KINABUKASAN narealize ni Melissa na matalas pala ang pakiramdam nina Demmy at Maja. Na sa nakaraang mga araw kahit abala sa pagkukuwentuhan tungkol sa kpop at idols ang dalawa ay lihim palang nag oobserba ang mga ito. Katunayan mukhang sa kanilang lahat siya ang huling nakapansin na nai-in love na siya kay Dominic.
Pagkatapos nang nangyari kagabi sa rooftop bar ng hotel, narealize niya na bago pa man sila magpunta sa Singapore, nahuhulog na ang loob niya sa boss niya. Kagabi nang sa wakas magawa na nilang tigilan ang paghalik sa isa't isa, tinanong ni Melissa si Dominic kung kailan nito narealize na nagbabago ang feelings nito para sa kaniya. Ni hindi ito nagdalawang isip nang sabihing, "Noong unang beses na nag lunch tayong dalawa na walang ka-meeting. That was the first time we really talk, remember? I really got to know you in a personal level that day. Tinamaan ako."
Mula raw nang araw na iyon, naapektuhan ito kapag masyado siya malapit dito. Lalo na raw noong araw ng soft opening ng club nito. Sinabi tuloy niya kay Dominic ang mga sinabi sa kaniya ng pinsan nitong si Gabby habang nasa bar counter sila ng club nito. Natatandaan ni Melissa na ngumiwi ang binata kagabi at sinabing, "She really knows me too well. Tama siya. Natakot ako sa intensity ng epekto mo sa akin. Pero ngayon hindi na. Tanggap ko na kasi ang feelings ko para sa 'yo."
Katulad ni Dominic pilit din niya tinanggi sa sarili ang feelings niya. Hindi na ngayon.
"Mommy, what time kayo matatapos sa work ninyo? Need namin magpunta ni ate Demmy sa venue ng charity concert ng maaga," sabi ni Maja nang patapos na sila kumain ng breakfast sa restaurant ng hotel kung saan sila naka-check in.
Kumunot ang noo niya at napahinto sa akmang pagpunas niya sana sa gilid ng mga labi ni Robby gamit ang kanyang hinlalaki. Napasarap kasi ang kain nito ng pancake at ang daming lumampas na honey sa bibig. Nilingon niya ang panganay. "Gabi pa naman ang concert 'di ba?" nagtatakang tanong niya.
"Kailangan maaga kami, ate Mel. Kasi sasama kami sa mini gatherings para sa Golden Child fans. Chance namin makilala at maka-bonding ang fandom namin. Saka VIP tickets ang meron kami kaya may chance kami makapag hi-touch at picture bago ang mismong concert," paliwanag ni Demmy.
"Hmm..." Ibinalik niya ang atensiyon kay Robby at tuluyang pinahid ang kalat na honey sa gilid ng mga labi nito. "Sandali lang naman siguro kami. Saka malapit lang sa venue ng concert ang branch ng restaurant kung saan namin imi-meet ang business partner ni Dominic. Naisip ko na imbes na magpunta pa kayong tatlo sa kung saan ay hintayin niyo na lang kami sa loob ng restaurant. Pagkatapos ihahatid namin kayo sa venue." Napangiti si Melissa nang wala nang stain ang mukha ng bunso niya. Pero nataranta siya nang muntik na tumulo ang honey na nasa daliri niya. Mabilis na inilapit niya iyon sa kanyang bibig at dinilaan bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Welcome naman daw kayo sabi ng mag-asawang Liu, 'di ba?"
Nilingon niya si Dominic kasi hindi ito nagsasalita. Natigilan siya nang mapansing titig na titig ito sa mukha niya. "B-bakit?"
Lumunok ang binata, umiling at tumayo. "Excuse me. Sige lang kumain lang kayo. Hihintayin ko kayo sa parking lot." Gulat na napatingala si Melissa. Pilit niyang hinuhuli ang tingin nito pero umiiwas talaga. Napanganga tuloy siya nang pagkatapos haplusin ang ulo ni Robby ay tumalikod na ito at dire-diretsong lumabas ng restaurant.
"Anong problema 'non?"
"Hay naku, ate Mel. Akala ko naman naiintindihan mo na si kuya Dominic," sabi ni Demmy kaya napunta sa dalaga ang tingin niya. Nanunudyo ang ngiti nito at may pilyang kislap sa mga mata nang abutan siya ng tissue.
"Bakit, ano bang nangyari?" nalilito ring tanong ni Demmy. Si Robby naman balik na sa pagubos ng pancake nito, walang pakielam sa usapan.
"You don't have to know yet, Maja," nakangiting sagot ni Demmy.
Napatitig si Melissa sa tissue na inabot ng dalaga at saka lang naintindihan ang nangyayari. Uminit ang mukha niya at mabilis na pinunasan ang hinlalaki niya. Pagkatapos sinulyapan niya si Demmy na ngiting ngiti pa rin. "Sige na ate Mel. Sundan mo na. Susunod kami after thirty minutes."
"Hindi ko masundan ang usapan pero sige na, mommy. Go na," udyok din ni Maja.
Thankful na nginitian niya ang dalawa at tumayo. Mabilis siyang nagpaalam kay Robby na sa gulat niya ay hindi nagtanong ng kung anu-ano. Usually ayaw nitong naiiwan na wala siya sa tabi nito pero mula nang dumating sila sa Singapore ay nawala ang pagiging clingy nito. Pagkatapos mabilis na magbilin ng kung anu-ano kina Demmy at Maja ay lumabas na rin siya ng restaurant at nagpunta sa parking lot.
Napahugot siya ng malalim na paghinga nang makita niya si Dominic na nakatayo pasandal sa gilid ng kotse nito. Nakatalikod ito sa direksiyon niya at hindi lumingon kahit nang makalapit na siya. Iyon pala mariin itong nakapikit at paulit-ulit na humihinga ng malalim, para bang kinakalma ang sarili. Tumikhim si Melissa. Gulat na dumilat ito at napalingon. "Hi."
Umalis ito sa pagkakasandal at pumihit paharap sa kaniya. "Mel! What are you doing here?"
Nahihiyang ngumiti siya. "Paano kita hindi susundan kung bigla kang nag wo-walk out? May nagawa akong hindi mo nagustuhan?"
"Bakit ba kasi kailangan mong..." Itinuro nito ang kamay niya. "You don't have to lick yourself like that. Not in front of me..."
Nanlaki ang mga mata ni Melissa at uminit ang pakiramdam nang makumpirma niya ang tunay na dahilan kaya ito nag walk-out. "D-don't tell me... na turn on ka? Wala namang malisya ang ginawa ko ah. Tutulo ang honey kung hindi ko 'yon gagawin."
Huminga na naman ng malalim si Dominic, tumingala at mariing pumikit. Bigla niyang naalala na ganoong ganoon ang hitsura nito nang ihatid siya nito pauwi noong gabing nagpunta sila sa baywalk. That time hindi niya naintindihan ang facial expression nito pero ngayon alam na niya. Napangiti siya at kinilig. "Nagsasabi ka talaga ng totoo."
"What?" disoriented na tanong ng binata na dumilat at niyuko siya.
"Totoo nga na gusto mo na ako bago pa ang opening party ng club mo. Ganiyang ganiyan ang hitsura mo nang ihatid mo ako sa bahay. Ngayon alam ko nang kinokontrol mo ang sarili mo nang gabing iyon. Katulad nang kinokontrol mo ang sarili mo ngayon kaya nag walk out ka."
Bumuntong hininga si Dominic at pinisil ang baba niya. "Yes, ma'am. How smart you are."
May init na humaplos sa puso ni Melissa. Humakbang siya palapit sa binata, inangat ang mga braso at niyakap ito. Naramdaman niyang natigilan ito sandali bago gumanti ng mas mahigpit na yakap. Tiningala niya ito at matamis na nginitian. "Mas magiging maingat na ako sa susunod."
Ilang segundong tinitigan lang siya nito bago yumuko at magaan siyang hinalikan sa mga labi. Humigpit ang yakap niya rito at gumanti ng masuyong halik. Pagkatapos nagkangitian sila. "Hindi mo kailangan mag adjust dahil lang mabilis ako ma-tempt na halikan ka. Just be as you are. Ako ang dapat mag adjust kasi ako ang nakakaramdam ng malisya sa 'yo."
Natawa si Melissa at kusa itong hinalikan sa mga labi. Gumanti ito ng mas malalim at mainit na halik kaya pareho silang hinihingal nang muling maglayo. "We need to be professional today, okay?" bulong ni Melissa.
Mahinang natawa si Dominic. Humigpit ang yakap sa kaniya sa huling pagkakataon bago alanganing humakbang paatras. Nang may ilang pulgada na sa pagitan nila ay saka lang ito nagsalita. "Just for today."
BINABASA MO ANG
THE ASSISTANT
Romance(sequel ng story ko na The Late Bloomer) NASA point si Melissa ng kanyang buhay na hindi na love ang priority niya kung hindi pamilya. Bilang isang biyuda na may dalawang anak, nakapagdesisyon na siyang hindi na uli papasok sa isang relasyon. Kaya...