nginitian niya ito uli. "Kumain ka pa, sir."

Napailing ito. "Okay, okay. Stop nagging me," reklamo nito.

Natawa siya kasi nakita niya ang normal na Dominic Roman. Hindi iyong tahimik at parang umiiwas sa kaniya na lalaki mula pa kaninang sinundo siya nito sa salon. Kumain din si Melissa pero mas nakatuon ang atensiyon niya sa kanyang boss. Gusto kasi niyang siguruhin na talagang uubusin nito ang laman ng plato.

Nang isang tusok ng tinidor na lang ang pagkain ay sinulyapan siya ng binata at nakataas ang mga kilay na sinabing, "Ayan ha? Naubos ko."

Ngumisi si Melissa. Napatitig na naman sa kaniya ang boss niya at mukhang wala sa loob na isinubo ang huling piraso ng karne. Hindi pa ito tapos ngumuya ay lumapit na sa kanila ang organizer ng party kasi may dumating daw na bisita at hinahanap ang binata. Nagmamadaling inilapag nito ang tinidor, kinuha ang baso at sinaid ang laman niyon. Pagkatapos tumayo na ito. "I have to go. Keep the blazer. Huwag mo huhubarin, okay?" bilin pa nito.

Patalikod na ito sa kaniya nang may mapansin siyang stain sa gilid ng mga labi nito. "Sir, wait lang."

"What?" inip na tanong nito. Muntik na niya makalimutan na impatient nga pala ang boss niya lalo na kapag may gusto gawin. Wala na siyang time na humingi ng tissue sa bartender. Kaya nag excuse siya, ipinatong ang isang kamay sa balikat nito habang ginamit naman niya ang isa pang kamay para pahirin ang dumi sa gilid ng mga labi nito. Naramdaman niyang na-tense at nagulat si Dominic sa ginawa niya pero hindi naman kumilos para lumayo o pigilan siya.

Ilang segundo lang din naman kasi ay binawi na niya ang mga kamay at kuntentong nginitian ang binata. "Okay na. Natanggal ko na ang stain. Puwede mo na harapin ang bisita, sir."

Napahugot ng malalim na paghinga si Dominic at marahas na napailing. "You... you're so..."

Napakurap si Melissa. "Sorry."

"No. Don't say that," mabilis na sagot ng boss niya at pabuntong hiningang umiling na naman. "Anyway, stay here and don't entertain any guy who will approach you. Babalik ako agad kasi ihahatid na kita pauwi. Baka kahit nasa bahay ninyo si Arci ngayon hindi makatulog ang mga anak mo kasi wala ka pa."

Umawang ang mga labi ni Melissa at may init na humaplos sa dibdib niya. Na-touch siya na nagiging considerate ito sa kaniya at naalala pa ang mga anak niya. Ngumiti siya. "Thank you."

Tumango si Dominic, mukhang disoriented na hindi niya maintindihan. Tinawag na naman ito ng organizer kaya nagpaalam na ito sa kaniya, tumalikod at nagmamadaling naglakad palayo. Sinundan niya ito ng tingin at wala sa loob na niyakap ang sarili. Nang huminga siya ng malalim nanuot pa rin sa ilong niya ang pamilyar na amoy ng binata. Galing sa blazer nitong suot niya.

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon