Part 10

13.9K 422 2
                                    

Tumaas ang mga kilay ni Dominic. "My employees really love to talk about every little thing about me, huh?"

Pilit na ngumiti si Melissa. "Iniidolo ka lang kasi ng mga empleyado sa Slade House kaya palagi ka napag-uusapan. Wala naman silang sinasabing masama tungkol sa 'yo. I can assure you that."

Umangat ang gilid ng mga labi ni Dominic. "That's good then." Pagkatapos bigla itong tumalungko sa kaniyang harapan at inilapag sa tabi ng kanyang mga paa ang step-in sandals. Nanlaki ang mga mata ni Melissa at tarantang napahawak sa mga balikat nito para pigilan ang akmang paghubad nito sa sapatos niya. "Sir! Ako na. Kaya ko na 'yan. Please, tumayo ka."

Tiningala siya ni Dominic, pinagmasdan ang mukha niya at biglang kumislap ang amusement sa mga mata. "Namumula ang mukha mo."

Napangiwi si Melissa at hinaplos ang pisngi niya. Alam niya na mabilis mamula ang mukha niya. Palagi ngang biro ng pamilya niya na madali raw makita ang nararamdaman at iniisip niya kasi hindi niya nakokontrol ang pag ba-blush niya. "Kasi nakatalungko ka sa harap ko at nakatingin sa atin ang mga tao sa paligid na parang nanonood sila ng pelikula kaya nagkakaganito ako. Basta tumayo ka, please."

Ngumisi si Dominic at naging pilyo ang kislap sa mga mata. Natakot tuloy siya na baka may gawin itong lalo magpapatindi sa blush niya. Obvious tuloy ang naging relief na buntong hininga niya nang tumayo ito. Natawa na naman ito bago umupo sa kaniyang tabi. "Nakakatuwa ka biruin," komento pa ng binata.

Napailing si Melissa at hindi na lang sumagot. Maingat na kasi niya hinubad ang high heeled shoes niya at napangiwi nang makitang may natuklap talagang balat sa mga paa niya.

"That looks painful," komento ni Dominic.

"Keri lang," usal niya habang dahan-dahang isinuot ang binili nitong step-in sandals. Napabuntong hininga siya nang maging komportable na ang mga paa niya. Nakakamangha rin na sakto ang size niyon para sa kaniya. Sinulyapan niya ang boss niya at nginitian ito. "Salamat na naisip mo ako bilhan nito. Magkano 'to? Babayaran kita."

"Forget it. Mura lang 'yan," balewalang sagot ni Dominic na tumayo na. "Kaya mo na maglakad? May nakita akong stall na nagbebenta ng mga bagay na sa tingin ko magugustuhan ng anak mo."

"Pero wala na tayong oras, sir. Tapos na ang lunch break."

Tumaas ang mga kilay ng binata at namaywang. "Ako ang boss at kapag sinabi kong puwede pa tayo mag stay dito, puwede pa. Tara na bago pa magbago ang isip ko."

Napanganga si Melissa at hindi napigilan matawa. "Ang suwerte ko naman sa boss ko," pabirong sagot niya at tumayo na rin.

Ngumisi si Dominic. "Ngayon mo lang nalaman? You're so slow, Melissa."

Natatawa pa rin na umiling-iling siya. Isinilid niya ang high heeled shoes niya sa paperbag na pinaglagyan ng suot na niya ngayong sandals at saka naglakad palapit sa mga stall. Nasabik si Melissa nang may makita nga siyang isang hilera ng stall na nagbebenta ng kung anu-anong kpop merchandise. Tahimik lang na umagapay sa kaniya si Dominic at mukhang hindi naman naiinip kasi kahit isang beses lang hindi niya ito nakitang tumingin sa rolex watch nito.

Kaso puro posters, pamaypay at keychains lang ang naroon. Wala siyang puwedeng ipangregalo para sa birthday ni Maja. Pero may nakita siyang cute na golden child keychains kaya bumili siya para sa anak niya. Pagkatapos umalis na sila ni Dominic at bumalik sa Slade House.

Pagdating nila sa ground floor nakita niyang dumeretso agad ng tayo si Clara at kinuha ang atensiyon ng boss nila. Huminto sa paglalakad ang binata at lumingon. "Yes?"

Halatang lovestruck pa rin ang dalaga kasi medyo nautal nang sabihin na may bisita raw si Dominic na naghihintay sa third floor. "Pinsan niyo raw siya sir kaya hinayaan ko na siyang sa taas maghintay."

Bumakas ang pagtataka sa mukha ng binata, tipid na nagpasalamat bago mabilis na umakyat ng hagdan. Sumunod agad si Melissa, thankful na naka-step in sandals na siya ngayon at puwede na tumakbo nang hindi nasasaktan. Pagdating nila sa third floor, nakita agad nila ang isang magandang babae na nakaupo sa isa sa mga nagkalat na upuan. Nakatutok ang atensiyon ng babae sa cellphone nito bago napatingala at matamis na ngumiti nang makita si Dominic. "Hi there, gorgeous," bati nito sabay tayo.

"Gabby! You're back?" gulat pero halatang masaya na bati ng boss niya.

"Why? Ayaw mo ba makita ang paborito mong pinsan?" balik tanong ng babae. Natawa si Dominic, humakbang palapit sa dalaga at saka mahigpit itong niyakap. Hindi nakapagtataka na sabik ang boss niyang makita ang pinsan kasi madalas daw nag ta-travel ang babae sa kung saan-saan. Ayon sa mga katrabaho niya blogger, fashion icon at social influencer daw si Gabby.

"I'm so glad to see you," sabi pa ni Dominic.

Napangiti si Melissa. Masaya siyang makita na masaya ang boss niya. After all, sa tagal niya sa Slade House si Gabby Roman lang ang nag-iisang kamag-anak ni Dominic na nakita niyang bumisita. Katunayan wala pa yatang empleyado sa Slade House ang nakakakita sa ibang family members ng boss nila. Wala rin nakakaalam kung ano ang pangalan ng parents nito o kung may kapatid ba ito at kung anu-ano pang impormasyon tungkol sa pamilya nito.

Natapos ang yakapan ng dalawa at akbay ang pinsan na nilingon siya ni Dominic. "Can you cancel all my other appointments for the rest of the day, Melissa?"

"Sure sir," mabilis na sagot niya.

Ngumiti si Dominic pero napansin ni Melissa na iba na iyon sa ngiti nito kaninang nag la-lunch sila. Mas professional na uli. Binalewala niya ang munting pagkadismayang nakapa niya sa kanyang dibdib at pinagmasdan ang dalawa hanggang tuluyang makapasok sa opisina.

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon