Part 2

21.2K 562 17
                                    


KALAHATI ng third floor ang opisina ni Dominic Roman pero fully furnished at trendy ang interior design ng kabuuan ng palapag na iyon. May dalawang small office sa isang side na gawa sa glass ang mga pader kung saan nagoopisina ang ilang empleyado na in charge sa human resources at finance. Ang natitirang espasyo ay pinalibutan ng iba't ibang klase ng comfortable chairs at tables na puwedeng tambayan ng mga empleyado at bisita. Right now walang tao roon.

"Melissa."

Nag-echo ang boses ni Dominic nang tawagin ang pangalan niya. Nakatayo na ito sa nakabukas na pinto ng opisina nito, nakatingin sa kaniya at halatang naiinip na. Mabilis siyang naglakad palapit hanggang nakatayo na siya sa mismong harapan nito. Pero hindi ito gumilid agad para makapasok siya sa loob. Sa halip matagal na nagtama ang mga paningin nila. Kahit nagtataka si Melissa ay hindi niya pinutol ang eye contact nila at hinintay lang ito kasi baka may gusto itong sabihin o ano. Para kasing may pilit itong binabasa sa mga mata niya na hindi niya maintindihan.

"May problema ba?" nagtatakang tanong niya.

Kumurap si Dominic at humakbang paatras. "Come in," sabi nito imbes na sagutin ang tanong niya.

Nagtataka pa ring tumalima si Melissa. Nailang siya kasi kahit nasa loob na sila pareho ng malawak nitong opisina ay mataman pa rin siya nitong pinagmamasdan. Sa totoo lang sa nakaraang mga buwan ay madalas niya napapansin na inoobserbahan siya ni Dominic. Hindi niya alam kung bakit at hindi naman niya tinangka magtanong kasi baka assuming lang siya.

"Anong gusto mong sabihin sa akin, sir?" basag niya sa katahimikan nang mahuli niyang bumaba sa kaliwang kamay niya ang tingin nito at tumagal doon.

Nag-angat ng tingin si Dominic kaya muling nagtagpo ang mga paningin nila. Ngumiti ito at namulsa. "Relax. Good news ang sasabihin ko sa 'yo."

Pero hindi nagbago ang tuwid na pagkakatayo ni Melissa at nagdududa pa rin ang tingin sa binata. Tumawa si Dominic at kumislap ang amusement sa mga mata bago naglakad palapit sa malaking brown leathered sofa at pabagsak na umupo roon. Pagkatapos nakangiti pa rin na tinapik nito ang maluwag na espasyo sa tabi nito. "Sit down."

Nag-alangan si Melissa pero tumalima pa rin. Wala naman kasi siya ibang mauupuan dahil walang ibang couch o stool man lang sa opisina nito. Ang sofa na iyon lang talaga at ang swivel chair na kapartner ng office table nito na sobrang layo naman sa puwesto nila.

Umupo siya at sinigurong tamang tama lang ang espasyo sa pagitan nilang dalawa. Hindi masyadong malayo na iisipin nitong masyado siyang conscious at hindi rin naman sobrang lapit. "Ano ho bang pag-uusapan natin, sir?"

Kumislap ang amusement sa mga mata ni Dominic at biglang pumihit paharap sa kaniya. Itinukod nito ang siko sa sandalan ng sofa, nangalumbaba at tinitigan siya. "Matagal ka na nagtatrabaho sa Slade House at kung tutuusin hindi naman na tayo iba sa isa't isa, Melissa. Magkasing edad din tayo kaya puwede mo akong tawagin sa pangalan ko kapag tayong dalawa lang."

Marahan siyang tumango at sumulyap sa nakapinid na pinto ng opisina nito bago ibinalik ang tingin sa binata. "At ang pag-uusapan natin ay ano nga?"

Tumaas ang mga kilay ni Dominic at naging pilyo ang ngiti. "Hindi ka ba komportable na kasama ako? Naiilang ka bang tayong dalawa lang dito?"

Hindi na nakatiis si Melissa. She rolled her eyes at him. Natawa ito ng malakas, matagal at parang aliw na aliw. Na-relax siya at napailing pero napangiti na rin. Mahirap hindi mahawa kapag narinig na ang tawa ni Dominic Roman. "Ano ngang pag-uusapan natin? Kailangan ko bumalik sa baba at baka may dumating na customer."

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon